[21] Sorry
--------------------------------------------
Courtney's POV
"Hi." Tiningnan ko lang kung sino yung bumati sakin.
Si Buwan.
Pumasok siya dito sa loob ng kwarto ko at may dala siyang pagkain. May pasok kami pero hindi muna ako pumasok, nahihilo ako at hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko rin alam kung bakit hindi rin siya pumasok at sinamahan niya lang ako dito. Nakakapagtaka lang. Parang bumabait na siya na ewan.
"Are you okay now?" Tanong niya.
Tiningnan ko lang siya at tska hindi sumagot. Alam ko naman na guilty lang siya sa mga ginawa niya kaya ganyan siya. Hindi niya inaamin na may kasalanan siya, at wala na kong pake kung aaminin niya o hindi.
Hindi ko nga alam kung kakausapin ko pa siya o hindi eh. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko at may mangyari na naman.
"Bakit hindi ka sumasagot?" Tanong niya at umiwas ako ng tingin sa kanya. Tiningnan ko na lang yung bintana tska huminga ng malalim.
"Bakit mo to ginagawa?" Tanong ko sa kanya.
"Wala." Tiningnan ko siya dahil sa sinagot niya. Anong wala?
"Lumabas kana. Hindi kita kailangan."
"Kailangan mo ko."
Napa-kuyom na lang ako ng kamay ko. Oo nga naman. Kailangan ko pala siya dahil galing sa kanya lahat ng meron ako ngayon. Nakakainis lang talaga.
"Eh ano naman kung kailangan kita!? Lumabas ka dito!" Naiirita na talaga ako sa presensya na.
Lalo akong nainis ng nginitian niya lang ko. Yung masayang ngiti! Pero nakakainis para sakin! Nakakasuka.
"Okay kana. Nasisigawan mo na ako eh. Alis na ko."
Aba't! Anong sabi niya!? Porke't sinigawan ko siya, magaling na ko!?
"Kapal ng mukha mo! Hoy hindi porke't sumigaw okay na ko! Wag ka ng magtanong dahil hindi mo rin magugustuhan ang sagot ko! Nakakainis! Wag ka na nga dito! Lumabas--"
"Sinabi ko na may pakialam pa rin ako sayo kahit papano. Wasn't that enough para maging mabait ka sakin?"
Ano daw? Ako mabait sa kanya? Ako dapat maging mabait sa kanya dahil lang sa may pakialam siya sakin? Ang kapal talaga ng mukha.
"Hindi. Kaya sana, lumabas kana dito." Tumayo na ako para tadyakan ka siya at lumabas na dito.
Syempre joke lang yun. Hindi ko nga alam kung bakit parang nanghihina ako ngayon eh. Parang ang bigat ng katawan ko pero wala naman akong lagnat o sakit.
"Wag mo kong utusan. Bahay ko pa tong tinitirhan mo." Sagot niya sakin.
Bahay niya? Oh sige. Bahay niya pala to eh. Ako na lang aalis para maging masaya na siya at wala na siyang aalagaan at papakialaman o kaiinisan dito.
"Edi ako ang aalis." Pumunta ako sa may cabinet ko at kinuha ko yung maleta ko.
Kinuha ko rin yung mga damit ko at inilagay dun. Wala akong pake kung nandyan siya at pinapanuod akong mag-ayos ng gamit ko. Malaki naman yung maleta ko at konti lang yung gamit ko kaya napagkasya ko na. Pati rin sapatos pinagkasya ko sa loob.
Inayos ko na rin sarili ko at kinuha ko na rin yung mga gagamitin ko sa school. Oo, maglalayas talaga ako dito at hinding-hindi na ako babalik sa impyernong lugar na to.

BINABASA MO ANG
Hatred (EXO FF) (FINISHED)
FanfictionI hate her. I hate her so much; to the point that I'll do everything for her.. For her to be happy. Even if I sacrifice my own happiness just for her.. I hate it. I hate this. I HATE THAT I LOVE HER.