[26] Untold Story
--------------------------------------------
Courtney's POV
"Mama!" Bati ko agad nang makapasok sila agad dito sa bahay.
Tumawag kasi sila na bibisitahin daw nila ako dahil nalaman nila na masama daw ang pakiramdam netong mga nakalipas na araw.
Kanino nila nalaman? Edi sinumbong ako ng magagaling kong mga kaibigan. Sinermonan pa nga nila ako na bakit hindi ko daw sabihin sa mga magulang ko para masamahan nila ako sa doctor. -.-
"Courtney.. Kamusta na?" Tanong ni Mama sakin. Nakangiti siya pero parang malungkot.
"Okay lang po! Kayo po? Si Allea? Asan po?" Tanong ko, hindi kasi nila kasama yung kapatid ko. Namimiss ko na rin yun kahit sumbungera pa yun.
"Kasama niya Tita mo. Kami lang muna ni Papa mo ang pumunta dito.. Para kamustahin ka namin kung okay ka lang ba.." Napansin kong tiningnan ni Mama si Buwan na malapit sakin.
May pinag-usapan ba sila? May sikreto ba sila na hindi sinasabi sakin? Aba, aba! May pa-secret-secret na silang nalalaman ah? -.-
"Naku, Ma! Okay nga lang po ako." Sagot ko at ngumiti ako.
"Yung nararamdaman mo--"
"Wala na, Ma! Okay na ko. Pramis! Teka.. Ano pong gusto niyong kainin?" Tanong ko pero nagulat ako ng biglang tumayo si Mama at lumabas bigla ng bahay.
Tiningnan ko si Papa pero tumungo lang siya at sinabing susundan niya si Mama sa labas.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa sarili ko.
"Umakyat ka muna sa taas. Ako na lang kakausap sa mga magulang mo." Utos sakin ni Buwan.
Nung una, syempre ayokong pumayag kasi nga magulang ko yun at wala siyang alam tungkol sa kanila. Pero dahil sa naririndi na rin ako at nahihilo na ko sa pakikipagtalo, pumayag na lang ako at umakyat na sa kwarto ko.
Sumilip agad ako sa bintana kung nasa labas pa rin sila Mama. Oo, nandun pa rin sila ni Papa at kausap nila si Buwan. Pansin ko na may sinabi si Papa kay Buwan. Ewan ko pero parang nakita kong nagulat si Buwan.
Napa-upo ako ng bigla siyang tumingin dito. Nakakagulat kaya. -.-
"Sumasakit na naman ulo ko kakaisip." Pumikit ako. Kailangan ko na ba talagang magpa-checkup?
Siguro nga. Baka mamaya may dengue na pala ako. Pero.. Wala namang lamok dito sa bahay tska sa kwarto ko. Baka sa kwarto ni Buwan meron tas dun ako nakagat!
O__________O
Laganap pa naman ngayon ang mga lamok na may dengue. Tss. Pero wala naman akong rashes.. Tska hindi naman ako nilalagnat.
Ay ambot sa kalbong kambing.
Narinig ko sila Mama sa baba. Malamang nandito nandito na sila sa loob. Pero bakit ganun? Parang may ayaw silang sabihin sakin.
Dahil sa astig ako, syempre makikinig ako sa pinag-uusapan nila nang hindi nila ako nakikita! Parang spy ba, ganun. Mehehez~
"Bryle, wag mo munang sabihin sa kanya ha? Pakiusap.." Rinig kong umiiyak si Mama. Hala? May problema ba?
"Hindi ko po sasabihin. Pero, kayo po? Kelan niyo sasabihin kay Courtney?" Tanong ni Buwan.
Wooo? Tungkol sakin? Anong hindi sasabihin? At bakit nakikiusap sa kanya si Mama? Teka-- May ginawa na naman ba tong Buwan na to?
BINABASA MO ANG
Hatred (EXO FF) (FINISHED)
FanficI hate her. I hate her so much; to the point that I'll do everything for her.. For her to be happy. Even if I sacrifice my own happiness just for her.. I hate it. I hate this. I HATE THAT I LOVE HER.
