[30] Blood To Brain
--------------------------------------------
Note:
Ang sabi ko nung una, hanggang Chapter 30 lang to. Hahaha. Thet. Hindi pala kakayanin. Baka tulad abutin din to ng 50 Chapters or more.
Sabi ko rin kasi sa sarili ko, itutuloy ko ang mga kwentong ginagawa ko. May nagbabasa man o wala. Hindi ako humingi ng kung ano, gusto ko lang na mai-share yung mga ideas ko. Lols. Joke lang. Mabait naman kayo diba? Diba? You know what I mean, fre. :DD
Wala lang. Epal lang ako. Hahaha! Enjoy reading~ :)
--------------------------------------------
Courtney's POV
["Okay! Hintayin mo ko dyan! Wag kang lalabad ng kwarto mo! Courtney, wag kang pipikit. Hintayin mo ko.."]
Wag akong pumikit, Keith? Pero ang sakit. Parang mamamatay na ko sa sobrang sakit ng ulo ko. Nasusuka na naman ako.. Hindi ko na ata kaya..
"O-okay.. B-bilisan mo.." Sagot ko sa kanya at in-end na niya.
Nandito lang ako sa kwarto ko. Ayokong lumabas dahil ayokong makita ako ni Manang at lalong-lalo na ni Buwan na ganito.
Wala silang alam at mas mabuti na yun para hindi rin sila mag-alala sakin. Kaya ko na naman kaso lang.. Iba talaga kapag sobrang sakit..
"A-ang s-sakit.. Aaaaaah.." Hinawakan ko lang yung ulo ko at pumikit. Sobrang sakit pero hindi dapat ako magpatalo.
Marami pa kong gustong gawin. Gusto ko pang makatapos nang pag-aaral ko. Gusto ko pang makita ang totoo kong nanay. Marami pa.. Gusto ko pang itama ang lahat ng mali at malabo..
"Aaaah!! Ang sakiiiit!! Araaay!!" Hindi ko na napigilan na mapasigaw sa sobrang sakit.
Alam kong hindi to brain cancer o tumor. Pero ang sakit sa ulo. Ang sinabi lang sakin nila Keith at ng Daddy niya ay sa dugo lang daw ito at pwde pang magamot.
Depende sakin.
"Courtney! Courtney!" Nakita kong lumapit sakin si Keith.
Minulat ko yung mata ko pero malabo ang nakikita ko. Siguro dahil na din sa luha na nasa mata ko. Hinawakan niya yung mukha ko at pinunasan yung mukha ko.
"Courtney.. Listen.. Magiging okay ka rin. Nandito na ko. Tara na, dadalhin kita kay Papa." Sabi niya at lumayo siya sakin saglit at may kinausap sa phone niya.
Hawak ko pa rin yung ulo ko ng mabaling sa may pinto yung tingin ko. Nakita ko si Manang at si Buwan.. Mukhang wala silang alam sa nangyayari pero masasabi kong nag-aalala rin sila.
Kita ko. Lalo na sa mukha ni Buwan.. Iniiwas ko yung tingin ko sa kanya. Hindi ko alam pero ayoko muna siyang makausap. Ayoko dahil naguguluhan ako sa mga inaakto at sinasabi niya..
"Keith!!" Sigaw ko ng bigla na lang uliy sumakit yung ulo ko.
Nilapitan niya naman ako at inalalayan. "Shit. Tara na. Hoy! Kumuha ka nga ng taxi! Dalian mo!" Rinig kong sigaw niya, hindi ko siya makita dahil nakapikit lang ako.
Naramdaman ko na lang na buhat-buhat niya na lang ako pumasok kami sa isang sasakyan.
Muli kong minulat yung mata at ang huli kong nakita ay si Buwan na naka-kunot ang noo habang nakatingin sakin.
****
Keith's POV
"What!? Dad! You said-- Fuck this!" Napa-sabunot na lang ako sa ulo ko dahil sa mga sinabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/14975775-288-k302779.jpg)
BINABASA MO ANG
Hatred (EXO FF) (FINISHED)
FanfictionI hate her. I hate her so much; to the point that I'll do everything for her.. For her to be happy. Even if I sacrifice my own happiness just for her.. I hate it. I hate this. I HATE THAT I LOVE HER.