[9] Missing

43 3 0
                                        

[9] Missing

--------------------------------------------

Courtney's POV

Intrams. Bass drums. May ryhmes.

Lol. Ang astig ko talaga noh? Ang galing ko mag-isip. Idol niyo na ba ko? Sabihin niyo lang kung kailangan niyo ng autograph ha. Hindi ko naman ipagdada--

"CJ! Asan na ba si Bryle? Kayo na next oh!" Sigaw sakin ni Bei.

Siya kasi yung in-charge dito sa backstage para sa contest na to. 4th year life, tska fashionista siya diba? Kaya gora lang sa kanya.

"Kanina pa nga wala yun eh." Sagot ko habang nakatingin sa mga audience. Ang dami nila. O_o

Speaking of Buwan. Kanina pa siya nawawala. Hindi man lang nagpaalam kung saan pupunta. Maayos na nga tong itsura ko eh, siya na lang tong wala.

May ishi-share pala ako. Alam niyo bang si Buwan lahat ang gumastos ng mga kakailanganin namin? Kaya nga wala na kong reklamo dahil libre niya na. Hindi alam ng mga kaibigan ko to, hindi alam ni Dylan.

Iniisip ko nga.. Hanggang kelan ko kaya itatago tong meron kami ni Buwan? Meron nga ba? Wala naman eh. Na-ooverthink ako. -.-

"Buwan. Asan kana ba kasi." Bulong ko sa sarili ko.

Hindi ako kinakabahan na mapahiya o mapagalitan. Ang sakin lang, yung advisory class namin.. Yung section namin.

Tinagurian na nga kaming worst section eh kaya gusto ko namang ayusin na yung section namin. Kahit sa simpleng pagre-represent lang, maayos ko na--namin.

"Courtney!"

May tumawag ng pangalan ko kaya napatingin naman agad ako. Si Dylan na papalapit sakin. Si Dylan na.. Suot yung damit ni Buwan.

Bakit siya nandito? Bakit suot niya yung dapat na suot ni Buwan? Anong gagawin niya dito?

"I'll replace him. Umalis siya at importante daw yun. Shall we?" Nag-handout siya at kinuha ko naman yung kamay niya at lumabas na kami sa stage.

Pansin ko na may ibang nagulat dahil si Dylan ang naging partner ko at hindi si Buwan. Pati yung mga classmates ko at si Ms. Cortez.

Pansin ko rin nga. Lagi na lang nawawala si Buwan. Biglang aalis ng walang paalam. Minsan ganun din sa bahay, darating na siya ng gabi. Pano ko nalaman? Sinasabi ni Manang. -.-

Aba ayos siya kung maghihintay ako at magkakapuyat sa kanya. Ano siya, chiks? Matutulog na lang ako kesa maghintay sa Buwan na yun. -.-

Nagpakilala na kami ni Dylan dun at ginawa ang part namin. Pagkatapos nun ay bumalik na kami sa backstage para makapaghanda para sa talent portion. Next na kasi yun.

"CJ, okay ka lang?" Tanong sakin ni Jasmine. Tinutulungan niya kong mag-ayos, sila ni Gayle.

"Hindi. Perstaymer ako tas okay lang ako? Hindi kaya." Sagot ko habang nagpapalit ng sapatos.

"Di yun. What I mean is yung kay Bryle.. Hindi siya yung partner mo ngayon." Sabi niya ulit.

"Ayos nga yun eh. Maarte kasi yung Buwan na yun-- Pwe! Lipstick nakain ko!" Sabi ko kay Gayle. Siya kasi nagmemake-up sakin. -.- Eh wala siyang alam dito.

"Sorry not sorry. Ako kinuha mo eh." Sagot niya at pinagpatuloy ang pagkukulay sa mukha ko.

Oo. Pagkukulay ang tawag niya dun. Parang coloring book daw kasi yung mukha ko. Sarap kulayan. -.-

Hatred (EXO FF) (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon