[14] Cola The Puppy
--------------------------------------------
Courtney's POV
"Nareul deo saranghage~ Mandeulji mothan~ Nae jalmoshijyo~"
Kumakanta ako ngayon dito sa kwarto ko ng Mistake by SNSD. Ang ganda kaya ng kantang yun tska yung Promise. *u*
Saturday ngayon kaya walang pasok. Wala naman kaming Saturday classes at kung meron man, di na ko papasok. -.-
"Naega deo saranghaeseo~ Mandeureobeorin~ Nae--"
*tok tok tok*
Sinong epal yan!? Sinong umeekstra sa concert ko ngayon!? Magpakita kaaaa~ Kakalbuhin kita!
-.-
"Sino yan?" Tanong ko tska ko pinatay yung magandang music sa selpon ko.
"Courtney? Si Yvette to." Sagot nung tao sa labas.
Si Yvette? Ano namang ginagawa niya dito? Ahh.. Binibisita niya si-- Basta kilala niyo na yun.
Pinagbuksan ko siya ng pinto at nagulat naman ako ng bigla niya kong yakapin. Friendly hug. Kaya tinapik ko na rin yung likod at niyakap na rin siya.
Mabait si Yvette. At hindi naman ako galit sa kanya kahit ikompara siya ng buong mundo sakin. Dahil totoo naman eh. Malayo siya sakin. MAS lamang siya sakin.
"Akala ko hindi mo ko maririnig kasi kumakanta ka eh. But anyways, can you do me a favor?" Nakangiting tanong niya.
Narinig niya pala ako kanina. Nakakailang tuloy kasi alam kong kumakanta siya at magaling siya. Dami niya talagang kayang gawin.
"Ahh.. Ano ba yun?" Tanong ko pero tumalikod lang siya na parang may kinuha.
O____________O
May buhat-buhat siyang cute na puppy. Hindi ko alam kung anong tawag dito pero kulay white tska medyo curly yung balahibo.
"Papabantayan ko sana eh. May pupuntahan kasi kami ni Bryle. Kaya kung okay lang.. Iwan ko muna siya dito." Parang nahihiya siya sakin.
Napakamot na lang ako sa batok ko at tumango sa kanya. Wala naman kasi akong gagawin. Kaya lang kasi--
"Oh my gosh! Thank you, Courtney!" Tapos niyakap niya ko ng mahigpit.
Ibinaba niya na yung puppy at tska siya umupo para kausapin yun.
"Baby Cola? Behave to ate Courtney, okay? I love you." Tapos kiniss niya sa ulo yung aso.
Err.. Hindi ako sanay kasi naman--
"Thank you, Courtney. Pwde mo siyang igala sa labas. Salamat!" Tapos umalis na siya.
Narinig kong sumarado yung pinto sa baba kay ibig sabihin nakaalis na silang dalawa dito. Kaya ako na lang tska tong aso na to ang naiwam dito. Masanay na kayo na tuwing weekends, wala si Manang.
Tinitigan ko lang tong cute na puppy sa harap ko. Nakatingin lang siya sakin habang nakaupo. Oo na! Cute na siya pero.. Pano ba to?
TAKOT AKO SA ASO! TT-TT
Kahit cute pa to hindi pa rin mawawala sakin na takot ako sa aso! Kahit anong itsura, laki, edad, kasarian! Nakakatakot! TT-TT
"Arf! Arf!"
O____________O
"Jusmiyo! Santisima bruhilda kaaaaa!!!" Sigaw ko at tumakbo ako paakyat sa kama ko. Lalapitan niya ko! Nakakatakot!
BINABASA MO ANG
Hatred (EXO FF) (FINISHED)
FanfictionI hate her. I hate her so much; to the point that I'll do everything for her.. For her to be happy. Even if I sacrifice my own happiness just for her.. I hate it. I hate this. I HATE THAT I LOVE HER.
