[20] Acceptance
--------------------------------------------
Courtney's POV
"Hindi mo naman kasalanan na hindi sagutin si Dylan eh."
"Gaga to! Kasalanan niya yun!"
"Hindi nga sabi! Hindi niya yun ginusto!"
"Anak ng-- Kasalanan niya yun! Simula pa lang, pinaasa niya na yung tao!"
"Hindi nga!"
"Oo sabi!"
Nagsisigawan sila Gayle at Jasmine ngayon dito sa kwarto ko. Wala kaming pasok kaya dito daw muna sila. Mag-uusap daw kami pero heto.. Nagsisigawan sila dahil sakin.
"Manahimik na nga kayo!" Saway ko ng hindi ko na sila matiis.
Oo, alam kong kasalanan ko na paasahin ko si Dylan. Aminado ako na nasaktan ko siya at may kasalanan ako. Pero kailangan pa ba talagang ipamukha sakin yun?
Nasasaktan din ako. Oo, dahil nasaktan ko yung taong gusto ko. Nasaktan ako ng umiyak siya dahil sakin. Nahihirapan na din ako.
"Alam kong may kasalanan ako pero.. Wag niyo na namang ipamukha sakin oh? Kung pwde lang kasi.. Hindi na kinakaya ng utak ko.. Nahihirapan din ako." Nakakainis dahil hindi ko mapigilan na umiyak.
Hindi ko pa nakakausap si Dylan simula kahapon.. Nung nagtapat siya at sinabi niyang may alam siya. Nahihiya ako at natatakot. Nahihiya ako dahil nagsinungaling ako.. At natatakot ako na baka layuan niya din ako..
"Sorry, CJ. Nadala lang." Tumango lang ako kay Gayle at pinunasan yung luha ko.
"Ano ng balak mo ngayon? Kakausapin mo ba si Dylan?" Tanong sakin ni Jasmine.
"You should talk to him." Pag sang-ayon ni Bei.
"Natatakot ako." Sagot ko. Nakayuko lang ako, ayokong makita nila akong ganto.
"Ikaw!? Natatakot!? Akala ko ba matapang ka!?" Parang nagulat si Gayle.
"Shut up. Hindi mo maiiwasang matakot kapag nasa ganyan kang sitwasyon." Saway ni Bei sa kanya.
"Kakausapin ko siya.. Sa Monday." Sagot ko kaya binatukan ako ni Gayle ng hindi ko alam kung bakit.
"Kailangan may schedule!?" Inirapan ko lang siya.
Yun lang pala ang dahilan kung bakit siya nang-babatok. Ang sakit kaya. Ang laki pa ng kamay neto, parang lalaki.
Sinabihan nila akong matutulog daw sila dito sa kwarto ko kasi wala daw silang magawa. Buhay baboy tong mga to eh. -.-
"Baba lang ako." Paalam ko sa kanila.
"Kausapin mo din siya." Tiningnan ko si Gayle na nakapikit at nakahiga sa kama ko.
"Kakausapin ko naman si Dy--"
"Si Bryle." Pinutol niya yung sasabihin ko at tiningnan ako ng seryoso.
Tumayo siya at sinabi kila Bei at Jasmine na sasama siya sakin sa baba kasi may pag-uusapan daw kami. Alam ko na kung ano yun.
Dumiretso na lang kami sa kusina. Nandun kasi si Buwan sa sala, nag-aaral siya. Tska ayos na yun, malayo kami sa kanya.
"Gayle, okay lang ako--"
"Gusto mo ba si Dylan?" Seryoso siya at nakatingin lang siya sakin.

BINABASA MO ANG
Hatred (EXO FF) (FINISHED)
FanfictionI hate her. I hate her so much; to the point that I'll do everything for her.. For her to be happy. Even if I sacrifice my own happiness just for her.. I hate it. I hate this. I HATE THAT I LOVE HER.