[28] A Talk With Her
--------------------------------------------
Courtney's POV
"Bakit?" Bungad na tanong ko kay Buwan ng katukin niya ko sa kwarto ko.
Hindi ko siya kinakausap. Wala lang, gusto ko munang mapag-isa. Gusto ko yung tahimik muna yung paligid ko para makapag-isip ako nang maayos.
"Yvette.. Nasa baba. She wants to see you." Sagot niya at tinanguhan ko lang siya.
Gusto akong makita ni Yvette? Bakit naman? Hay.. Yaan na. Di muna ako masyadong mag-iisip. Alam kong may sakit ako at binalaan ako ni Keith na wag ko daw pilitin ang sarili ko na mag-isip ng kung ano-anong bagay na walang kwenta.
Bumaba na ako at naabutan ko si Yvette na nasa kusina. Nagluluto ata siya, ewan ko. Kumuha ako ng isang upuan at umupo sa may mesa.
"Gusto mo daw akong makita?" Tanong ko sa kanya pero nginitian niya lang ako at may nilapag siyang pagkain sa harap ko.
"I didn't said that. He did it on purpose, Courtney." Hindi ko nakuha yung sinabi niya. Parang ang layo sa tanong ko, ano?
"Ahh." Yun lang ang nasagot ko sa kanya.
Napahawak agad ako ng mahigpit sa kamay ko nang maramdaman kong kumikirot na naman yung ulo ko. Natakot ako nang malaman ko na may sakit ako, na meron akong Leukemia. Pero ano bang mangyayari kung basta na lang ako matatakot? Wala.
"Are you okay?" Tanong niya, inabutan niya ko ng baso na may tubig.
"Oo naman." Sagot ko. Walang dapat na makaalam ng sakit ko bukod samin ni Keith. Ayoko lang na mag-alala sila at kaawaan ako.
"I made this. Sabi kasi ni Bryle, favorite mo to." Inilapit niya sakin yung plato at dun ko lang napansin na lasagna pala to.
Pero, ano daw? Sinabi ni Buwan na favorite ko daw yung lasagna? At saang lupalop niya yun nalaman? Stalker ko ata yun eh. =________=
"Stalker ko ata yung Buwan na yun. Salamat, Yvette." Napatawa siya sa sinabi ko.
"Yes, stalker mo siya." Muntik na kong mabulunan sa sinabi niya.
"Di nga!? Asa pa ko. Stalker ko yun? Baka nga mga lalaki ini-stalk nun eh." Sagot ko sa kanya at uminom ako ng tubig. Baka matuluyan pa ko neto dahil sa sinabi niya sakin.
"I was just kidding! You hate him that much?" Tanong niya habang nakangiti sakin.
Bakit niya naman naisip na magtanong nang ganyan? May alam ba siya? Tss. Hay, Courtney. Parang girlfriend na yan ni Buwan kaya malamang may alam yan.
"San ka natuto na gumawa ng lasagna?" Change topic na lang, dre. Mahirap nang magsalita.
"Natatakot ka ba sa tanong ko? Courtney, I'm a friend. You can tell me anything." Hindi niya sinagot yung tanong ko.
"Hindi ako natatakot, Yvette. Mahirap lang magsalita ng tapos." Kaibigan siya. Kaya pwde akong magsabi sa kanya. Hindi naman masama na magtiwala diba?
"But I know that you hated him. Why can't you just say it to him? Why can't you just admit it?"
Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sagutin. Kailangan ko ba talagang magsalita tungkol dito?
"Alam mo, kung galit ako sa kanya edi matagal ko ng nasabi yun." Hindi ko alam kung bakit naging ganyan yung sagot ko.
"H-hindi ka galit sa kanya?" Mukha siyang nagulat at hindi makapaniwala. Parehas lang kami, hindi ko rin alam kung bakit ganun yung sagot ko kanina.
BINABASA MO ANG
Hatred (EXO FF) (FINISHED)
FanfictionI hate her. I hate her so much; to the point that I'll do everything for her.. For her to be happy. Even if I sacrifice my own happiness just for her.. I hate it. I hate this. I HATE THAT I LOVE HER.