[31] End Of Contract

35 2 0
                                        

[31] End Of Contract

--------------------------------------------

Courtney's POV

"It's not that painful." Bulong sakin ni Keith.

Nandito kami ngayon sa ospital kung nasan yung tatay niya. At, oo. Magpapagamot ako kapalit nung sinabi niya sakin na alam niya kung nasan yung nanay ko.

Friday ngayon at hindi pumasok. Magkaiba kami ng school at all boys yung school niya. Nag-drop na ko pero hindi pa alam ng mga kaibigan ko. Kami lang ni Keith ang nakakaalam at.. Ang alam nila ay may family issues ako kaya hindi ako makapasok.

"Anong painful?" Tanong ko sa kanya. Syempre pabulong rin alangan naman na sumigaw ako dito, diba?

"Seriously? Painful, yung masakit! Yung ma--"

"Gago! Alam ko yung meaning nun! Aling painful yung tinutukoy mo ang tanong ko!" Gawin ba naman akong bobits.

"Tsk. Yung injection." Nagkibit-balikat na lang ako sa sagot niya.

"Hindi ka takot!?" Mukha pa siyang nagulat. Panget.

"Hindi. Sa totoo lang feeling ko komportable pa ko kapag may nakaturok sakin." Sagot ko sa kanya. Ewan ko, pero yun ang totoo.

"What!? Baliw ka ba!?" OA ng reaction neto. Sarap balibagin.

"Hindi ah! Totoo kaya. Ang sarap kaya yung kapag kinukuhaan ka ng dugo, alam mo yun? Yung dito oh." Tinuro ko pa sa kanya yung braso ko. Mukha pa siyang nandidiri, problema niya? Nagtatanong siya eh.

"Kadiri. Hey! I'm not scared of blood! It's just.. Disgusting." Ang defensive naman neto. Wala naman akong sinabi sa kanya, diba?

"Baliw. Wala akong--"

"Ms. Roxas? Kayo na po." Tawag samin nung nurse at sabay naman kaming tumayo.

Nung papasok na kami sa Laboratory Room ay napansin kong tumigil siya. Sabi na nga ba. Takot nga talaga to sa dugo.

"Hindi ka papasok?" Tanong ko sa kanya. Wait.. Parang iba yata yung dating ng tanong ko? =.=

"Papasok saan?" Nginitian niya ako. Sabi na nga ba eh, iba yung pagkaintindi niya.

"Papasok sa Laboratory Room, san pa ba? Gusto mo sa morgue kita ipasok?" Inirapan ko siya tska nauna na ko. Sumunod din naman ang loko.

Nung i-injectionan na ko ay nakatingin lang ako sa kanya. Natatawa kasi ako kasi hindi siya makatingin sakin. Ewan ko nga kung bakit andito ako sa Laboratory eh. Baka uulitin yung mga tests sakin? Ay, yaan na.

"Okay lang mag-react." Sabi sakin nung nurse na nagtuturok. Lalaki siya at mukhang.. Flirt. -.-

"Di naman masakit." Sagot ko at tiningnan ko kung gaano na karami yung dugong nakuha sakin.

"I'm Sean. Ikaw?" Tanong niya. Hindi sana ako sasagot pero naisip ko.. New found friend si Kuya?

"CJ." Ngintian niya lang ako at ganun din naman ang ginawa ko.

Natapos yung pagkuha sakin ng dugo at nandito kami ngayon sa lobby. May canteen dito at mag-meryenda daw muna kami, treat daw ni Keith. Rits kid.

Umupo kami dun sa mahabang upuan ng tahimik pa rin. Baka na-trauma na to sa dugo? Tsk. Dapat pala hinayaan ko siya dun--

"Wag kang makikipagkaibigan sa mga tao dito. Especially sa mga nurses. Yung mga lalaki pa. Tss." Biglang sabi niya kaya napatingin naman ko. Baliw na ata.

Hatred (EXO FF) (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon