[49] Art of Letting Go
--------------------------------------------
Stephanie's POV (Courtney)
"Please turn around.. Okay.. That's it! You're very good! Very proffessional!" Hindi ko na pinansin ang papuring yun. Ginawa ko na lang ang dapat kong gawin. Ang mag-pose, humarap sa camera at ngumiti.
Yep. That's my fashion now. Isa na akong model ngayon. Nasabi ko ba dati na sa Clothing industry ang business ni Mommy? She's a business woman and a fashion designer, kaya ginawan niya ng business yun at lumaki ng lumaki.
"Take a break, Stephanie." Sabi sakin ng photographer. Tumango lang ako at nagpalit saglit ng damit. Hindi naman pwdeng lumabas ako ng building na to na ganun ang itsura no.
Inayos ko ang gamit ko at naghanda na para lumabas. 2 hours ang break ko, yun ang kasunduan namin dito. At mas okay na rin yun para hindi ako masyadong ma-pressure.
Hinintay ko ang driver ko na sunduin ako dito sa labas ng building. Pagkadating niya ay agad na akong sumakay. May ilang tumitingin na rin sakin dito sa labas. Hindi naman sa pagyayabang pero kilala na rin ako dito. Kilala na ako--
"Yes?" Tanong ko sa batang babae na kumatok sa bintana ng sasakyan. Buti na lang at hindi pa kami nakakaalis. Nginitian ko siya.
"She smiled at me!" Sigaw niya sa babaeng malayo sa kanya, siguro nanay niya yun. "Uhm.. Can I.. Uhh.." Napapangiti ako ng mapansin kong namumula siya na parang nahihiya.
"Yes, Baby?" Tanong ko sa kanya na gusto ko ring bawiin. Baby.. Umiling ako para tanggalin sa isip ko ang mga yun. No more.
"Can you please sign this for my mother? We're a fan of yours and and today's her birthday. Please? Pretty please?" Nginitian ko siya at tiningnan ang photocard ko na hawak niya. Oo nga, sikat ako.
"Okay.." Nginitian ko siya at pinirmahan ko yung photocard at ibinalik yun sa kanya. "Happy birthday to your Mom." Kiniss ko siya sa cheeks at natawa na lang ako ng bigla siyang tumakbo at magtatalon.
"Let's go." Utos ko sa driver ko.
Tumingin ako ng mga updates for today. At hindi na ako magtataka na makita ang picture ko. Yung picture ko na nagbibigay ng autograph sa cute na bata kanina. Napa-iling na lang ako at pinatay ang phone ko. Paparazzi. Stalker lang ang peg sa Pilipinas.
"Thank you. I'll just call you later." Sabi ko sa driver ko at lumabas na ng sasakyan. Dali-dali na akong pumasok ng building at sumakay ng elevator.
15th floor. Pumasok ako sa third unit. This is where I'm staying. Wala ako sa Pilipinas. London. Andito ako sa London. For 3 years dito ako nag-stay at nagmukmok. What a term.
Nagpalit ako ng damit. Sando at shorts lang. Hindi naman kasi malamig dito. It's summer here. Tiningnan ko ang tanawin sa glass window. It's been 3 years.. Ano na kayang nangyari? Sa loob ng 3 taon, hindi ako umuwi. Hindi ko ata kakayanin ang mangyayari kung nandoon ako. The weddings. Isipin ko pa lang yun, nadudurog na ang puso. Masakit. Masakit makita ang taong mahal mo na ikinakasal sa iba.
I denied him. Oo, duwag ako. I'm a coward at sobrang pinag-sisihan ko yun. Hanggang ngayon. But what can I do? Tapos na ang lahat. Nangyari na ang mga yun. Umalis ako sa araw na pinag-laban niya ako, sa araw na ipinahiya ko siya. Alam ni Mommy kung nasan ako at hindi niya ako pinigilan. She said that I need time.. Time to move on and clear out things.
Siguro sa loob ng tatlong taon, dapat hindi ko na iniisip ang mga to. Dapat hindi na. Pero hindi eh. I was guilty. I am guilty. Lahat ng nangyari pinag-sisisihan ko. Sabi ko kay Mommy na pag-alis ko ay ayoko munang makarinig ng kahit na ano mula sa kanila. Until now, hindi ko pa nakakausap si Mommy. Wala rin silang alam sa mga nangyayari sakin ngayon. I'm alone at mas mabuti yun.

BINABASA MO ANG
Hatred (EXO FF) (FINISHED)
FanfictionI hate her. I hate her so much; to the point that I'll do everything for her.. For her to be happy. Even if I sacrifice my own happiness just for her.. I hate it. I hate this. I HATE THAT I LOVE HER.