[41] Confrontation

29 2 0
                                    

[41] Confrontation

--------------------------------------------

Keith's POV

"Bat ka nandito? Gabing-gabi na dumadalaw ka pa rin. Tch. Wala na nga ko sa condo ko, nahahanap mo pa rin ako." Sabi ko kay Chann. Putragis kasi, puntahan ba naman ako dito sa ospital?

Oy, don't make me wrong. Nandito lang ako para kay Dad, may kailangan lang akong ipa-sign sa kanya para makapasok na ko after Christmas break.

"Kailangan nating mag-usap." Tiningnan niya ko ng seryoso. Aba, aba. Ngayon ko lang to nakitang mag-seryoso ah?

"Busy ako." Sagot ko na lang. Wala kasi ako sa mood. Tangina kasi! Nami-miss ko na agad si Courtney.

"Alam mo ba kung saan nakatira si Courtney?" Tiningnan ko siya agad dahil sa sinabi niya.

"Bat mo ko tinatanong nyan?" Umiwas ako ng tingin. Hindi niya pwdeng malaman kung nasan si Courtney, kung san siya nakatira.

"Nakita ko siya kanina.. Naka-usap. Sagutin mo ko, ano bang nangyari sa kanya? May alam ka ba?" Tanong niya.

Tumayo ako at hinarap siya. "Are you suspecting me? Okay, fine. Alam ko kung saan siya nakatira. Pero hindi ko alam kung ano pang pinag-sasasabi mo dyan. Pwde ba." Nilampasan ko siya at dumiretso na lang sa office ni Dad. Kabadtrip naman kasi.

Pagkatapos ko kay Dad ay dumiretso na agad ako sa condo. Baka mamaya hinahanap na ko ni Courtney tska gabi na naman. Oo, sakin pa rin siya tumutuloy. Her Mom insist and okay naman daw sa kanya.

Oh well, nasabi ko na ba na nililigawan ko na siya? Yes, totoo. I don't know pero parang hindi na to simpleng crush lang. More of.. Gusto? Di ko pa ma-explain. Masaya ako kapag kasama ko siya and gusto ko rin siyang mapasaya.

Nasabi ko na sa sarili ko na tutulungan ko siyang magbago. Na tutulungan ko siyang bumangon kahit anong mangyari. I know naman na hindi rin maiiwasan na mangyari yung tulad ng dati, pero I'll try my best para hindi na mabalik yun.

Isa pa pala, hindi ko pa natatanong si Courtney about dun sa magiging new family niya. May fiancé ata si Tita at nasabi niya na napakilala niya na daw si Courtney sa kanila. But, I didn't ask more kasi naunahan na ko ni Tita and sinabi niya na masyado ng komplikado ang lahat ngayon.

Pagdating ko sa condo ay walang tao. Umalis ata si Courtney. Pero san naman siya pupunta eh gabi na? I should call Tita Claire.

["Yes, Keith?"] Sagot ni Tita.

Nag-aalangan pa rin ako na magtanong kasi baka mamaya, may binili lang si Courtney sa labas.

"Tita.. Si Courtney po ba--"

["Stephanie. Be used to it, Keith. Ayoko ng ibalik yung dati."] I sighed.

"Okay, sorry po." Nagiging sunud-sunuran ba ako dito?

["So, what's up? Is everything alright? Wag mong sabihin na may napapansin kang kakaiba sa anak ko like.. Oh my god.."]

"No! Hindi po Tita.. She's fine. No signs. May itatanong lang po ako." Honestly, wala naman talaga akong napapansin.

["Yes? Is it about her?"]

"Opo. Gabi na po and wala siya dito. I was thinking kung nandyan po ba siya, kasama niyo." Sabi ko. Naghihintay ako ng sagot ni Tita pero wala akong marinig.

"Hello? Tita, okay lang po kayo? Hello?" Tiningnan ko yung phone ko kung na-end na ba yung call pero hindi naman.

["Keith.."] Ramdam ko na parang kinakabahan yung boses ni Tita.

Hatred (EXO FF) (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon