[35] Beautiful Strangers

36 2 0
                                        

[35] Beautiful Strangers

--------------------------------------------

Keith's POV

"Naging kwarto mo na rin to dati. Be comfortable, Steph." Nginitian ko siya habag tinutulungan siya na mag-ayos ng kwarto niya.

Kakalabas niya lang ng ospital at dito muna siya tutuloy sa condo ko. Si Tita Claire na rin ang nagsabi dahil ikukuha niya rin naman daw ng sariling condo si Steph. Uunahin niya lang daw muna yung business nila.

"Uhm.." Tiningnan ko siya dahil parang may gusto siyang sabihin.

"Yes? Gutom kana ba? Anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala.. Wala naman.. Uhm.. Salamat, Keith. Salamat sa pagpapatuloy mo sakin dito." Nginitian ko siya at hindi ko na napigilan yung sarili ko na yakapin siya.

"You're always welcome." Sagot ko sa kanya at naramdaman ko rin na niyakap niya rin ako.

Napalayo agad ako sa kanya ng may maring ako na nag-doorbell. Pucha, andun na eh. Epal naman ng taong yun kung sino man siya.

"Panira ng moment. Tss." Umiling-iling na lang ako at napansin kong napangiti naman siya.

"Sira. Sige na, puntahan mo na dun. Kaya ko na sarili ko." She smiled at me, sincerely. Kaya bumaba na ako at naghanda para patayin yung epal.

Binuksan ko yung pinto at tumambad sa harapan ko ang isang bakla. Si Chann, siya yung epal. Tss, kutusan ko to eh.

"Hi, Bro!" Nginitian pa ko.

"Brohin mo mukha mo! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pero hindi siya sumagot at pumasok na lang bigla. Tuloy-tuloy pa sa sala kaya sinundan ko.

"May problema ako." Sabi niya at umupo kami sa couch. Kinalaman ko sa problema niya?

"Arf! Arf!" Pucha, may mga aso pala dito sa bahay. Oo, bukod sa alaga ni Steph meron din ako. Sila Aki at Sky.

"Wow! Tatlo aso mo? San galing yung isa? Nanganak ka?" Tiningnan ko lang siya ng masama. Gago to, sabihan ba naman ako na nanganak.

"Gago! Kay--" Nanahimik ako bigla. Hindi ko pa pala pwdeng ilabas si Steph.

"Ewan ko sayo. Anyways, ganto kasi yun.. Si Bryle.." Napatingin agad ako sa kanya. Anong meron dun sa Bryle?

"Oh?" Kinarga ko si Cola habang katabi ko naman sila Aki at Sky.

"Hinahanap niya si Courtney. Bro, sabi niya dito daw tumuloy si Courtney. Nandito ba siya?" Seryosong tanong niya. Pucha, anong sasabihin ko?

"Wala na siya dito. Kinuha na siya nung totoo niyang nanay." Tumayo na ako.

"Umalis kana nga. Tsk, sabihin mo kay Bryle ay hindi na magpapakita si Courtney sa kanya. Galit si Courtney." Pinag-tulakan ko na siya bago pa makapag-salita.

Aish. Nakakainis naman oh!

****

Stephanie's POV (Courtney)

"Wala na siya dito. Kinuha na siya nung totoo niyang nanay." Pababa sana ako papuntang kusina nang marinig ko si Keith. May kausap pala siya?

"Umalis kana nga. Tsk, sabihin mo kay Bryle ay hindi na magpapakita si Courtney sa kanya. Galit si Courtney." Rinig kong sabi niya at nakita ko mula dito sa hagdan na para siyang may pino-problema.

Bryle.. Courtney.. Sino kaya sila?

Umiling na lang ako at dumiretso ng kusina. Teka, san ba yung kusina dito? Tsk, napakamot na lang ako ng ulo ko. Sabi ni Keith tumira na rin ako dito pero hindi ko maalala kung kelan yun.

Hatred (EXO FF) (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon