[15] Her Reason
--------------------------------------------
Courtney's POV
"Yvette bought that puppy. Not me. And never will I."
-___________-
Edi wag. Edi hindi. Nagtanong lang naman tas ganyan agad yung sagot? Sinasabi ko na nga ba na imposible talaga at hindi talaga siya ang bumili kay Cola.
Tinanong ko kasi siya. At oo. -.- Nagkaroon ako ng lakas ng loob kasi ang akala ko talaga ay siya ang bumili kay Cola. Pero tulad nga ng sinabi niya, hindi daw. At never. -.-
"Nagsayang pa ko ng laway sayo." Sagot ko at iniwan ko siyang nakaupo dun. Lunch namin eh, tska sabay DAW kami. -.-
Hindi pa ko pinapansin nila Jasmine. Galit pa rin ata sila sakin. Pero okay lang, naintindihan ko naman sila kasi ako naman talaga ang may kasalanan dito. Ako na lang muna ang mag-hihintay.
Si Dylan, ganun pa rin. Araw-araw kinakausap niya ko at sinasabihan na mag-ingat daw ako parati. At oo, tinutuloy niya yung panliligaw niya. Minsan binigyan niya ko chocolates, minsan naman flowers.
Yiiie~ Kilig ang lola niyo. :')
Pero yung samin ni Buwan..
Ganun lang din. Galit pa rin siya. Pero ako, ayoko na makipagtalo kaya ako na ang unang kumakausap sa kanya ng matino. Pero pag kinausap niya na ko.. Nakakaasar na. Sinasamahan niya kasi ng panglalait at kung ano-ano.
Tulad kanina, nagtanong lang ako kung siya ang bumili kay Cola tas ganun na kahaba yung sinabi niya. Pwde namang OO o HINDI lang. Oh kung gusto niya, YES or NO. -.-
"Kelan ba ko makakabalik sa dati!? Nak ng tapa naman oh!" Pinagsisipa ko yung damo dito sa garden.
Dito ako sa school garden napadpad. Walang tao kaya ayos lang na mag-senti ako dito. Ayos lang maglabas ako ng kung ano-ano. Hindi yung dumi ha! Isip niyo.
Tumigil ako sa pagsisipa at naupo naman. Malinis naman dito kaya kahit humiga ka, okay lang. Tska nakakapagod pala. Kaya hihiga na lang ako at matutulog. xD
Pinikit ko yung mata ko.. Naalala ko na naman sila Jasmine, Bei, at Gayle. Silang tatlo na mga takas-mental kong kaibigan. Silang tatlo na hindi ko na kasama ngayon.
"Hindi ko naman talaga ginusto eh.." Tinakpan ko yung mukha ko kasi naiiyak na ko.
Pero kahit pigilin ko, wala. Naiyak na ko ng nakapikit. Naalala ko talaga yung happy moments namin tas bigla-bigla na lang mawawala dahil dyan sa isang sikretong yan. TT-TT
Ayan na naman. Naaalala ko na naman lahat. Lahat-lahat ng dahilan kung bakit ganto ako ngayon. Kung bakit malayo ako sa pamilya ko.. Kung bakit wala akong mga kaibigan ngayon..
Kung bakit galit ako ngayon..
"Bakit kasi sakin pa to nangyari. Peste naman. Pwde namang ibang tao na lang, diba? Wala naman akong kasalanan." Nakapikit pa rin ako habang pinupunasan yung mukha ko.
Nasan na yung COURTNEY JADE ROXAS na matapang, masayahin, at hindi iyakin? Wala na. Unti-unti na ring nawawala.
Dahil pakiramdam ko.. Na sa sarili ko.. Nagbabago na rin ako. Hindi ako iyakin, hindi ako magagalitin, hindi ako mahina.. Pero ngayon?
Mahina.. Iyakin.. Magagalitin na ako. Wala eh. Lahat daw ng bagay nagbabago, kahit ako rin pala noh? Kahit sarili ko nagbabago din pala?
Bakit kaya? Dahil sa GALIT? Siguro. Noon pa lang naman ay may galit na ko. Pero hindi ko akalain na mas lalaki pa pala. Akala ko ay mawawala din pero hindi. Mas nadagdagan pa.

BINABASA MO ANG
Hatred (EXO FF) (FINISHED)
FanfictionI hate her. I hate her so much; to the point that I'll do everything for her.. For her to be happy. Even if I sacrifice my own happiness just for her.. I hate it. I hate this. I HATE THAT I LOVE HER.