[25] Symptoms
--------------------------------------------
Courtney's POV
Free day namin ngayon sa school. Siguro iniisip niyo kung walang pasok noh? Pwes, meron. -.- Wala lang talaga kaming gagawin at ginagawa kasi nga FREE DAY namin.
Ang galing eh noh? Free day tapos may pasok kami. Pinapagod lang ata kami ng school na to eh. xD Choss lang. Mahar ko tong school ko noh!
"Sarap ng dala niyong pagkain ni Bryle, Courtney!" Puri ng isa kong kaklase.
Yap. Kanya-kanya kaming dala ng pagkain. Pero yung samin ni Buwan, pinagsama na lang namin. Ayos lang naman sa kanya kasi tamad din siyang mag-isip ng kung anong dadalhin niya.
"Salamat." Nginitian ko lang siya, tumango naman siya at umalis na.
Tiningnan ko yung iba na nagpaparty-party. Nandun sila Jasmine at Gayle. Si Bei kasi, in-charge sa mga activities dito sa school. Oo, may activities kami as a whole. Ewan ko lang talaga kung bakit natawag na FREE DAY to. -.-
"Hi."
Tiningnan ko kung sinong tumabi sakin at nag-offer ng juice.
"Dylan.." Halos pabulong na kong sumagot sa kanya. Ngayon lang ulit kami nagkausap, sa personal.
"How are you? I mean.. With him.." Nakangiti siya sakin pero alam kong malungkot siya.
Sheet. Feeling ko maiiyak na naman ako. Nakakahiya talaga.
"A-ayos lang. O-okay na kami." Sagot ko at tinanggap ko yung juice na offer niya at tska ininom.
Lemon yung flavor at paborito ko pero.. Parang iba para sakin. Iba yung lasa. Parang lasang bakal. At nakakasuka..
"Teka.. Okay ka lang? May problema ba?" Tanong niya.
"Yung juice.. Iba yung lasa." Sagot ko at kinuha naman niya yung baso sakin at tinikman din yung juice.
"Lemon naman ah? Tska.. Diba favorite mo to?" Tumango ako sa kanya.
"Baka iba lang para sakin ngayon. Hahaha." Pinilit kong ngumiti para hindi siya madissapoint. Bigay niya yung juice tapos ganun lang ni-react ko?
Krukru..
Krukrukru..
Krukrukrukru..
Krukrukrukrukru..
=__________=
"A-ah.. Dylan? Pasensya kana ha? Sorry talaga." Ako na naunang magsalita. Ako na, ako na talaga. Choss.
"Okay lang. Pero sa totoo lang.. Hindi." Napatingin agad ako sa kanya.
Hindi siya okay? Hala? Galit ba siya? Anong ibig niyang sabihin?
Sheez. Ang sakit naman sa ulo mag-isip. TT-TT Parang hinihiwa ng kutsilyo yung ulo ko. TT-TT
"Joke lang! Hahaha! Okay lang sakin, Courtney. Maghihintay ako. Lahat naman ng bagay nagbabago, diba?" Tumango ako sa kanya at ngumiti lang siya.
Tama. Lahat ng bagay, nagbabago. May masamang nagiging mabuti. At may mabuting nagiging masama. Lol. Basta, lahat nagbabago. Hahaha--
"Oh-- Ayos ka lang?" Tanong niya.
Tumungo ako at hinawakan ko yung ilong ko. Tiningnan ko yung kamay ko.. May dugo. Tinakpan ko yung ilong ko gamit parehas ng kamay ko. Nakakahiya pag nakita niya kong ganito.
"A-ayos lang! Hahaha! Cr lang ako." Hindi ko na siya hinintay na makasagot at tumakbo na ko papuntang cr.
Hindi pa ko nakakalayo ng makaramdam ako ng hilo. Hindi lang basta hilo.. Parang binibiyak yung ulo ko. Gusto kong sumigaw kasi sobrang masakit pero, wag nalang. Masyadong OA.
Dahan-dahan akong naglakad papuntang cr. Naghilamos na lang ako ng mukha ko at pinunasan yung dugo sa ilong ko kanina. Pakiramdam ko nanghihina ako at palagi na lang akong nahihilo.
Baka dahil sa sobrang init. Tska sa sobrang page-english nila kaya nano-nosebleed ako. -.-
Pero nung isang araw, nasuka ako. Hindi siya basta suka lang. May dugo nga eh. Hindi ako takot sa dugo pero natakot ako ng magsuka ako ng ganun. Pasensya na kung nandidiri kayo, pero totoo.
"Go and consult a doctor." May biglang nagsalita sa likod ko.
"Chloe?" Tanong ko at lumapit siya sakin. Tiningnan niya ko sa salamin na nasa harap namin.
"Are you sick?" Tanong niya.
"Hindi ah. Nosebleed lang." Sagot ko at akmang aalis na ko ng bigla niyang hatakin yung braso ko.
"C-chloe.. M-masakit.." Mahigpit kasi yung pagkahawak niya.
Binitawan naman niya agad at tska siya umiling. "I know you're healthy pero as a classmate, I suggest that you should consult a doctor. You look.. Very tired." Tinapik niya pa yung balikat ko bago siya naunang umalis sakin.
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya. Wala naman akong lagnat o kung anong sakit. Kulang lang ako sa pahinga. Oo, lagi akong napupuyat dahil hindi ako makatulog sa gabi. -.-
Tska bakit ganun? Kelan pa naging concern sakin si Chloe? Ngayon na lang niya ulit ako kinausap ng matino ah? Maarte kasi siya at mataray kapag kausap pero iba siya ngayon.
Lumabas na ko para bumalik ng classroom pero ilang hakbang pa lang ay nakaramdam ulit ako ng hilo. Kaya tumakbo ulit ako pabalik ng cr at pumasok ako sa isang cubicle. Hindi ko na napigilan at sumuka na naman ako.
May dugo na naman.
"Shit." Agad kong finlush yung toilet ng marinig ko si Jasmine na tinatawag ako.
Lumabas na ko ng cubicle at nakita ko siyang naghihintay sa labas. Nilapitan ko siya at tiningnan niya lang ako na parang nagtataka.
"Ano yan-- Dugo?" Tinuro niya yung nasa may t-shirt ko. Sheez, natalsikan pa kanina.
"Ketchup." Sagot ko at tska ko binasa ng konting tubig para mawala na.
"Okay ka lang, CJ? Pinapunta kasi ako dito ni Chloe. Nagsusuka ka daw." Nilapitan niya ko at binigyan ng tissue.
"Naniwala ka naman? Healthy ako, Jas. Heeeeeltiiiii~" Umiling lang siya at tska kami sabay na lumabas ng cr.
Natapos ang buong araw ng wala akong ginagawa. Pinapanuod ko lang sila habang ginagawa yung ibang activities. Sinabi ko kasi na masama ang pakiramdam ko, na masakit yung ulo at nahihilo ako.
Si Dylan, mukha siyang nag-aalala pero sinabi ko na pagod lang ako at mamaya ay mawawala rin to. Ganun din ang sinabi ko kila Jasmine, Gayle at kay Bei na kakarating lang.
Si Buwan? Ayun. Naka-nganga lang din. Wala din siyang ginagawa pero hindi kami magkasama. Malayo siya sakin at ayoko rin munang lumapit sa kanya.
Ang gulo niya kasing kausap.
Yung mga pinag-sasasabi niya nung isang araw.. Weird. Bumibigay na talaga siya sa pagiging bading niya. Akalain niyo yun? Nagseselos siya samin ni Singkit? Putspa. Edi lamunin niya yun! Kay Dylan lang ako, dre.
"Tama na.." Bulong ko sa sarili ko at dahan-dahan kong hinawakan yung noo ko at pumikit.
Sumasakit na naman ulo ko. Gusto ko ng magmura pero bad yun. Kaya wag na lang.
Magpacheck na kaya ako? Matagal na kasi to.. Pero ngayon ko lang mas malinaw na nararamdaman. Nung una kasi, lumalabo lang paningin ko tapos biglang naging okay na.
Kaya ayun, di ko na lang pinansin.
Pero ngayon.
"Tengeners. Mapapamura ka sa sakit." Bulong ko habang nakahawak pa rin sa ulo ko at nakapikit.
BINABASA MO ANG
Hatred (EXO FF) (FINISHED)
FanfictionI hate her. I hate her so much; to the point that I'll do everything for her.. For her to be happy. Even if I sacrifice my own happiness just for her.. I hate it. I hate this. I HATE THAT I LOVE HER.