Kabanata 3 *

20.2K 452 84
                                    

Tanggi

Tatlong gabi ring hindi nakatulog nang maayos si Saniela dahil sa mga salitang sinabi ni Keegan sa kanya noong Biyernes ng gabi.

Napasabunot siya ng buhok ng maalala muli ang mga sinabi nito. She didn't utter a word and just stared at him unbelievably. Hindi niya alam kung totoo ba ang mga salitang lumabas sa bibig nito o pawang mga kasinungalingan lamang para paglaruan o paasahin siya.

But those stares, those arms wrapped around her, those touches, and the way he calls her Victoria...

She hates to be called on that name. Pero kapag si Keegan ang bumibigkas ay para siyang dinuduyan ng pandinig.

Napasabunot ulit siya sa buhok at napahiyaw sa lito. Keegan just messed up her peaceful mind!

"Sabihin mo lang kung kailangan ko ng tumawag ng psychiatrist, Saniela. Mukhang nababaliw ka na."

Napalingon siya sa kanyang lolo na nagbabasa ng dyaryo at humigop ng kapeng walang cream na gustong-gusto nito.

Tumuwid siya ng upo at inayos ang buhok na magulo dahil sa pagkaka-sabunot niya. Nakalimutan niyang nasa hapag-kainan pala sila ng kanyang lolo at kumakain ng agahan.

Paano ba kasi ay bigla-bigla nalang niyang naririnig ang boses ni Keegan. Walang hiya ang lalaking 'yon, kinulam na yata siya.

"Ano ba ang nangyari? May problema ka ba?" tanong ng kanyang lolo na hindi pa rin inaalis ang mga mata sa binabasa.

"Wala, 'lo. May naalala lang." Sabi nalang niya at nagsimula ng magsandok ng sinangag.

Tumango-tango ang matanda. "Sino naman?"

Tumusok siya ng isang pirasong hotdog at ham at inilagay sa plato niya.

"Si Kee—" mabilis nabitin sa ere ang sasabihin niya ng mapagtanto ang sinabi ng matanda.

Tumikhim siya.

"Si lolo talaga, sino talaga? Hindi ba pwedeng ano?" Ani niya at pekeng tumawa. Muntik na siya doon, ah. Loko rin kasi itong lolo niya, sarap bigwasan minsan.

"Naalala ko lang naman 'yong assignment ko na hindi ko pa nagagawa. Nawala kasi sa isip ko. Kokopya nalang ako kina Heidi at Lira mamaya." Dahilan niya at nagsimula ng kumain.

"Bakit naman nawala sa isip mo? Masyado atang okupado 'yan. Sino naman?" tanong pa ng lolo niya at inilipat na sa susunod na pahina ang diyaryo.

Inikutan niya ng mata ang kanyang matanda na abala sa pagbabasa.

"Lolo," madiing bigkas niya, "hindi nga sino, okay? Madami lang kaming quizzes kaya masyadong okupado ang isip ko. Malapit na rin ang midterm exam kaya nagrereview na 'ko. May ginagawa pa kaming research paper na kailangan ng i-present sa Friday. Busy lang ako lolo. Ganyan naman lahat ng estudyante, nababaliw sa pag-aaral." Mahabang paliwanag niya na karamihan sa mga sinabi ay purong kasinungalingan. Midterm exam? E, isang buwan pa lang nagsisimula ang first semester ng klase nila.

Sumubo siya ng kanin at tiningnan ng may pagtataka ang lolo niyang tinawanan siya.

"Ang dami mong sinabi." Sabi lang nito at binigyan siya ng ngisi.

Aba't! She huffed.

"Ewan ko sa inyo. Maliligo na nga ako at ng maka-alis nang maaga. Kokopya pa pala ako ng assignment." Mabilis itong uminom ng tubig at umakyat na sa taas para mag-ayos.

Naiwan namang ngiting-ngiti ang matanda habang umiiling.

"Anong nangyari do'n?" tanong nito sa sarili.

BINUKSAN ni Saniela ang pinto sa passenger seat ng kotse ni Lira at buntong-hiningang umupo ng matigilan siya nang marinig ang kantang tumutugtog mula sa stereo ng kotse ni Lira. Sinamaan niya ito ng tingin.

Without DoubtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon