Heroic
Days passed and Saniela's mind is still in a blow. Walang oras at araw na hindi niya iniisip ang mga naging usapan nila nitong nakalipas na mga araw. Her thoughts are debating and the hesitation bothers her stagnantly. Sa loob ng anim na araw na nakalipas ay hindi pa rin siya nakakapag-pasya. Tomorrow is her last chance, at hindi niya pwedeng ipagsawalang-bahala ang ibinigay na palugit sa kanya ni Hendrix dahil alam niyang kaya itong totohanin ng lalaki.
Parang sasabog ang utak niya sa nangyayari kaya inis na napasabunot siya sa buhok. Wala siyang pakialam kung pagtinginan pa siya ng mga tao na nakakasalubong niya sa pasilyo ng ospital. Paano ba niya mapipigilan si Hendrix na huwag sabihin kay Keegan ang tungkol kay Kajel?
Nasa malalim siyang pag-iisip ng may isang malakas na pwersa ang bumangga sa kanya. Muntik na niyang mabitawan ang clipboard na hawak kung hindi lang siya naging maliksi. Nang iangat niya ang tingin ay ang mapanuyang ngiti ni Katya ang kanyang nakita.
Saniela's eyes sharpened. Kaya pala biglang naging masangsang ang amoy ng ospital kasi may dumating na sugpo.
"Hi, Saniela." Bati nito sa kanya ng may pekeng ngiti sa mga labi.
"Nasa itaas pa nito ang Ophthalmology department." Hindi niya pinansin ang pagbati nito.
"What are you talking about? Hindi naman doon ang punta ko." Inikutan siya nito ng mga mata.
Siya naman ngayon ang ngumiti ng peke. "Sorry, akala ko kasi may problema ka na sa paningin, ang luwang-luwang kasi ng daan tapos nakuha mo pa akong banggain. Maybe you're just plain stupid not to see me coming."
Sumama ang timpla ng mukha ni Katya. She raised her brows and crossed her arms. "Stop talking about yourself, Saniela. Ikaw itong matutong tumingin sa dinaraanan at huwag tumunganga dahil baka sa susunod, si Kamatayan na ang makabanggaan mo." Ngumisi ito at dumukwang papalapit sa kanya upang bumulong. "Ikamusta mo nalang ako sa kuya ko kung sakali."
Saniela's blood went gushing down through her system franticly. Ang walang-hiya, pati ang kuya nitong si King na nananahimik na ay nakuha pa nitong idamay. Hindi na nahiya at sumobra na sa kakapalan ang mukha.
"I heard na magpa-participate ka sa isang Art Exhibit bukas. Masyado na yatang lumiliit ang lugar para sa ating dalawa, Saniela. I guess I'll see you again tomorrow." Maarteng hinawi ni Katya ang buhok sa tenga bago pilit na ngumiti sa kanya at nilagpasan siya.
Saniela watched her back. Kumekendeng pa ito kung maglakad na tila nasa isang fashion show. Agaw-pansin pa ang suot nitong makinang na damit na akala mo e sa bar ang punta.
Aalis na sana siya sa kinatatayuan ng makita ang dalawang taong sinalubong ni Katya. Rinig pa niya ang pagtawag nitong Mama sa isang doktora na kasama ni Dra. Margareth, si Dra. Kristina. Bumeso ito sa dalawang doktora at masayang kinamusta.
Nanay ni Katya si Dra. Kristina? Oh that explains why Dra. Kristina's eyes were familiar to her the first time she saw them. Anak pala nito si Katya. Hindi niya tuloy mapigilan ang magtaka dahil ang bait ni King at ni Dra. Kristina tapos kabaligtaran naman ng ugali ng mga ito si Katya.
Inakay ni Katya ang dalawang doktora ng may ngiti sa mga labi. Mukha itong anghel at babaeng hindi makabasag-pinggan sa pinapakita nitong ngiti at kabaitan. Napa-ismid siya. Peke talaga ang babaeng iyon kahit kailan.
Akma ng tatalikod si Saniela ng lumingon pa sa kanya si Katya at ngumisi. Hindi niya alam kung para saan iyon pero isa lang ang sigurado niya. May sayad na sa utak ang babaeng iyon.
"WOW, look at you. You're so beautiful."
Puri sa kanya ng Daddy niya ng makarating siya sa sala. Kapwa naka-upo ito at ang anak niya sa carpet habang naglalaro ng Snake and Ladder. Tumigil ang mga ito sa paglalaro at may paghanga ang mga matang tumingin ang mga ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Without Doubt
General Fiction(For Love # 1) Saniela Victoria Clemente aspires to become a cardiologist like her deceased mother who she truly admires. Being left in the care of her busy father and sick grandfather made her somewhat a rebel who lives her life to the fullest. Upo...