Lunch
Pinagtaasan ng kilay ni Saniela ang nakatayo sa kanyang harap na si Keegan. Pinataray niya ang mukha at pinagkrus ang mga braso sa kanyang dibdib.
She wants to look intimidated but gotten seems in contrast as she looks upon Keegan who's standing tall and firm in front of her with his solid arms on his waist. Hindi niya alam kung tinatapatan ba nito ang pakikitungo niya o talagang likas na rito ang pagiging pangahas at intimidahin.
Keegan looks not easily to pierce and so she thought of hitting his softness. Mabilis niyang inangat ang sulok ng mga labi sa isang ngiti at pinalambing ang mga mata. Saniela smirked in thought when she saw Keegan sighed and shook his head with an amusement smile tugged on his lips.
"Come here," he said.
Pinigilan ni Saniela ang mapangiti. Can she melt? Like how possibly Keegan said those words in an innocent and simple manner yet sound so demanding and possessive?
Tumayo siya at nilapitan ito. Agarang pumalibot ang mga braso ni Keegan sa kanyang baywang at maigting doon na pumirmi. He is looking down on her with those sharp yet gentle blue orbs with a glint of intense passion.
"So impatient and inquisitive as ever..." mahinang saad ni Keegan sa kanya.
Inikutan niya ito ng mga mata. "So secretive and selfish as ever..." panggagaya niya.
They both smiled in silliness. Nakangiti man ay hindi nagbago ang matiim na pagkakatitig sa kanya ni Keegan. Kung hindi lang tumikhim si Silver ay baka kanina pa siya nalunod sa mga titig at pakiramdam na tila silang dalawa lamang ang narito sa silid.
Naka-akbay si Silver sa Mama nito ng balingan ito ni Saniela ng tingin. Nakangiti sa kanila ang Mama ni Keegan na kakikitaan ng saya sa mukha.
"When will you get married, Silver?" tanong ni Sylvia sa anak. "You're already twenty-eight. Naiinip na ang Mama. Look at Keegan, he's happy and contented with the woman he loves. Hindi ka ba naiinggit?"
Tumawa si Silver na animo'y nakarinig ng joke. "Ma, bakit naman ako maiinggit? I have tons of girls. Bigay ko profile nila sa'yo tapos pili ka nalang ng mamanugangin mo." Halakhak nito.
Mabilis din iyong napalitan ng igik ng kurutin ni Sylvia sa baywang ang anak. "Mag-ayos ka nga, Silvester!"
"Little boy plays while big man settles. Ganyan talaga iyang si Silver, may gatas pa sa labi." Nginisihan ni Keegan ang kaibigan na mabilis nagpukol ng masamang tingin. Lalong sumama ang tingin nito ng magtawanan ang mga kasamahan sa loob ng silid.
"Don't settle for less just because it's available, bro." Paalala ni Keegan.
"Keegan's right." Mabilis na sang-ayon ni Sylvia. "Don't settle for basic, son. Extraordinary is where it is at."
Nagigipit na napakamot ng ulo si Silver. "Bakit ba ako lang ang ginigipit niyo? Ayan si Hendrix." He pointed Hendrix. "Siya kulitin niyo."
Gulat na itinuro ni Hendrix ang sarili. "Gago, bakit ako?"
Keegan grinned. Niyakap niya mula sa likuran si Saniela at pinahinga ang pisngi sa gilid ng ulo nito. "Baka naman..." he trailed. "Baka naman kasi ka-pederasyon niyo si Barbie? Bros! Just tell me, hindi ako magagalit. Hindi ko kayo huhusgahan. I will accept you with all my heart—"
"Ulol!" binato ni Silver ang isang pirasong strawberry na nadampot sa mangkok sa ibabaw ng mesa. Natawa nalang si Keegan na sinuway ni Saniela.
"Come on, let's not pressure them. Love isn't practical. It doesn't appear on command. It doesn't let you fall for whomever you want." Ani Margareth. "Hindi naman kasi minamadali ang pag-aasawa. There are number of factors you should consider before tying the knot of lifetime with the person you are bound to spend a life of forever with such as consistency, maturity, faithfulness, assurance, and more. It'll put you face to face with numerous trials. Right now, just enjoy life. Kung dadating, dadating..."
BINABASA MO ANG
Without Doubt
General Fiction(For Love # 1) Saniela Victoria Clemente aspires to become a cardiologist like her deceased mother who she truly admires. Being left in the care of her busy father and sick grandfather made her somewhat a rebel who lives her life to the fullest. Upo...