Tell him
Ilang beses siyang kumurap-kurap habang natuod sa kinatatayuan. Saniela's eyes gradually grew wider as well as her mouth leisurely parted open. Humawak siya sa hamba ng pintuan nang hindi makapaniwala sa nakikita. Dahan-dahang pumapasok sa isip niya ang realisasyon kasabay ng pagbaling ng tingin sa kanya ng pitong pares na mga mata. One pair comes from her son who is beaming from ear to ear and the rest are from her friends.
"Saniela! At last you're here!"
Tumayo si Heidi mula sa kinauupuan at nilapitan siya. Isang nangungusap na tingin ang ipinukol nito na tila humihingi ng pasensya. Bumeso at yumakap ito sa kanya, pagkatapos ay ito na mismo ang nagsara ng pinto ng kanyang unit. Umakbay si Heidi sa kanya at saka siya iginaya palapit sa mga kaibigan nilang kanya-kanya ang pwesto at upo sa sala.
Para siyang isang robot habang inaakay ni Heidi bagaman nanatili ang ekspresyon na gulat sa mukha. Bloody hell...what the fuck are they doing here?
Bumuka ang bibig niya upang magsalita ngunit walang lumabas dito kundi isang masidhing buntong-hininga. Bumaba ang tingin ni Saniela sa anak niya na umalis mula sa pagkakakalong ni Lira.
"Mama!" he called. Yumakap ito sa kanya at masayang humagikgik.
Napalunok siya at unti-unting inangat ang ulo upang tignan isa-isa ang mga ekspresyon ng kanyang mga kaibigan.
Nasa pang-isahang sopa si Lira na nakangiti sa kanya. Sa mahabang sopa naman naka-upo si Pols na malawak din ang pagkakangiti sa kanya, sa tabi nito si Bryle na nakangiti ngunit nagtatanong ang mga mata, gayundin si Lio. Naka-upo sa carpet si Chase na titig na titig kay Kajel. Si Gabriel naman ay nakatungkod ang mga kamay sa upuang sinasandalan nina Bryle at binigyan siya ng isang malungkot na ngiti. And then there's Hendrix...nakasandal ito sa isang malapit na pader habang nakapamulsa. Saniela's heart automatically beats swiftly because of nervousness. Hendrix's face is blank yet stoic, his lips are patient, but his eyes reflect displeasure and antagonism.
Humawak sa balikat niya si Heidi. Tinignan niya ito. Alanganin itong ngumiti bago tumikhim at tinawag si Mina na lumabas galing kusina.
"Pakidala muna po sa kwarto si Kajel." Pakisuyo ni Heidi.
Atubili man ay tahimik na sumama si Kajel sa Nana Mina nito. Nang maka-alis ang mga ito ay malakas na tumikhim si Heidi at alanganin na tumawa.
"So...."
Saniela sighed and composed herself. "Ano'ng...ginagawa niyo rito?"
Umayos ang mga ito ng upo. Nagkatinginan sina Heidi at Lira, pinanlakihan ni Lira ng mga mata si Heidi na tila natauhan at nangingiting ipinalakpak ang mga kamay.
"Guess what, Saniela? Engage na sina Pols at Bryle!" tili ni Heidi. Masaya itong pumalakpak pati na si Lira. Nagulat siya sa balita nito ngunit masaya siya para sa kaibigan.
"Pols! Ipakita mo kay Saniela iyong singsing mo dali!" ani Lira.
Malawak ang ngiti ni Pols na itinaas ang kaliwang kamay upang ipakita ang nagniningning nitong singsing. "Tada!" Pols beamed.
Saniela squealed in joy, "for real?!"
"Yep! Bryle proposed to me kagabi lang." Kinikilig na ani ni Pols.
"Ang sarap niyang sabunutan 'di ba?" pabirong umirap si Lira ngunit mababakas ng kasiyahan ang mukha. Heidi encircled her arm on her and they both howl in rejoice.
Natigil lang ang pagsasaya nila nang malakas na tumikhim si Gabriel. Sabay-sabay silang napatigil at napangiwi saka nagkatinginan. Napa-ayos ng buhok si Pols habang humigpit ang hawak sa kanya ni Heidi. Lira involuntarily bit her lip and averted her eyes.
BINABASA MO ANG
Without Doubt
General Fiction(For Love # 1) Saniela Victoria Clemente aspires to become a cardiologist like her deceased mother who she truly admires. Being left in the care of her busy father and sick grandfather made her somewhat a rebel who lives her life to the fullest. Upo...