Kabanata 25

11.5K 257 53
                                    

Ibabalik

Walong oras. Walong oras ng nakatulala si Saniela sa hawak na singsing na wala yatang balak bitawan. Her Mom got transfered on one of the private rooms four hours ago. Hindi niya alam kung anong kalagayan nito ngayon dahil panay 'Mommy's okay now.' ang sagot sa kanya ng ama. But she won't believe him. Alam niyang sinasabi lang iyon ng ama sa kanya upang hindi siya mag-alala.

Pinagmasdan niya ang ina na nakaratay sa kama. Wala ang ama niya dahil naroon ito sa opisina ng doktor ng kanyang ina. She knows they are discussing matters about her Mother's condition. Ayaw naman siyang pasamahin ng ama niya kaya narito siya ngayon.

"Mommy, are you sick?" Mahina niyang tanong sa inang mahimbing na natutulog. She can't bear the sight of her mother lying on a hospital bed being so weak and vulnerable. She's a doctor! How can she be sick?!

Because she's still a human, Saniela. Sagot ng isip niya.

Mapakla siyang tumawa. But why her mother? Why now? It's her fucking birthday! Can't they be happy today?

"G-Gising ka na Mommy...magboblow ka pa ng candle." Naiiyak na naman siya. No, she can't be weak. Baka mamaya magising ang mama niya at makita siya nitong umiiyak ay paniguradong iiyak din ito. She needs to be strong so that when her Mom woke up, she'll be also strong.

Bumukas ang pinto at iniluwal niyon ang lolo't lola niya na parehong nag-aalala. Wala ng magulang ang mama niya simula pa ng college ito at hindi pa sila magkakilala ng Dad niya kaya ng maging mag-asawa ang mga ito ay gayon na lamang ang kasabikan ng Mama niya sa mga magulang ng Dad niya. She found parents on them at sobrang naging malapit sila sa isa't-isa.

"Don't cry, apo. Magiging maayos ang Mommy mo. She's one of the strong women I know, she's been into hardships in life so I know she'll get through this." Niyakap siya ng lola niya at hinaplos ang mahabang buhok. Her voice was comforting her.

Lumabas muna siya ng kwarto at pumunta ng cafeteria. Hindi pa siya kumain at uminom simula kanina kaya ganito na lamang ang pagkalam ng sikmura niya pati na pagtuyo ng lalamunan niya.

She bought herself a bottle of water and a sandwich. Umupo siya sa isang mesa na bakante at nagsimula ng kumain. Wala man siya sa kondisyon na kumain ay pinilit pa rin niya ang sarili dahil hindi siya pwedeng maging mahina. Her mother won't like it kapag nalaman nitong nagpalipas siya ng gutom.

May umupong dalawang nurses sa lamesang katabi niya. Panay ang kuwentuhan ng mga ito sa kabila ng pagkain. Hindi niya intensiyon na makinig ngunit sadyang malakas lang talaga ang boses ng mga ito kaya umabot sa pandinig niya.

"Nabalitaan mo ba iyong mga bata na sinugod sa emergency?" Tanong ng isang babaeng nars sa isa pang babaeng kasama nito.

"Iyong mga naaksidente ba? Oo... kawawa nga, eh. Balita ko nayupi raw talaga iyong kotseng sinasakyan nila. Galing pa man din sa prominenteng mga pamilya ang mga batang iyon. Anak pala ni Doktora Margareth iyong isa, eh!"

Bumuntong-hininga ang isang babae. "Pare-parehong kritikal ang mga kondisyon nila. Sumabay pa iyong sakit sa puso noong anak ni Doktora Margareth kaya mas malala ang lagay niyon. Kailangan na raw ma-operahan sa lalong madaling panahon kaya lang naghahanap pa sila ng heart donor."

Napukaw ng interes ni Saniela ang pinag-uusapan ng dalawang nars. Nilingon niya ang mga ito na seryoso sa pag-uusap.

"Grabe, talamak na talaga ang mga car accident sa panahon ngayon. Araw-araw nalang may isinusugod dito dahil sa kasong iyon."

Hindi na niya tinapos pa ang pakikinig sa mga ito. Tumayo na siya at lumabas ng cafeteria.

Naglalakad siya ng hallway ng ospital habang nasa isip pa rin ang mga narinig kanina.

Without DoubtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon