Kabanata 32

10.7K 265 32
                                    

Difference

"Nasabi ko na kina Gabriel na nakabalik ka na."

Bumaling ang tingin ni Saniela sa nagsalitang si Heidi. Naglalakad silang dalawa sa pasilyo ng ospital at sabay na nagra-rounds. Bumalik ang tingin niya sa dinaraanan at tumango.

"Ano'ng reaksyon nila?"

"Ayon, nabigla syempre, pero tuwang-tuwa naman sila. Labas daw tayo mamaya, libre nila." Tuwang-tuwa na itinaas-baba ni Heidi ang mga kilay saka ngumisi sa kanya.

"Mamaya agad? Pagka-out?" tanong niya.

Tumango ito. "Oo. Sige na, minsan lang manlibre ang mga 'yon. Mamaya magbago pa ang mga isip."

"Oo na." Napangiti siya. Malakas na napa-yes naman si Heidi. Hindi niya alam kung excited ba ito sa pagkikita-kita nila o sa libre.

"Kita-kita nalang tayo sa lobby mamaya, ha? Alas-siyete rin ang out namin."

"Okay, sige." Aniya. Kumaway pa sila sa isa't-isa bago nag-iba ng landas.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng coat. Tatawagan niya ang number sa condo unit nila para ipaalam na gagabihin siya ng uwi, baka mamaya eh maghintay pa ang mga ito.

Hinintay niya ang pagsagot ni Mina o ni Kajel sa telepono. Napakunot ang kanyang noo ng puro ring lang ang kanyang naririnig at walang sumagot. Binaba niya ang tawag. Wala ba sa loob ng unit ang dalawa?

Noon niya lang napansin ang isang text message galing kay Mina. Nasa kiddie's pool daw ng condominium ang mga ito. Nakahinga naman siya nang maluwang sa nalaman. Binilinan na lang niya ito na pakabantayan si Kajel at huwag kalimutan iyong mga gamot nito. Some of her son's medicines were injectable habang iyong iba ay kailangan pang tunawin dahil hindi kasi nito kayang lumunok ng mga tablets and capsules.

"Dra. Clemente!"

Napapiksi siya sa malakas na tumawag sa kanya. Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang nakataas na kilay na si Dra. Briones.

"May bagong admit sa Room 512, ikaw ang mag-assess sa pasyente." Taas-kilay pa rin nitong sabi.

Mabilis na tumango siya. "Okay."

Lalong tumaas ang kilay nito sa naging sagot niya ngunit hindi na nagsalita. Tumalikod na ito sa kanya at umalis.

Geez, bakit ba laging nakataas ang kilay no'n sa kanya? Inggit yata sa kagandahan niya.


NAKABANTAY lang sa malapit si Mina habang nakikipaglaro sa ibang mga bata si Kajel. May salbabida naman ito kaya hindi siya masyadong nababahala. Pasulyap-sulyap ito sa bata habang kilig na kilig sa ka-chat na foreigner.

"Ay, pakshet! Ang ganda ko raw." Humahikgik si Mina.

"What is pakshet, Nana Mina?"

Nagulat si Mina ng nasa harapan na pala niya si Kajel. Nakakunot ang noo nito sa kanya at pinilig ang ulo na tila hinihintay ang kanyang sagot. Magkanda-utal naman siyang sumagot. Lagot siya sa Ma'am niya kapag nalaman nitong may hindi siya sinasadyang naituro sa bata na hindi dapat ituro.

"That's bad, baby boy. Si Nana Mina lang ang pwedeng magsabi no'n. Ano nga pala ang kailangan mo? Tubig? Oh heto, huwag kang magpapakapagod, ha? Lagi ka rin—"

"You talk a lot, Nana Mina." Ani nito saka na tumalikod bitbit ang tumbler nito ng tubig.

Naiwang nakanganga si Mina.


MARAHAS na bumuga ng hangin si Keegan habang tinutungo ang kinaroroonan ng anak ng kanyang ate. Noong isang linggo lang umuwi ang mga ito at isang linggo na rin siyang binubulabog ng ate niya na bantayan ang anak nito.

Without DoubtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon