Kabanata 30

11.6K 255 54
                                    

Aftermath

Tahimik lang  na pinagmamasdan ni Saniela ang anak niyang tuwang-tuwa sa mga bagong laruan na binili nina Heidi, Pols, at Lira. Halos hindi na nga magkasya ang mga iyon sa trunk ng kotse niya. Sinaway na nga niya ang mga ito sa dami ng binili ngunit tila walang naririnig ang tatlo. Masyadong nawili ang mga ito sa anak niya. Pinugpog pa ng mga ito ng halik ang pisngi ng anak niya na simangot na simangot bago sila nagkanya-kanya ng alis pauwi.

Ngayon ay nasa sala sila ng kanilang condo habang nilalaro ni Kajel ang de-remote control nitong laruang kotse na bigay ni Pols.

"Fix your toys after using them, Kajel." Paalala niya rito.

Ilang sandali lang ay isang malakas na tunog galing sa kanyang telepono ang tumindig sa kabuuan ng tanggapan. Inabot niya ito mula sa kahoy na lamesa at sinagot ang tawag.

"Saniela?" Boses ng kanyang ama ang kanyang narinig mula sa kabilang linya.

"Yes, Dad? Kamusta?" Aniya saka inihilig ang likod sa sandalan ng upuan. Saglit niyang sinulyapan ang anak na patuloy pa rin sa paglalaro ng laruang kotse.

"I'm fine, sweetheart. I'm not overworking myself if that's what you want to know." Mahinang tumawa ang ama niya. Maliit siyang napangiti.

"You should be." Ngumisi siya. "How about the importation, Dad? Are they on process?"

"Yes, yes. Hintayin mo nalang ang delivery diyan sa unit niyo. Anything you need?"

"Iyong Blue Domain, Dad, naisama mo ba?"

"Of course, don't worry. I know how valuable that painting for you is."

Tila pumayapa ang pakiramdam niya ng marinig ang sinabi ng ama. Maiwan na lahat ng paintings niya huwag lang ang Blue Domain. That one was very attached exaltedly into her. Ipininta niya iyon habang nasa iba't-ibang emosyon siya kaya hindi maitatangging malakas ang epekto niyon sa kanya tuwing nakikita niya ang pinta. Ang daming mga ala-ala na bumabalik tuwing pinagmamasdan niya ito.

Blue Domain was supposed to be her piece for the NPCE six years ago. Too bad she didn't make it...

"Thank you, Dad. Take care, okay? Kajel and I miss you."

"I miss you both, sweetheart..."

Maagang gumising kinabukasan si Saniela para mag-jogging. Alas singko pa lang ng bumaba siya ng kanyang unit. May jogging path naman dito sa condominum kaya lang mas pinili niya na sa labas mag-jogging dahil mas mahangin at mas maganda kung makakakita siya ng mga puno, gusali, at mga sasakyan habang mabagal na tumatakbo.

She was jogging along Track 30th. The patch of green she sees made her relaxed. May mga nagja-jogging din tulad niya ngunit bilang lang. From what she heard, mas magandang mag-jogging dito kapag gabi.

The sky high buildings look surreal and the busy street of the city just feels amazing. Polluted nga lang but still, the midst of the concrete city is wonderful.

Nagpatuloy siya sa pagja-jogging. Natapos ang isang kanta na tumutugtog sa kanyang earphones at napalitan nang mas ganadong kanta. Little Bit of You started playing. Mahina niya iyong sinasabayan habang mabagal na tumatakbo.

After forty-five minutes, she stopped her track on Burgos Circle. The traffic circle really looks great. In the middle of it was a bronze and brass piece of sculpture with three interlocking trees which form a dome. They called it The Trees which represents the circle of life. That was really a brilliant piece, she thought.

At hindi niya alam na uso pa pala ang Pokémon Go ngayon dahil may nakikita siyang mga naglalaro pa nito. She shook her head before heading on a restaurant. Sa Casa Italia Cafe niya napili. Magte-take out nalang siya para sabay-sabay na silang mag-agahan ng anak niya pati ni Mina.

Without DoubtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon