Kabanata 37

11.1K 237 6
                                    

Stares

Trust him? Wala itong binanggit na pangalan ngunit iisang pangalan lang ang namutawi sa kanyang isip. Who else could Dra. Marga be pertaining to? It's only Keegan she can think of. But why did she said to please trust him?

Pagpasok niya ng unit ay dinig niya ang mga tawanan mula sa kusina. Kumunot ang noo niya sa kuryosidad nang hindi lang dalawang boses ang kanyang naririnig. May bisita?

Ipinatong niya sa isang mesa malapit sa pinto ang susi ng kanyang sasakyan bago inihakbang ang mga paa patungo sa kusina. Palakas nang palakas ang naririnig niyang mga tawanan habang papalapit siya ng papalapit.

"Buy me more of this!" dinig niyang palahaw ng kanyang anak.

Nang makapasok siya ng kusina ay bumungad sa kanya si Mina na naghahanda ng hapunan, naka-upo sa island counter si Kajel na may hawak na laruang kotse, at ang tatay niyang si Samuel na naka-upo sa harapan nito.

"Dad!" nabibigla niyang tawag dito.

Lumingon ang lahat sa kanya. Nagsimulang mag-likot si Kajel sa pwesto at pilit na nagpapababa habang patuloy siyang tinatawag. Mabilis naman itong ibinaba ni Samuel. Dumiretso sa kanya ang anak kung kaya't lumuhod siya upang salubungin ang yakap nito. Halos mabuwal pa sila kung hindi lang siya nakabalanse.

"You missed me?" tanong niya rito. Paulit-ulit itong tumango at pinaghahalikan ang mukha niya. Pareho silang humagikgik.

Lumipat ang tingin ni Saniela sa ama niyang nakangiti lang habang nakamasid sa kanila. Naka-business suit pa ito at halatang galing lang sa byahe. Tumayo siya at lumapit sa ama. Naglaro naman ng laruang kotse si Kajel.

"What brought you here, Dad?" tanong niya habang niyayakap ang ama. Gumanti naman ito ng yakap at hinalikan ang ulo niya.

"Business, sweetheart. And of course I missed you both."

Tumingala siya rito at parang batang naglalambing sa ama niya. "Namiss ka rin namin."

Umalis siya mula sa pagkakayakap dito. "May naging problema ba sa mga branch mo rito, Dad?"

"Nothing, gusto ko lang bisitahin ang mga negosyo rito. I need to personally check them sometimes." Anito. "Aasikasuhin ko rin iyong advertisement ng premix wine rito because as you know, it's currently in variety of flavors."

Tumango siya. Magiging abala rin pala ito.

"Tell me when you need help. Baka may maitulong ako since wala naman akong pasok bukas."

"Sure," Ngumiti ito.

Matapos maghanda ng hapunan ni Mina ay sabay-sabay na silang kumain. Tumabi si Kajel sa lolo nito na todo asikaso naman sa bata. The dinner went well and amusing, thanks to her son who didn't stop talking.

"Saan ka tutuloy, Dad? May isang spare room pa naman dito. You can spend your days here if you want." Aniya nang makahanap ng tiyempo mula sa patuloy na pagkukuwento ng anak niya ng kung anu-ano.

"Sa bahay nalang natin sa Makati ako tutuloy. Bibisitahin ko nalang kayo rito nang madalas. But I'll stay here for tonight." Sagot nito na ikinatango niya.

Kinabukasan ay maghapon lang siya sa bahay. Umaga ng umalis ang daddy niya para asikasuhin ang mga ilalabas nitong mga bagong wine pati na ang meeting nito sa isang Advertising Company. She offered him help pero tatawagan nalang daw siya nito kung kailangan.

Kasalukuyan siyang nagbabasa ng isang lifestyle magazine sa sala habang naglalaro naman ng puzzle ang anak niya malapit sa paanan niya. The floor is carpeted so it's fine.

Maya-maya'y tumunog ang cellphone niya. Binaba niya ang hawak na magasin at inabot ag cellphone mula sa kanyang tabi. Nang tignan niya kung sino ang tumatawag ay kaagad niya itong sinagot nang makitang ito ang kanyang ama.

Without DoubtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon