Friends
"No gawking, Abejuro!" matigas na sita ni Keegan at nagpatuloy sa paglalaro. Swabe nitong idinidrible ang bola habang nakabantay sa harap nito si Lio.
"Go, Lio!" hiyaw ni Heidi na tumayo mula sa pagkakaupo.
Matamang pinanood ni Saniela si Keegan na seryoso sa paglalaro. Nilingon niya saglit si Heidi at natawa bago ibinalik ang tingin kay Keegan na mabilis naiwasan ang nakagwardiyang si Lio at nag-shoot ng bola. Rinig niya ang pagsipol ni Gabriel.
"3 points for Arciago!" mapanlokong ani nito.
Lumingon sa kanyang pwesto si Keegan at saka siya kinindatan, munti itong ngumiti at itinuro ang ring na tila tinatanong kung nakita niya ang pagtira nito. She gave him a smile and two thumbs up, telling him he was doing great.
Inilibot ni Saniela ang paningin sa buong gym. Halos mga kababaihan at binabae ang nanonood. May iilan ang todo hiyaw kahit game practice lang naman ito at may ilan ang pasimpleng kumukuha ng mga litrato o video.
Bumalik ang tingin niya sa mga naglalaro. Seryoso ang lahat maliban kay Chase na panay ang pagpapa-cute sa mga babaeng nanonood, kumaway pa ito sa isang grupo ng mga babae na halos maglupasay na sa kilig. Muling dumako ang paningin niya kay Keegan. Pawisan ito habang walang mababakas na emosyon sa mukha. He was seriously instructing his teammates and making a lot of hand gestures.
Ipinasa ng isa nitong kagrupo ang bola kay Keegan. He's dribbling the ball using his right hand while observing for a way to get through. At nang makakuha, mabilis itong lumapit sa ring. Gabriel tried to block him but Keegan was fast enough to transcend and jumped to dunk the ball in the ring. Dinig ang tunog na nilikha ng ring sa pwersa na ibinigay ni Keegan.
"All right, there he goes again!" hiyaw ni Bryle at ngumisi. Sinuntok naman ni Chase si Keegan sa braso.
"15 minutes break!" anunsiyo ni Keegan at naglakad papunta sa kanya.
Kinuha ni Saniela ang tumbler nito sa kanyang tabi at binuksan. Hinintay niyang makalapit ang lalaki sa kanya bago tumayo at inabot rito ang tubig na nangingiting tinanggap ni Keegan.
"You stink." Pang-aasar niya rito.
Pinaningkitan siya ng mga mata ni Keegan at binigyan ng nakakalokong ngisi. "Ah, gano'n?"
Akma siya nitong yayakapin ng lumayo siya.
"Don't you dare, Keegan! Basang-basa ka ng pawis!"
"Punasan mo 'ko." Nakalabi nitong suyo sa kanya. Gusto niyang matawa sa itsura nito. She never imagined Keegan to be like this. Mukha itong naglalambing sa kanya.
"No."
Ngumuso lalo ang labi nito. Kinurot ni Saniela nang mahina ang sarili upang pigilan ang ngiting gustong kumawala. Nakuha pang magpa-cute ng loko.
"Fine!" pagsuko niya ng ilang sandali lang. Keegan's face was too cute to resist. "Where's your face towel?"
He grinned. "Nasa gym bag." Sabi nito at saka uminom sa tumbler na hawak.
Binuksan ni Saniela ang gym bag nito na nasa upuang katabi ng inuupuan niya kanina. Mabilis naman niya itong nahanap dahil nasa pinakataas ito.
Habang pinupunasan niya ang mukha ni Keegan ay hindi nakatakas sa paningin niya ang pagguhit ng isang ngiti sa mga labi nito. He's for real enjoying this. Damn, this is so embarrassing.
"H'wag ka nga riyang ngumiti!" saway ni Saniela rito.
Keegan chuckled. "Can't help it. Kinikilig ako."
BINABASA MO ANG
Without Doubt
General Fiction(For Love # 1) Saniela Victoria Clemente aspires to become a cardiologist like her deceased mother who she truly admires. Being left in the care of her busy father and sick grandfather made her somewhat a rebel who lives her life to the fullest. Upo...