Kabanata 19

12.8K 310 63
                                    

Screamer

Matapos ang ilang oras na byahe pabalik, huminto ang sinasakyan nilang van sa tapat ng bahay nina Saniela. Keegan helped her took her belongings.

Isang halik ang ibinigay ng binata sa kanya bago pumasok sa sasakyan. Panay naman ang kaway sa kanya ni Chase na dumukwang pa talaga mula sa pinakalikod.

"Bakit hindi mo man lang inimbitang pumasok ang mga kaibigan mo, Saniela?" Sabi ng kanyang lolo Viktor na nagbabasa ng dyaryo sa may hardin. May isang basong orange juice ito sa tapat.

"Pagod sila sa byahe, 'lo. Gusto na nilang magpahinga sa kanya-kanyang bahay." Sagot niya rito pagkatapos itong halikan sa pisngi. Isang tango naman ang iginawad niya kay nurse Karolina na nasalubong niya sa may tanggapan.

Ibinagsak ni Saniela ang katawan sa malambot na kama at pagod na ipinikit ang mga mata. Nakasukbit pa sa katawan niya ang sling bag na nakalimutan niyang tanggalin.

Tamad na tumayo siya para ilagay sa isang closet na puro bag ang laman ang sling bag na hawak niya. She kicked off her shoes towards her shoe cabinet.

Pagkatapos ay isinuot niya ang tsinelas pambahay at ipinusod ang may kahabaang buhok.

She entered a room in a pastel blue butterfly wallpaper. Makikita mo kaagad sa loob ang ilang obrang natapos niya na naka-ipon sa isang banda. Some are hung on the wall. A lot of canvasses are there and different set of paintbrushes were inside the tin.

Acrylics, oil pastels, charcoals, watercolors, and different paint sets were neatly arranged on a shelves. Various palettes were at the bottom shelf.

Ilang araw din niyang pinag-isipan kung ano ang ipipinta niya para sa darating na National Contest Painting Exhibit. She smiled when a portrait glittered in her mind.

Hinanda niya ang lahat ng kailangan para umpisahan ang pwede ng umpisahan sa ipipinta niya. The image can't get off in her mind so she needs to start it asap. Hindi naman siya napagod sa byahe dahil tatlong oras din siyang nakatulog.

Asul ang kulay na nangingibabaw.

Ang mga mata niya ay tutok na tutok sa ginagawa habang marahan ang ginagawang pagkilos ng mga kamay niya. Maingat sa bawat pagkampay.

Matapos ang dalawa't kalahating oras ng matapos siya. It's not totally finished though, may finishing touches pa na kailangang gawin. Of course she needs to win. She won't let that Katya win the second time around. Never in her wildest and wettest dream.

"I'm gonna win, bitch."

Ikalawang araw na ng foundation week nila ng pumasok sila kinabukasan. Patingin-tingin sila sa mga booth na itinayo ng bawat departamento habang malakas na tumutugtog ang isang kanta ng Maroon 5.

Nakakunot ang noo ni Saniela kay Heidi na nagniningning ang mga mata sa hawak na malaking cotton candy na hugis teddy bear. Ilang minuto na ang lumipas magmula ng binili niya ito.

"It's too cute! How can I eat this?"

Oh god.

Nilingon naman niya si Lira na walang tigil sa pag-selfie. Gandang-ganda naman ito sa suot na headband na may pasungay na bahaghari. Iyong dalawa pa na binili nito ay nakasupot at kasalukuyan nitong hawak. Iyong isa ay tenga ng pusa habang iyong isa naman ay puso na makulay.

"Ano'ng event mamaya?" Tanong ni Saniela sa dalawa. Huminto sila sa isang booth na nagbebenta ng iba't-ibang klase ng desserts. May mga nakadisplay na cupcakes na iba-iba ang toppings.

"Battle of the band. Nuod tayo. Excited kong panuorin si Hugo. Halimaw na naman niyan iyon sa entablado!" Ani Lira. Tinutukoy nito ay si Hugo Leviste na pinsan ni Keegan. Sikat ang banda ng lalaki maging sa labas ng unibersidad. Madalas din kasing tumugtog ang mga ito sa bar.

Without DoubtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon