Kabanata 29

10.4K 237 53
                                    

Pagkikita

Sa isang condo unit sa Forbestown sila tumuloy, along BGC. Dito rin tumuloy ang anim pa niyang mga kasamahan na mga exchange residents din. Provided itong tinutuluyan nila ng UCSF Medical Center kaya ang pagkain nalang nila ang kanilang po-problemahin sa araw-araw.

"Thank you, Mang Bert at Mang Cardo. Ingat kayo sa pagbalik."

Nagpaalam pang muli ang dalawang drayber ng pamilya nila bago tuluyang tumalikod at umalis. Tinulungan siya ng mga ito na magpasok ng mga bagahe sa kanyang unit. Ang mga ito rin ang nagsundo sa kanila sa airport sakay ang family car nila pati na ang kanyang kotse. Her car that is one of the things she definitely misses, maiiwan ito sa parking lot ng condominium building.

Sinipat ni Saniela ang oras sa relong pambisig. It's quarter to nine in the morning. Alas kwarto ng hapon sila umalis ng San Francisco.

"I think we should rest a bit first before unpacking."

"Sige po, Ma'am. Maggo-grocery na rin po ako mamayang pagkagising. Ano po ang gusto niyong tanghalian?" Tanong ni Mina.

Napangiti siya. "Pwede bang Tinolang Manok?" Namiss niya ang ganoong pagkain!

"Ay oo naman po, Ma'am!"

Hinila na niya ang kanyang dalawang malaking maleta habang nakasunod sa kanyang likuran si Kajel. Tinungo niya ang isang silid. Tumalikod na rin si Mina upang puntahan ang sariling kwarto.

Pagod niyang inihiga ang katawan sa malaki at malambot na kama habang nagtatakbo ang anak niya patungo sa salaming dingding. Tanaw dito ang nagtataasang mga gusali, mga landmarks, ang Manila at Makati skyline, Burgos Circle, at ang malawak na saklaw ng Fort Bonifacio.

"Mama! Look at the view, it's amazing! Can we roam around?" Sandali itong sumulyap sa kanya. Nakalapat ang mga kamay nito sa salaming dingding habang namamanghang pinagmamasdan ang ibaba. Nakasukbit pa rin sa likuran nito ang maliit na backpack at nakasuot ito ng isang itim na sombrero.

"Maybe tomorrow, baby. Let's rest for today." Aniya rito.

Nakasimangot itong lumapit sa kanya at sumampa sa kama.

"Promise?" He lifted his cute little pinky finger. Saniela sweetly smiled, intertwining her pinky to his.

"Promise."

Humiyaw ito at nagpalundag-lundag sa kama. Mabilis siyang naalarma at napa-upong hinawakan ito sa mga balikat. Oh god! Nakalimutan ba nitong may sakit ito sa puso? Baka mamaya eh maging abnormal na naman ang pagtibok ng puso nito.

"Goodness, Kajel! I told you not to wiggle."

Yumakap ang maliliit nitong braso sa kanyang leeg. "Sorry, Mama."

"It's okay. Don't do that again, okay?" Masasalamin ang pag-aalala sa kanyang mga mata. She sofly caressed his cheek.

"Yes, Mama." Tumango ito at hinalikan siya sa magkabilang pisngi. Tuluyan na siyang napangiti.

Nang magising si Saniela ay pasado alas-onse na ng umaga. Nakayakap sa kanya ang braso ng anak at mahimbing pa rin ang tulog. Bahagyang naka-awang ang bibig nito at mahinang humihilik.

Dahan-dahan niyang inalis ang braso nito sa kanya at maingat na umupo ng kama. Maingat niya itong dinampian ng halik sa pisngi bago nagtungo ng banyo upang maghilamos. Nagpalit na rin siya ng mas komportableng damit bago lumabas ng kwarto.

Nagluluto na ng tanghalian si Mina ng madatnan niya ito sa kusina.

"Gising na pala kayo, Ma'am! Malapit na rin po itong matapos. Nakapag-grocery na rin po ako kanina. Saka Ma'am, binilhan ko na rin kayo ng sim card..."

Without DoubtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon