Kabanata 18

11.7K 243 44
                                    

Tattoo

Napa-irap si Saniela ng masigurong hindi siya sinundan ni Keegan. Padabog niyang kinuha ang inorder na buko shake at nakasimangot na sumipsip sa puting straw.

Hindi talaga ako sinundan ng hudyo!

Sumandal siya sa sandalan ng kahoy na upuan at inikot-ikot ang baso ng buko shake habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan sa kanyang harapan. May mga foreigner pa na may mga kahawak-kamay na mga Pilipina.

Sandali'y napako ang paningin niya sa isang pamilya na nagkakatawanan. Buhat ng tatay ang anak na batang babae habang hawak ng isang kamay nito ang kamay ng asawa. The little girl seems telling her parents a story with those small hands making exaggerated gestures. Her Mom and Dad however watch their daughter with a blissful smile and tender look.

They look very happy.

Hindi maiwasan ni Saniela ang mapangiti nang mapait. She can see herself on that little girl when she was at her age. Madalas din silang magbakasyon at pumunta sa mga beach sila ng Mama at Papa niya. They would spend a week of relaxation filled with joyful memories and laughters.

Pero dati 'yon. Simula ng mamatay ang Mama niya ay nagbabad na sa trabaho ang Papa niya. Halos bilang nalang sa isang taon kung makita ni Saniela ang tatay niyang hindi mapirmi sa isang bansa. Panay ang alis nito dahil sa mga meetings at business trips.

"You know why I'm so busy, right? I want the best for you, princess. Nothing but the best." That was what her father told her when she starts to demand for some amount of his time. He was stroking her hair while she cries that time. Pilit na tumango lang siya sa tatay niya hanggang sa nakatulog siya na may mga luha sa mga mata.

Uhaw siya sa kalinga ng ama. Hindi niya maiwasang mainggit sa iba na kahit salat sa buhay ay may kumpleto at masayang pamilya naman. May mga masasandalan ang mga ito sa oras ng problema at mayayakap sa oras ng kasakitan.

Yes she has a father, pero parang wala rin naman.

Umiling si Saniela. Naisip niya na maswerte pa rin siya, dahil kahit papaano ay may tatay pa rin siya kahit na hindi niya ito laging nakikita at nakakasama.

"Ang lalim naman ng iniisip natin." Bigla'y may nagsalita sa tabi niya.

Napakurap si Saniela at lumingon sa lalaking umupo sa tapat niya na may munting ngisi sa mga labi. Inilapag nito ang hawak na inorder ding buko shake sa kahoy na lamesa.

"Hendrix? Ano'ng ginagawa mo rito?"

Ang alam kasi niya ay nagkakayak ang mga ito at balak pang mag-frisbee.

Prenteng sumandal sa inuupan si Hendrix. Ang itim na buhok nito ay mahinang sinasayaw ng hangin.

"Nauhaw kasi ako kaya iniwan ko muna sila roon."

Tumango si Saniela. Ilang sandali pa ay wala sa sarili itong napatitig kay Hendrix na nakatutok ang atensyon sa DSLR. Panaka-naka ang pag-inom nito ng buko shake ng hindi inaalis ang tingin sa camera.

Bigla ay sumagi sa isipan niya ang sinabi nito sa kanya noong nagkayayaan sila kina Pols.

"Sa tingin mo Saniela, sino sa amin ang nawala? Sino ang nasira, sino ang lumayo, at sino ang nagparaya?"

Kumirot na naman ang puso niya sa hindi malamang dahilan. Bakit ba ganoon ang sinabi sa kanya ni Hendrix? Ano'ng ibig nitong sabihin? Nagulo ang utak niya ng dahil do'n. Basta nalang kasi siya nitong iniwan at umakyat na sa taas matapos ng mga linyang sinambit nito.

Tumikhim si Saniela at umayos ng upo. Hinawakan niya nang may higpit ang baso ng buko shake at bumuntong-hininga.

"Hendrix..."

Without DoubtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon