Kabanata 21

11.5K 269 47
                                    

Meeting

It's friday, last day ng foundation week. Masaya ang lahat ngunit busangot na busangot ang pagmumukha ni Keegan. Maya't-maya ang ginagawa niyang paninitig sa cellphone bago titingin sa kung saan.

Yesterday. It's been yesterday since he's been calling Victoria but he got only those fucking repeated rings. Why won't she answer?!

"Captain...may mga magta-try-outs ulit sa lunes." Imporma sa kanya ni Gabriel. Alanganin pa itong nagsalita dahil sa nakikita niyang irita sa pagmumukha ni Keegan. Salubong ang mga kilay nito at malayo ang tingin.

Tumikhim si Gabriel ng hindi sumagot si Keegan. Nilingon niya ang mga kasama at pinunto si Keegan para sila ang kumausap. Mabilis na umiling silang lahat at nagsi-iwas ng tingin.

Kaya mo 'yan. Bukang-bibig ni Lio at tinaas pa ang dalawang hinlalaki sa kamay.

Tinapik ni Gabriel ang katabing si Hendrix at ininguso si Keegan. Tinignan lang siya nito saka na bumalik sa pagbabasa.

Napahilamos sa mukha si Gabriel. Nairita pa siya nang sunud-sunod siyang kalabitin ni Lira. May itinuro ito sa may kalayuan at sabay-sabay silang nagpakawala ng buntong-hininga ng lumabas sa sasakyan si Saniela.

"Hay, salamat!" Hindi mapigilang bulalas ni Gabriel. Sabay-sabay siyang sinuway ng lahat na napalingon pa kay Keegan na ganoon pa rin ang pagmumukha.

Hindi nagparamdam sa kanila si Saniela simula kahapon kaya siguro ganoon na lamang ang inis ni Keegan. Nililibang na nga nila si Keegan ngunit sinasamaan lang sila nito ng tingin.

Nanibago si Saniela sa mga kaibigan nang marating ang mga ito. Nandoon sila sa dati nilang pwesto, kaibahan lang ay narito ngayon si Chase na sinesenyasan siya ngayon ng lagot ka.

Napabuntong-hininga si Saniela. Lumapit siya kay Keegan na malayo ang tingin. Nakakunot ang noo nito.

"Uhm...tara guys, libre ko kayong Japanese cake." Ani ni Heidi saka hinila patayo sina Lira at Lio.

"Kahit ilan?" Tanong ni Chase. Umalis ang lahat hanggang sa sina Saniela at Keegan nalang ang natira.

Umupo si Saniela sa tabi nito at hinawakan sa braso si Keegan. Sa gitna ng katahimikan at tensyon ay nagawa pa niyang isipin kung gaano katigas at kahulma ang braso ng lalaki.

"Kee..." Ngumuso siya. Hindi man lang siya nito nilingon at pinansin.

"B-busy kasi ako kahapon...sinama ako sa vineyard ni Dad. I forgot to tell you kaya lang noong tatawagan sana kita, lowbatt na ang phone ko. Diretso tulog na ako pagka-uwi kaya hindi na talaga kita natawagan. Sorry na..."

Hindi ito kumibo. Lalong napanguso si Saniela.

Niyakap niya mula sa gilid si Keegan at sinapo ang mukha nito upang sapilitang iharap sa kanya.

Kahit nayayamot ang mukha, ang pogi pa rin! Kainis!

"Come on, talk to me..."

Hindi rin nagtagal ay lumambot ang ekspresiyon nito. His eyes look at her lovingly. Inangat ni Keegan ang isang kamay saka marahang hinaplos ang kaliwang pisngi ni Saniela. His other hand encircled around her waist.

"You got me fucking worried, love. Don't do that again please..." Ani ni Keegan sa malambing na tono.

Napangiti si Saniela at tumango. Kailangan lang talaga itong lambingin. Nagpapakipot pa kasi.

Sumubsob sa kanyang leeg si Keegan at marahang pinadampi-dampi ang labi roon. Napahagikgik siya ng makaramdam ng kiliti.

"Keegan! Stop doing that...nasa university tayo." Suway ni Saniela rito.

Without DoubtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon