Left
"Oh my god..."
Nanlaki ang mga mata nina Pols, Lira, at Heidi sa nakikita. Gulat din ang mababakas sa mukha nina Chase at ng iba pa habang pinapanood ang ginagawang paglapit sa kanila ng magkasiklop ang mga kamay na sina Keegan at Saniela.
"What the..." natigil sa paglalaro ng chess sina Lio at Gabriel. Ang nag-ne-nail file na si Lira ay nakangangang nanatili ang mga mata sa kamay ng dalawa. Ang akmang pagsubo rin ng cookie ni Heidi ay natigil. Hendrix wasn't here.
Kinalaunan ay sabay na ngumisi sina Bryle at Chase. Nagtaka sila ng humalakhak ang mga ito pati na sina Lio at Gabriel na nag-fist bump pa.
"Oh, paano ba 'yan, ladies? Talo kayo. Amin na tig-lilimang libo namin. Dali..." inilahad pa ni Gabriel ang palad kay Lira.
Napatanga si Saniela habang natawa nalang si Keegan sa kalokohan ng mga kaibigan. What the hell?
"'Tangina mo Gabriel, maghintay ka! Bakit ka naman kasi bumigay kaagad, Saniela?" inirapan siya ni Lira, "na-bente mil pa 'ko dahil sa'yo..."
Hindi makapaniwalang bumuga ng hangin si Saniela. Nang makalapit ay kinuha niya ang isang throw pillow at pinaghahampas ito kina Lio. Panay naman ang sangga ng mga ito sa sarili.
"Mga walang-hiya kayo! Hindi pa rin kayo nagbabago, mga letse!"
Tama bang pagpustahan sila ng mga ito?!
Patuloy pa rin ang paghampas ni Saniela sa mga ito nang mag-ingay ang mga bagong dating. Tumigil siya sa ginagawa upang harapin ang mga salarin at halos mapasinghap siya nang makita sina Hendrix at Silver na kakapasok lang ng unit nina Lira, Pols, at Heidi kung nasaan sila ngayon.
"Yow, ugly pips! What's up?"
Malawak ang pagkakangising bati ni Silver na nakadipa ang dalawang kamay. Sa tabi nito si Hendrix na bahagyang napa-ismid kay Silver.
"Gago, ugly pips your face!" palahaw ni Gabriel.
Kumunot ang noo ni Saniela kay Silver na naglalakad ngayon palapit sa kanila. Ano'ng ginagawa nito rito? When did he started hanging out with them? Close na sila ngayon kay Silver?
"Whoa, tama ba itong nakikita ko?" pabalik-balik ang tingin ni Silver kay Keegan at sa kanya.
"Panalo tayo, dude!" nagtaas-baba ang mga kilay ni Chase kay Silver.
Muli siyang napanganga. Kasali si Silver sa pustahan?
"Oh, talaga? Nice, tiba-tiba ako nito." Halakhak ni Silver at pinag-kiskis ang mga palad.
Saniela eyed him like an eagle. Pinag-krus niya ang mga braso sa dibdib at napa-iling ng may mapagtanto. This fucking tricky man.
"Did you provoked Keegan to win this bet?" tanong niya.
Nag-taas ng kilay si Silver at inosenteng umiling. Umupo ito sa tabi ni Chase.
"What provoked?" nagsalubong ang mga kilay ni Heidi.
"Well, Silver did some odd things and provoked Keegan at that time of the exhibit. I didn't know what he's up to but now..." nagkibit-balikat siya.
"Hey, I didn't!" mabilis na sangga ni Silver sa sarili, "nakikipag-kuwentuhan lang ako, ano'ng masama ro'n?"
Saniela raised a brow. "Bakit may kasama pang akbay? May pabulong-bulong ka pa? You even called me beautiful in front of Keegan and said you asked me if I'm single 'cause you're very available and ready to mingle, wherein fact it ain't true. Didn't you as well asked me on how to mock a beast?"
BINABASA MO ANG
Without Doubt
General Fiction(For Love # 1) Saniela Victoria Clemente aspires to become a cardiologist like her deceased mother who she truly admires. Being left in the care of her busy father and sick grandfather made her somewhat a rebel who lives her life to the fullest. Upo...