Kabanata 10

16.1K 339 62
                                    

Really a jerk

"Good morning!" Bati ni Keegan pagpasok ng kusina. Sabay na napatingin sa kanya ang kanyang mga magulang. Nagtitimpla ng kape ang kanyang inang si Margareth habang naka-upo ang kanyang amang si Jacobo na nagbabasa ng dyaryo.

Ngitian siya ng mga ito. "Good morning, son." Bati ng kanyang ama.

Inilapag ni Margareth ang isang tasa ng kape sa harap ng asawang si Jacobo saka naglakad palapit kay Keegan.

"Good morning, my baby Keero." Malambing na bati ng kanyang ina at hinalikan si Keegan sa pisngi. Nalukot ang mukha ni Keegan at sinimangutan ang ina.

"Ma! H'wag mo na akong tawaging baby. Ang tanda-tanda ko na kaya. Pwede na nga akong makabuntis, eh!" Lintya ni Keegan pagkatapos ay nginisihan ang ina.

Malutong na tumawa ang amang si Jacobo at kinindatan ang anak. Samantala, napasinghap ang inang si Margareth at hinampas sa braso si Keegan na sinabayan ang tawa ng ama.

"Stop talking about pregnancy Keero! Subukan mo lang makabuntis at pareho kayo ng ama mong lalayas ng bahay!" Panakot ng ina at pinandilatan ng mga mata si Keegan.

Napatigil sa pagtawa si Jacobo at ngumuso sa asawa. "Honey naman, bakit pati ako?"

Bumaling ng tingin si Margareth kay Jacobo na nakakunot ang noo. "Kunsintidor ka kasi! Palibhasa, mana sa'yo! Parehong-pareho kayo niyang anak mo! Sa lahat naman kasi ng mamanahin, iyang kamanyakan mo pa!" Matalim ang tingin na ipinukol nito sa asawa.

"Honey, sa'yo lang naman ako manyak 'di ba? Ang loyal ko kaya sa'yo. Ewan ko lang diyan kay Keegan." Nakangiting sabi ni Jacobo sa asawa pagkatapos ay ngumisi sa anak na si Keegan na sinuklian ang ngising ibinigay.

Itinaas ni Keegan ang dalawang kamay at umupo na sa karaniwan niyang pwesto.

"Loyal din kaya ako. Si Victoria lang naman ang minamanyak ko." Sabi ni Keegan at sumandok ng kanin.

Parehong natigilan ang mga magulang at binigyan ng nagtatanong na tingin ang anak na si Keegan na nakangiti.

"Sinong Victoria?" Halos sabay na tanong ng mga magulang.

Hindi sumagot si Keegan at patuloy lang sa paglalagay ng ulam sa plato. Magsasalita pa sana ang kanyang ina ng may isang maingay na pumasok ng kusina.

"Good morning, everyone!" Malakas na bati nito na may malapad na ngiting naka-ukit sa mga labing kaparehas ng kay Keegan.

Sumimangot ang mukha ni Keegan pagkakita sa taong naglalakad papasok ng kusina.

"Good morning, Mommy kong maganda!" Bati nito sa ina at hinalikan sa pisngi. Sunod nitong pinuntahan ang ama at hinalikan din sa pisngi. "Good morning, Daddy kong pogi!"

Ngumisi ang babaeng may kulay asul ding mga mata kay Keegan. Naka-uniform na ito at maayos na nakatali pataas ang kulay mais na buhok na namana sa ina.

"Good morning, kuya kong pangit!" Bati nito kay Keegan at umupo na sa upuang katabi ng kanilang ina.

"Brat," bulong ni Keegan na narinig pa rin ng kapatid.

"At least maganda!" Anito at binelatan pa ang kuya niya.

"Tama na 'yan, nasa harap kayo ng pagkain." Lintya sa kanila ng ina. "Huwag mo nalang patulan itong kapatid mo Keegan. At ikaw naman Elizabeth, tigilan mo na ang pang-aasar sa kuya mo. You're already 16, act like a lady, baby."

"Yes mommy." Sagot ng kapatid. Ngumisi si Keegan dito na ikinataas ng kilay ng kapatid.

"Nasaan nga pala si Lola, Ma? Hindi ba siya sasabay sa'tin?" Tanong ni Keegan.

Without DoubtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon