Story
Saniela's mouth gaped in amazement as she stares at the splendid scenery in front of her. Malawak siyang napangiti at nanakbo patungo sa dalampasigan.
"Wow," mahinang usal niya. Beautiful was an understatement to describe this beauty she is seeing. This is beyond splendor. Hinubad niya ang suot na leather jacket upang maramdaman ang lamig at ginahawang hatid ng hangin.
"I see you're amazed." Turan sa kanya ni Keegan habang nakangiti.
"Keegan..." mahinang tawag niya sa pangalan nito. Nilingon niya ang lalaki na pinagmamasdan siya mula sa hindi kalayuan at nakapamulsa.
"This is paradise! How did you know this place?" tanong niya at inilibot ulit ang paningin sa payapang dagat. Inihakbang niya ang mga paa sa mapinong buhangin at inikot ang katawan upang pagmasdan ang kabuuan ng lugar.
Ang mga matatayog na puno ng buko ay nagsilbing harang sa pagitan ng gubat at ng dagat. Ang liwanag ng buwan at ng mga bituin ay sumasalamin sa malawak at tahimik na karagatan. The place was serene and wonderful. She even spotted a boat on the shore. Banayad itong sumasayaw sa mahinang kampay ng tubig.
"My grandfather brought me here on my 12th birthday." sagot nito habang naglalakad sa kanya palapit.
Tumango si Saniela at lumingon kay Keegan. "I could tell that you are very close to your grandpa."
"Yeah, but not close enough to be his favorite. Si Yvanno pa rin ang paborito no'n." He joked, chuckling.
Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang nasa likuran ni Keegan.
"Is that a cabin?" tanong niya at nilagpasan ito. Nagsimula siyang maglakad patungo sa dalawang palapag na kubo na yari sa matibay na kahoy. A cabin designed in a modern style. This reminded her of the Cullen's house, this one was just smaller.
"Yes, it is." Dinig niyang sagot nito sa kanyang likuran.
Hindi niya mapigilan ang mamangha ng makita ito sa malapitan. The cabin seemed well-taken cared off.
Hinakbang niya ang tatlong baitang na hagdan. There were pots of beautiful different flowers on the balustrades, some were hanging. Her eyes roamed and found a wooden table on one side with four wooden chairs. An abstract painting was hanging behind it. Sliding glass door ang pintuan nito at may mabalahibong doormat sa tapat.
"Gaano ka kadalas pumunta rito?" tanong niya at tinungkod ang mga kamay sa barandilya. The cold breeze of the wind gently kissed her face and swayed her hair.
Tumabi sa kanya si Keegan at humilig sa balustrada paharap sa kanya. His hands were shoved inside his pockets, mahina ring sinasayaw ng hangin ang itim na itim na buhok nito. With his plain white shirt that hugged his sturdy body, down to his black-beads bangles, and his black denim pants, he surely looked fiery.
"Depende." Sagot nito habang matamang nakatingin sa kanya. His cerulean blue orbs were so bewitching, persuading her dark wood brown ones to stare back. "Depende kapag gusto kong mapag-isa."
Tumagilid ang kanyang ulo sa pagkalito. "Then, why did you bring me here?"
Umangat ang sulok ng labi nito at umayos ng tayo. "Kasi gusto ko."
His answer made her frown and chuckle.
Umalis si Keegan sa pagkakasandal sa balustrada at itinungkod na rin ang mga kamay sa barandilya. Mahinang nasagi ng braso nito ang kanyang braso na nagbigay kaligkig sa kanya. That mere touch and the cold wind that brushed on her skin made her tremble a scrap.
"Kasi gusto mo?" ulit na tanong ni Saniela sa sinabi nito.
"This place became my sanctuary. It's a paradise, isn't it?" nakangiting tanong nito sa kanya. Hindi na rin tuloy niya mapagilan ang mapangiti.
BINABASA MO ANG
Without Doubt
General Fiction(For Love # 1) Saniela Victoria Clemente aspires to become a cardiologist like her deceased mother who she truly admires. Being left in the care of her busy father and sick grandfather made her somewhat a rebel who lives her life to the fullest. Upo...