Kabanata 36

11.2K 266 29
                                    

Trust

Paulit-ulit niyang inuuntog ang ulo sa nakasara niyang laptop habang paulit-ulit din niyang pinagsasabihan ang sarili. Curiousity kills the cat. Tama sina Heidi, she better not persisted to watch the video because it is better that way. Mas maganda na iyong wala siyang alam, at least she could act normal unlike ngayong may alam siya, the situation just became awkward.

"Are you okay, Mama?"

Mabilis niyang inayos ang sarili bago pumihit dito at malawak na ngumiti.

"Of course, yes, I'm okay!"

Tumango ito bago bumalik sa panonood ng spongebob. Napangiti siya sa nakikita niyang reaksyon dito. Her son is paying close attention to the cartoon he's watching to the point where she finds him cute.

Nilapitan niya ito at umupo sa tabi nito. Kajel involuntarily leans on her while his eyes are still glued on the TV screen.

"Did Paps sent this to you?" turo niya sa stuff toy na yakap nito. Sandaling sumulyap ito sa kanya at tumango bago bumalik ang atensyon sa panonood.

"I'll be on the living room shortly. If you want something just call me." Aniya. Hinalikan niya ito ng minsan sa ulo bago tumayo at lumabas ng kuwarto.

Abala pa rin sa pag-aayos at pagbubuhat ng ibang mga muwebles ang naabutan niya sa may tanggapan. Hindi naman ganoon kadami ang mga gamit ngunit kakailangan mo pa rin talaga ng mga tao na katulong sa pag-aayos ng mga ito.

Nasulyapan niya ang ilan sa mga paintings niya na nakasandal sa isang tabi. Humakbang siya palapit patungo sa mga ito at napangiti nalang ng ang pinakapaborito niya sa lahat ang bumungad sa kanyang paningin.

It was the Blue Domain. The piece she would had took part of the National Painting Contest Exhibit six years ago.

Mas lumapit pa siya rito at masuyong pinakatitigan ang bughaw na bughaw na pinta. Inangat niya ang kamay at marahang pinaglandas ang mga daliri sa bawat detalye nito. It feels nostalgic whenever she sees and touches this painting. The sentimental longing and wistful affection it brings are independently acute.

Muli siyang napangiti nang maalala ang mga panahong ipinipinta pa niya ito. Mixed emotions covered her but it was the feeling of madness that made her this completed. It should be the feeling of affection but the bullshit emotion she felt triggered her to depict her piece.

Lumuluha pa siya habang ipinipinta niya ito kaya pati ang mata na nasa pinta ay mababakasan mo ng kalungkutan. By looking at it, you will feel an emotion of gloom, pain, and disappointment.

Tinigil niya ang kamay sa paglalandas dito at mas magiliw na pinagmasdan ang kanyang nasa harapan. The painting illustrates a guy surfing in an ocean blue eye. The eye however exhibits flowing tears made by the waves where the guy surfs. Kaya mas ramdam mo ang lumbay habang nakatitig dito.

"Ma'am! Saan ko ilalagay iyang mga pinta mo?" tanong ni Mina na nasa kanyang likuran.

Tumikhim siya dahil sa tila may kung anong bumara sa kanyang lalamunan gawa ng ilang minuto niyang pagtitig sa pinta. Humarap siya kay Mina.

"Hindi na, ako na ang bahala sa mga ito." Aniya. Nang tumango ito ay minsan pa siyang sumulyap sa kuwadro, partly thinking what she should do to that painting.

Kinabukasan ay maaga siyang gumising. Tulog pa ang mga kasama niya sa bahay ng lisanin niya ang condo unit upang gawin ang karaniwan niyang ginagawa sa umaga.

The tall trees, sky high buildings, busy street, and the people who jog along her just enlivened her starting day. Alas-singko pa lang ng umaga ngunit gising na gising na ang lansangan.

Without DoubtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon