Emotions
One minute they are happy, the next minute they are afraid. See how life works? It can shift you off into variant emotions in just a spur of a moment, without warning and without doubt.
Maayos naman ito kanina, ah? Ang saya-saya nga nito. Wala namang bakas sa mukha nito ng pagod at pagkahilo. Then w-what happened? Why did that suddenly happened?
"H-he's just with Jadon, pinaglalaruan nila iyong chess board habang naka-upo sa damuhan. Naririnig pa namin iyong tawanan nila hanggang sa," Jianna sobbed. "narinig nalang namin iyong sigaw ni Jadon. Nang ituon namin ang atensyon sa kanila, nakita nalang namin si Kajel na nakahandusay at maputla. Mom was the first one who rushed towards Kajel. Na-cardiac arrest daw ito." Pagkukwento ni Jianna.
Saniela's face remained emotionless. Naubusan na yata siya ng luha sa hindi mapigilang pag-agos ng mga ito kanina pa. She heaved a sigh. Sinilip niya sa tabi ang nakayukong si Keegan na kanina pa mariing nakapikit. He's now quiet while on seat. Ngunit tensyonado pa rin ang mabagal na pagtaas-baba ng dibdib nito. He's breathing calm but heavy.
Ipinahinga ni Saniela ang ulo sa balikat nito at niyakap ang braso. She's tired, cold, and weary. Tatlong oras na silang naka-upo rito sa tapat ng Emergency Room ngunit wala pa ring lumalabas na mga doktor. They are taking much time. Bakit ang tagal?
Gumalaw si Keegan sa kanyang tabi kung kaya'y bahagya siyang napahiwalay dito. Naramdaman nalang niya ang telang bumalot sa kanya na napagpa-ibsan ng lamig na kanyang nararamdaman. She's just wearing her sando and duke short for Pete's sake and they've been here for three terrible hours!
"You're cold..." mahinang sambit nito habang inaayos ang pagkakayakap nang malaking bandana sa kanyang katawan. "I'm sorry I wasn't able to check on you. Nag-aalala lang ako nang sobra sa anak natin. Do you want coffee, hmm? Are you hungry?" Keegan tucked the strands of hair interning her face. Malamlam ang mga mata nito at medyo mapula, even his nose is flushy.
"Ayos lang," ngumiti si Saniela ngunit hindi iyon umabot sa mga mata. "'Tsaka hindi pa ako nagugutom. I don't think I can eat like this, baka isuka ko lang ang kinain ko."
"But you need to eat." Giit ni Keegan.
Umiling siya. "Mamaya na. Kapag nalaman kong maayos na si Kajel. I can't eat with a thought of him in risk."
Hindi na ito nakipagtalo pa sa kanya at bumuntong-hiningang sumuko. He held her closer to him. Ang lamig na kanyang nararamdaman ay tuluyang napawi. Nanatili ang mga mata ni Saniela sa pinto ng Emergency Room at umaasang magbubukas na ito luwa ang mga doktor na hatid ang isang magandang balita.
Is her prayer that stark and considerably? Bakit ayaw siyang pagbigyan?
"We'll move him to the ICU. Please wait outside the room while we transfer him." Imporma sa kanila ni Dr. Feliciano.
Sabay-sabay silang natigilan sa narinig. Tumahimik ngunit isang malakas na pagsinghap ang namutawi sa bibig ni Marga.
"What? B-bakit sa ICU? M-may nangyari ba? Kumusta ang apo ko? Maayos na siya hindi ba? Bakit niyo pa siya dadalhin sa ICU!?" Hysteria ni Marga.
"We need to monitor his heart strictly. He has poor heart functions and his HCM is showing some severe symptoms. Nakakabahala iyon dahil mabagal rumesponde ang mga gamutan sa bata. It means the kid has a higher risk of a sudden cardiac death. I tell you, this will be a long-term treatment." Diretsahang paliwanang nito nang may pagpapa-umanhin sa boses.
Halos manlumo sila sa narinig. Kinailangan pang alalayan nina Keegan at Saniela ang isa't-isa dahil tila sila mabubuwal sa kinatatayuan. Parang may sumuntok sa sikmura nila kung kaya't hirap silang makahinga at makagalaw ngayon.
BINABASA MO ANG
Without Doubt
General Fiction(For Love # 1) Saniela Victoria Clemente aspires to become a cardiologist like her deceased mother who she truly admires. Being left in the care of her busy father and sick grandfather made her somewhat a rebel who lives her life to the fullest. Upo...