Dania
Pinagbuksan ni Saniela ang kasambahay na inutusan niyang dalhan sila ng miryenda. After their last class this Tuesday, dito sila sa bahay niya dumiretso. Wala naman daw gagawin sina Lira at Heidi sa kaniya/kaniyang bahay kaya't dito naman sa bahay niya nakigulo ang dalawang bruha.
Dala ng isang dalagang katulong na si Tonet ang isang tray na may lamang mga cookies at biscuits habang dala naman ni Aling Letty ang isang pitsel ng juice at tatlong baso.
Tinulungan niya ang mga ito na ilapag ang mga dala sa isang mesa malapit sa kanyang kama at nagpasalamat bago tuluyang lumabas ang dalawa.
Kumuha agad ng cookie si Lira at dumapa sa kama. She's browsing her facebook account same as Heidi. Habang siya ay uminom ng juice at nakisali sa mga kaibigan na kumportableng nakapwesto sa kanyang kama.
"Kumusta iyong blind date mo noong nakaraang araw?" tanong niya sa kaibigan.
Umasim ang mukha Lira na halatang hindi naging maganda ang daloy ng blind date nito.
"May anak na pala iyon. Nakabuntis, tinakbuhan, hindi pinanagutan! Napakagago. Gusto pa yata akong isunod."
"Naku, iyang mga pa-blind date talaga ni Sorcha hindi mapagkakatiwalaan. Ilang beses na 'yang palpak. Last mo na 'yan, ha. Baka sa susunod mamamatay tao na maka-blind date mo, sa langit ka na dumiretso." Sermon dito ni Heidi.
"Oo na. Ayokong mamatay ng hindi pa nadidiligan, ano! Kawawa naman ang pechay ko."
Natawa sila sa talinghaga ni Lira.
"E, iyong lakad niyo ni Pols, kumusta?" tanong naman sa kanya ni Heidi.
"Ayos lang. It was fun. I enjoyed Pols' company. Sa susunod dapat kasama na kayong dalawa." Aniya. Para naman may kakampi siya sa tuwing aasarin siya ni Pols. Ang lakas din ng tama ng utak no'n minsan.
"Oo nga, I saw her posts on social media. Naka-tag ka. Kainggit. Kung alam ko lang, hindi na sana ako tumuloy sa blind date na 'yon." Ngitngit ng kaibigan.
Rumolyo siya sa kama at sandaling ipinikit ang mga mata. Nang idilat niya iyong muli ay lumapit siya kay Heidi at ipinatong ang baba sa balikat nito at nakisilip sa pagtingin-tingin nito sa newsfeed sa facebook.
"That dog is cute. Pusuan mo nga." Turan niya rito na sinunod naman ni Heidi. Nang may mapanood naman siyang nakakatawang video ay pina-react niya ulit iyon kay Heidi.
"Friends kayo ni Keegan sa facebook?" biglang tanong niya ng makita ang litratong p-in-ost ng lalaki na nasa newsfeed ni Heidi.
"Oo."
Pinagmasdan niya iyon. He was standing behind a glass window wherein you could see the buildings and establishments in fore and below. Nakasuot ito ng puting polo, puting slacks, at mahabang kulay asul na coat. Nakapamulsa ito at nakatingin sa gilid. His sculptured jaw was prominent and his long robust legs could step on her anytime and she'll be thankful.
"Sino'ng nag-add?" tanong niya.
"Siya, bakit?"
"Talaga?" kumunot ang noo niya. Bakit siya hindi in-add?
"Biro lang. Ako nag-add."
"In-accept ka?"
Umirap ang mga mata ni Heidi. "Oo, ayan nga friends kami, oh! Isang linggo nga bago ako in-accept, akala mo naman gwapo."
BINABASA MO ANG
Without Doubt
General Fiction(For Love # 1) Saniela Victoria Clemente aspires to become a cardiologist like her deceased mother who she truly admires. Being left in the care of her busy father and sick grandfather made her somewhat a rebel who lives her life to the fullest. Upo...