About Time
"Aray! Dahan-dahan naman, Lira!" singhal ni Saniela at pinanlakihan ito ng mga mata.
"Oo na!" muling dumapi ang bulak na may alcohol sa kanyang balat dahilan kaya siya napakislot. "Heidi, pakihanda nga iyong iba pang disinfectant diyan." Suyo ni Lira.
Saniela cringed her nose. Mula sa medicine kit ay inilabas ni Heidi ang iba pang panggamot. Ipinila nito ang mga iyon sa lamesa na siyang ikinanuot ng kanyang noo.
Teka, as far as she knows, hindi naman siya nasaksak. Hindi naman siya nahiwa, at lalong hindi rin naman siya nabaril. Bumaon lang ang mga kuko ni Katya sa kanyang braso dahilan para siya'y masugatan nang babahagya. Medyo mahapdi ngunit hindi naman ganoon kasakit.
Aatungal na sana siya sa ginagawa ni Heidi nang may maglagay ng tuwalya sa kanyang likod patungo sa kanyang dibdib. Saniela looked up to the culprit. Seryosong pinupunasan ni Pols ang kanyang buhok gamit ang isa pang tuwalya na basa naman.
Saniea's face creased in confusion. Ano bang nangyayari?
"May antibiotic ba diyan?" tanong ni Lira.
"Yep! Naihanda ko na." Sagot ni Heidi.
"I-co-conditioner ko ang buhok mo, Saniela, ha?" ani Pols. Hindi pa siya nakakasagot nang maramdaman niya ang pagpahid nito ng kung ano sa kanyang buhok. It must be the conditioner.
Saniela released a loud breath. Hinilot niya ang ulo gamit ang libreng kamay nang sumakit ito dahil sa ka-weirduhan ng mga kaibigan niya. Seriously, hindi niya maintindihan ang ikinikilos ng mga ito. Kahit ang anak niya na tahimik lang na nakamasid sa kanila at naka-upo ay tila nagtataka na namamangha habang pinapanood ang ginagawa sa kanya ng mga titaninang nito.
Pagkatapos kasi ng eksena kanina na ginawa ni Katya ay dumiretso na siya ng uwi rito sa condo niya. Naabutan niya sina Pols, Lira, at Heidi sa kanyang sala na nanonood ng pelikula kasama si Kajel na nakakandong kay Lira.
Nagulat ang mga ito sa itsura niya. Hindi na kasi niya naayos ang buhok na sobrang nagulo, pati ang braso niya na bahagyang nasugatan ay may kakaunting dugo na umagos. Bugnutin pa ang itsura niya at may bakas ng natuyong luha sa kanyang mga pisngi.
Mabilis siyang kinumpronta ng mga ito at pinagkuwento, at nang matapos ay nagulat nalang siya ng hilain siya ni Heidi sa isang upuan at heto nga ay kung anu-ano na ang pinanggagawa sa kanya.
Panibagong disinfectant ang ipinahid ni Lira sa kanyang sugat. Patuloy ang pagko-conditioner ni Pols sa kanyang buhok habang si Heidi ay naghahalungkat pa ng ibang gamot sa medicine kit.
My god, hindi naman malala ang nangyari sa kanya pero ang OA lang ng mga kaibigan niya.
"You're all creeping me out." Inikutan niya ang mga ito ng mata at huminga nang malalim.
Matalim siyang tinignan ni Heidi. "We need to make sure na walang naiwan na mikrobyo ang Katya na 'yon sa'yo. Knowing her, sagana iyon sa bacteria at virus."
Lira nodded. "Kung pwede nga lang ay tuturukan ka na rin namin ng antidote. Who knows kung may sa-lason pala ang mga kuko ng babaeng 'yon?"
Napanganga si Saniela.
"Samahan ka namin sa salon bukas?" Saniela frowned at Pols. "Pa-hot oil ka o kaya'y hair spa. Baka bumuhaghag at manigas itong buhok mo dahil hinawakan ng magaspang na kamay ni Katya."
Mariin na napapikit si Saniela at kinalma ang sarili. Hindi niya kinakaya ang mga kaibigan. Alam naman niyang baliw ang mga ito pero namamangha pa rin siya sa pagiging baliw ng mga 'to. Bakit pa ba siya nagtataka?
BINABASA MO ANG
Without Doubt
General Fiction(For Love # 1) Saniela Victoria Clemente aspires to become a cardiologist like her deceased mother who she truly admires. Being left in the care of her busy father and sick grandfather made her somewhat a rebel who lives her life to the fullest. Upo...