Eye sore
Her heart is aching. Parang sirang plaka na paulit-ulit bumabalik sa kanyang isipan ang mga bawat katagang sinambit ni Keegan sa kanya.
He walked away. He turned his back on her. Iyon naman ang gusto niya eh, ang mawalan ito ng pakialam sa kanya para maging madali nalang ang lahat sa kanya. But why is she hurting? Why did it pained her? Why is she not happy? And most of all, why is she crying?
Tumingala siya upang pigilan ang nagbabadya pang mga luha. Sarkastiko siyang napatawa at namewang. Fuck, para siyang baliw ngayon.
Nilingon pa niya ang nakalayo na nitong sasakyan na ang bilis pa ng takbo. Did he thought he's the king of the road? Ang yabang!
Napahilamos siya ng mukha at tinignan ang mga nagkalat na gamot sa kanyang harapan. If looks could melt something, kanina pa tunaw ang mga walang-malay na gamot dahil sa sama at talim ng pagkakatingin niya. Pinagsisipa niya ang mga ito at tinapak-tapakan.
Bakit kasi nagmabuting loob pa siya?! She could just leave and ignore him but what did she do? Imbes na lumayo at dumistansya siya, eh siya pa itong lumalapit. She walked near the flame and now she got burned. And who's to blame? Siya dahil hindi siya nakatiis.
Nakasimangot na sumakay siya ng kanyang sasakyan. Her mind is occupied by full confuse thoughts. Right, why did she acted that way? Why is she concern? Wala na nga siyang pakialam, hindi ba? Galit siya rito. She should be giving him a cold treatment, death glares, and fierce words, pero anong nangyari sa mga iyon ngayon? Naglaho nalang ng parang bula ng makita lang niya ang matamlay nitong mukha.
Humigpit ang hawak niya sa manibela. She won't let that happen again. Nabigla lang siguro siya kaya niya nagawa iyon. She'll make sure the next time they cross path again, she'll give him his own dose of medicine.
She's a heartless tigress, huh? She'll show him one. Patigasan sila.
"I am okay, Mama. You asked me several times already."
Kinamot nito ang ilong na tila nayayamot. She can't help asking! Talagang nag-alala siya kanina ng malamang in-arrythmia ito. Mabuti nalang pala talaga at hindi malala.
"Si Ma'am oh, okay na po talaga iyang si Kajel. Ang galing kaya no'ng tumulong sa amin, ang gwapo pa atsaka ang macho! Ang ganda ng mga mata, parang dagat." Magkasiklop ang mga kamay na paliwanag ni Mina. Tila nagniningning pa ang mga mata habang nakatingala at pawang nananaginip ng gising.
Nangunot ang kanyang noo. "Parang dagat?"
Ganadong tumango si Mina. "Teka, pakita ko sa inyo, Ma'am." Anito saka dali-daling tumakbo sa may magazine rack.
Bumalik ito sa kanya taas-taas ang magazine na hawak at may malawak na ngiti sa mga labi. Teka, bakit sa magazine?
"Tada! Heto siya Ma'am, oh. Ang gwapo, 'di ba? Atsaka ang yummy." Humagikgik si Mina.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng ang pagmumukha ni Keegan ang kanyang nakita. Bumalot ang kaba sa kanyang katawan at tila siya nanlamig. Her heart stopped beating for seconds and she hardly gulped.
Si Keegan ang tumulong sa anak niya?
"Mama, can I see? I didn't saw his face because I'm too troubled by my arrythmia. Maybe I should thank him when I see him."
Nagbaba siya ng tingin sa kanyang anak na naka-abot ang mga kamay. He's reaching for the magazine she's holding.
Nataranta siya at mahigpit na niyakap ang hawak na magasin. She won't let her son see this! Alam nito ang itsura ng ama nito dahil sa picture na nakita nito sa wallet niya. Bakit ba kasi hindi pa niya iyon tinapon? She should throw trashes.
BINABASA MO ANG
Without Doubt
General Fiction(For Love # 1) Saniela Victoria Clemente aspires to become a cardiologist like her deceased mother who she truly admires. Being left in the care of her busy father and sick grandfather made her somewhat a rebel who lives her life to the fullest. Upo...