Agony
The noise of the cork as it released from the mouth of the wine bottle had been synchronized with everyone's scream of winning...a scream of victory, repose, and justification obtained.
"Sa wakas natapos din..." malawak ang ngiti ni Silver na binuntutan ng isang malalim na paghinga.
"Now that they're held in custody, we'll just wait for the pronounciation in court. But as of now, let's overcrow each and everyone's great job and cooperation. You did well, guys..." ngumisi si Silver kay Keegan. "...especially our Keegan the magnate here. Biruin mo 'yon, natiis mo ng ilang taon ang pakikipaglaro at pang-uuto kay Katya para lang sa pangangalap ng mga ebidensya? Bilib na 'ko sa pakikipag-kalakalan mo, bro." Humalakhak si Silver.
"Damn, I wish I was there." Ani ni Lira ng may panghihinayang sa boses. Kumuha ito ng barbecue mula sa inilapag na plato ni Heidi na bumalik sa pag-iihaw kasama si Pols. Pinagsalin naman sila ng wine nina Marga at Sylvia.
Lio and Chase were playing chess. Nakikinuod sina Bryle at Gabriel na inabutan ni Hendrix ng tig-isang kopita ng wine.
"Pinipigilan ko nga 'yung tawa ko kanina habang namumula na sa galit si Tita Kristina at iyak ng iyak si Katya. 'Tangina, bakit ko ba naging kadugo iyong mga 'yon?" Nalukot ang mukha ni Silver. "Mama, anak ba talaga ni lolo si Tita Kristina sa ibang babae o ampon lang? Tama, baka napulot lang siya ni lolo sa kalye tapos naawa—"
"Magtigil ka, Silvester." Binatukan ito ni Sylvia sa ulo.
"I also want to come but Dad didn't allow me." Umikot ang mga mata ni Elizabeth at inirapan ang ama na napa-iling sa kanya. "Bumili pa man din ako ng party popper para sana sa gagawing entrada ni Ophelia."
Sumimsim si Saniela sa kopitang hawak at napatingin sa kanyang gilid. Napangiti siya ng makita si Keegan na nakikipaglaro ng basketball kina Kajel at Jadon, ang anak ng ate nito na si Jianna. Keegan was just teaching them to shoot the ball so she doesn't need to worry about Kajel.
"My brother looks so happy..." salita ng sa kanyang kabilang gilid.
Nilingon ito ni Saniela at nakita ang nakangiting mukha ni Jianna. Mula kina Keegan ay lumipat ang tingin nito sa kanya. Hindi pa rin niya mapigilan ang saglit na mapatulala. Jianna looks practically like Keegan. They have the same facial structure, same eye color, same smile, but different hair and skin color. May pagka-kayumanggi kasi ang buhok ni Jianna at mas maputi ito nang kaunti kaysa kay Keegan.
They had met earlier with her son, Jadon. Hindi na siya nagtanong kung nasaan ang asawa nito dahil tila sensitibong paksa iyon. Mula rin kanina ay walang nababanggit ang pamilya tungkol sa tatay ni Jadon. So, Saniela concludes the topic is off limits.
"I had never seen him that happy. He smiles, yes, but his smile right now is beyond contentment...so blissful." Dugtong ni Jianna. "I saw the way you two look at each other...a look of two people who are deeply in love. The way you stare at each other, it's all in there. The passion, attraction, the respect and warm approval, and your undying feelings for each other were all in your eyes. Nakakamangha palang pagmasdan. You two weren't saying a thing but it felt and seemed like there's that invisible thread connecting you two. How is that even possible?" Nakakunot ang noo nito sa paghanga ngunit nakangiti ang mga labi.
Maging si Saniela ay napangiti rin. Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Hindi ko alam na gano'n pala iyon. Maybe, it's just kind of...happened without us even knowing."
"It sounds magical," napahagikgik si Jianna.
It is.
Muling itinuon ni Saniela ang tingin kina Keegan. Buhat-buhat na nito si Kajel at inilapit sa ring upang mai-shoot ang bola. Hindi maipinta ang kasiyahan sa mukha ng mga ito. Tila mapupunit pa ang mga labi dahil sa hindi mapuknat-puknat na ngiting kanina pa nakapaskil sa mukha.
BINABASA MO ANG
Without Doubt
General Fiction(For Love # 1) Saniela Victoria Clemente aspires to become a cardiologist like her deceased mother who she truly admires. Being left in the care of her busy father and sick grandfather made her somewhat a rebel who lives her life to the fullest. Upo...