Kabanata 5 *

17.2K 404 58
                                    

Punta

Sinindihan ni Saniela ang sigarilyong nakasuksok sa pagitan ng mga labi at ibinalik sa pouch ang metallic lighter na ginamit. She got it customized with her initials engraved on it.

Sinandal niya ang likuran sa kotse ni Heidi at tahimik na humithit ng sigarilyo. Nasa loob pa si Lira na inuubos ang may kalahating bote pa ng whiskey at si Heidi na hindi mapawi ang ngiti dahil kasayaw si Lio.

She checked the time on her phone. It's past 10 PM. Wala na yatang balak pumunta pa si Keegan na ikinasimangot niya. Binabalak pa man din niyang sayawan ito.

ikinasimangot niya. Binabalak pa man din niyang sayawan ito.

Bumuga siya ng usok sa hinithit na sigarilyo nang may nagmamadaling kotse ang pumarada sa tabi niya. Hindi pa nito naipaparada nang maayos ang sasakyan ng bumukas na ang pinto sa driver's seat. Looks like the person was in a hurry.

Napatayo nang tuwid si Saniela ng makita ang taong bumaba sa sasakyan. Naibulong niya ang pangalan nito at tinanaw ang bulto ni Keegan na lakad-takbong pumasok sa Townrun. Napamura siya nang mahina sa hindi inaasahang kalagayan.

Humithit pa siya ng isang beses bago itinapon ang sigarilyo sa sahig at inapakan. Matapos ay tiningnan niya ang sarili sa side mirror ng sasakyan ni Heidi at inayos ang pagkakatali ng kanyang buhok bago pumasok sa loob ng bar.

Ngiting-ngiti siya habang tinatanaw ang likuran ni Keegan. He walked towards his friends in long solid steps and his back was stiff. Mula sa kanyang pwesto ay tanaw niya ang tila tunggalian ng mga kaibigan nitong kapwa malawak ang pagngisi.

Inabot niya ang isang Margarita sa nadaanang waitress at umupo sa may bar counter habang pinapanood si Keegan na mukhang sinisigawan si Pols. Her eyes squinted in curiosity.

Sumimsim siya ng inumin at bahagyang napangiti sa nakikitang itsura ni Keegan. He seemed frustrated. Gorgeous but frustrated. Inilibot nito ang mga mata sa dancefloor na tila may hinahanap. His brows were furrowed in inflict.


"I TOLD you to keep an eye on her, Pols!" matalim na tingin ang ibinigay ni Keegan kay Pols. Nagkibit-balikat ito at itinaas ang dalawang kamay.

"I did," sabi nito. "Nawala nga lang bigla ng makipagsiksikan ito sa dancefloor. Baka inuwi na—"

"Don't you dare say that!" galit niyang putol dito. "Kapag may nangyari kay Victoria, lagot ka sa'kin."

He then looked at Bryle who can't contain his smile. Tinawanan siya nito na mas lalong ikinainit ng ulo niya.

"Pagsabihan mo iyang girlfriend mo." Atas niya at mabibigat ang mga hakbang na pumaroon sa dancefloor.

"Tsk, tsk. Ginalit mo kasi Pols." Iling at ngisi naman ni Chase kay Pols habang pinapanood si Keegan na palingon-lingon sa paligid.

"Sasabihin ko lang naman na baka inuwi na siya nina Heidi at Lira. Hindi kasi ako pinatapos." Iling na sabi ni Pols. Humalakhak naman silang magkakaibigan sa tinuran nito.


NAPAHAWAK si Saniela sa counter ng makitang tinatahak ni Keegan ang dancefloor. He's searching for someone, that's what she thought. Linagok niya ang natitirang inumin bago tumayo at inayos ang suot na damit.

With steady steps, she marched where Keegan is while keeping her eyes on him. Dinig pa niya ang pagtawag sa kanya ni Lira na hindi niya pinansin.

Keegan's eyes kept roaming around as he drove away the girls who tried to dance in front of him. Magulo ang buhok nito na tila hindi nasuklayan mula sa pagkakahiga at mga labi ay madiin na magkalapat.

Without DoubtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon