Chapter 22

1.2K 27 1
                                    

Prince's POV


Ang daming nangyari kahapon, nalaman ko na pinigilan ni Mikky si Le'an bago siya nagwala. At ako naman, papunta na sa principal's office, nanuntok kasi ako ng istudyante. Kaya kahit ako, sabit.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto, pagbukas ko ng pinto. Nakatitig silang lahat saakin, ngumiti na lang ako.

"Finally, you've arrived. Have a seat" utos ni ate principal, OK then.

"At ano itong nabalitaan ko! Nakipagsuntukan ka?" Umiwas ako ng tingin at kinagat ang pang-ibabang labi, lagot ako. Sinabi na niya siguro kay dad, lagot na ako.

Katabi ko si Fayea na hawak pa din ang braso, hindi ba siya magsusuot ng cast?

"Prince nakikinig ka ba?" Wah! May sinasabi ba si ate principal?

"Your quiet annoying sometimes Prince, listen to me alright?!" Tumango ako at ngumiti sa kanya, nakakatakot siya pagnagalit.

"Listen, kayong pito hinding hindi ko na palalampasin ang susunod na mag-aaway pa kayo. Ano ba kasi ang pinanggagawa nyo?" Tanong ni ate principal.

"Nothing" sabi ko, kumunot ang noo ni ate principal at dinuro niya ang isang ballpen saakin.

"I'm not talking to you, alam ko kung bakit ka nakipag-away. I'm talking to you" nagulat ako dahil tumingin siya kay Fayea na tahimik lang sa tabi ko, wala naman siyang ginawa?

"Bianca told me na sinubukan mo siyang sabunutan, kaya tumulong na lang ang mga lalaking ito para awatin kayo. And then nadamay lang sila sa away nyo" tumingin ako kay Bianca na naka ngiti pa, pero pagtingin niya saakin at bigla siyang umiwas ng tingin. I can't believe this woman, ano bang pinaglalaban nito?

"Ano ba kasi ang pinag-awayan nyo para masaktan niyo ang isa't isa?" Tanong ni ate principal kay Fayea, she never reacted. Nakinig lang siya at walang balak na magsalita, can't ate principal see? She's hurt.

"Ms. Sanchez, pag pinagpatuloy mo pa ang ganitong performance sa school na ito. I can't just let it go, pwede kang maalis sa paaralang ito kahit hindi ko gusto" nanlaki naman ang mata ko, tsk.

"Now, tell me kung bakit ka nakipagbugbugan-"

"I did that" putol ko sa sinabi niya, nagtataka silang tumingin saakin.

"What?" Sh*t, I can't believe I'm doing this.

"I...punch them" tumaas ang dalawang kilay ni ate principal sa sinabi ko, ramdam ko din ang tingin ni Fayea.

"OK... So, ahm. Ikaw?" Ngumiti ako at tumango.

"Mind leaving the two of us" utos ni ate principal sa kanila, isa-isa silang lumabas at sinara ang pinto. Now, what? Pagharap ko kay ate principal, nagulat ako dahil naiirita siya. Anong meron?

"Sino ka? Ikaw ba talaga ang kilala kong Prince?" Nanlaki ang mata ko, luminga-linga ako sa paligid. Pero walang tao, eh ako lang naman ang kausap niya diba?

"Ate, ako lang naman ang pinakagwapo mong kina-usap sa buong mundo. May nakita ka na bang kasing gwapo ko?" Napatawa siya at kinurot ang dalawa kong pisngi.

"Hmm, valid. Ikaw nga si Prince, teka. Sinapian ka ba? Gusto mo magpatawag ako ng pari, nakakatakot ka na" oy!

"Teka, anong ginawa ko?" Tanong ko sa kanya, tinaasan niya ako ng kilay.

"Wala, wala kang ginawa. Kaya nga ihahatid na kita sa pari para mahimasmasan ka na" eh? Lumapit siya saakin at hinawakan ang magkabilaan kong balikat.

"Ate naman, hindi naman ako sinapian ng masamang esperito" paliwanag ko.

"Alam ko, mabuting esperito ang sumapi sayo kaya dadalhin kita sa pari para masapian ka pa ng marami"

Secretly Falling In love with You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon