Five years later.....
Inaayos ko ang mga gamit ko dito sa opisina habang kinakain ang isang tinapay, shit! Kailangan ko pang pumunta sa graduation ni Mikky! Patay! Tumunog ang phone ko at mabilis ko itong sinagot.
"Hello?"
"Prince hey! Nasaan ka na? Bilis malapit ng magsimula ang graduation" argh, inalis ko ang tinapay sa bibig ko at kinuha ang mga gamit. Binigay ko sa sekretarya ko ang mga gamit at nagmamadaling lumabas.
"Ibigay mo iyan kay Kuya Laurence kailangan niya iyan mamaya para sa report at huwag mo na akong tawagan mamaya kung may emergency tawagan mo sila ate Ann kasi sila na ang bahala, aalis na ako" hindi ko na hinintay ang sagot niya at pumasok sa loob ng elevator.
I look at my wrist watch, fifteen minutes magsisimula na ang program. Dalidali akong pumunta sa kotse ko at pinaharorot papunta sa convention center, may natanggap akong tawag at sinagot ko naman ito kaagad.
"Hello?"
"Prince! Kasi, ano-"
"What?"
"OK, OK ganito kasi iyon nagkaproblema sa marketing results dito sa department gusto sana ng mga board of directors na ulitin ang meeting" what?
"Fine, reschedule it tomorrow o kung kailan man sila magiging available."
"OK sir" pinatay ko na ang tawag at pinabilisan pa ang sasakyan, makakahabol pa ako pagkatapos kong makipagkarerahan sa mga sasakyan sa highway ay nakarating na ako sawakas sa convention center.
"Prince! You made it, halikana" pumasok na kami sa loob at saktong nagsimula na ang program, makikita mo ang saya sa kanilang mga ngiti.
Hindi rin mawala sa mga labi ko ang ngiti habang tinitingnan sila Mikky at Lee na masayang-masaya sa harap.
"Tsk, ang saya ng dalawa" niyakap ko ang kapatid ko at tiningnan siya.
"Next year ikaw naman ang gagraduate, don't be too excited about graduating. Enjoy your youth" Gwen pouted and look at me.
"Excited na ako dahil uuwi na sila Ancel, bakit ba kasi sa America pa sila nag-aral" four years ago umalis sila Lance at Ancel para mag-aral ng business at technology sa ibang bansa, and next year na sila babalik kaya gustong-gusto na ni Gwen magtapos.
"It's for you too, don't be to meanie" Gwen is pouting hanggang natapos na ang graduation nila Mikky, kumain kami sa labas at humabol si Kuya Michael si ate Demi lang naman kasi ang nandoon kanina.
Nagtapos ang araw namin na masaya at pagod, kanya kanya kaming umuwi sa aming mga tahanan at hindi ko maiwasan na malungkot. Mikky and Lee are already living together like Kuya Michael and ate Demi with their child, habang nasa bakasyon pa sa sila ate Demi at Kuya Michael ay ako muna ang bahala sa organisasyon at sa kompanya.
Hindi na ako umangal dahil wala naman din akong gagawing importante, lagi naman akong umuuwi dito sa headquarters dahil nandito lahat ang mga trabaho na kailangan kong atupagin.
Pagbaba ko ng sasakyan ay naabutan ko ang mga bantay sa harap at binati ako, pumasok ako sa loob ng mansyon at nakikita ang mga tauhan namin na mukhang hinahantay ako.
"What are you doing?" I ask them.
"Paying respect" eh?
"I told you hindi na kailangan so, any updates?" Binigay saakin ni Xia ang isang tablet.
BINABASA MO ANG
Secretly Falling In love with You (Completed)
Teen FictionMaraming katanungan ang lalaking nagngangalan Prince Harold Ramos, he already had the fame, the looks, but the attitude? Nah. Erase that, pero may kulang sa puso niya. Na parang nay kulang sa pagkatao niya, while thinking that whole his life. Makiki...