Chapter 1: Beginning
Third person's POV
Tunog ng bombero at police car ang umaalingawngaw sa gitna ng tahimik na gabi, sa kabilang dako. May grupong armadong kalalakihan ang kumikilos sa madilim na gabing iyon.
"Maayos na ang lahat, malinis ang trabaho at sigurado kaming walang naiwang bakas ang mga tauhan ko" matapang na sambit ng lalaking kulay blonde ang buhok, ngumiti naman ang lalaking kausap niya na nasa loob ng itim na sasakyan at hindi makita ang mukha nito dahil sa dilim.
"Magaling, hintayin nyo na lang ang taong inutusan ko para kunin ang permit. Matutuwa ang kliyente natin sa Indonesia pag nasa oras tayo, sige na bilisan nyo" matapang na utos ng lalaki na nasa loob ng sasakyan sa lalaki na may blonde na buhok. Umandar ang sasakyan at tahimik na umalis, sumenyas ang lalaki sa mga tauhan niya.
"Bilisan niyo ang kilos! Baka maamoy tayo ng mga Ramos, lagi nila tayong binibwiset bilis!" Binilisan nila ang kilos, habang kinakarga ang mga kahon sa isang barko na puno ng mga smuggle na baril. Habang tumatagal ang oras, nagiging manipis ang hangin sa buong paligid ng piyer. Makikita mo sa kanilang mga mata ang takot at kaba, takot na baka mahuli sila at hindi matuloy ang operasyon at takot na maingkwentro ang grupong ninakawan nila.
"Ayos na ang lahat!" Sigaw ng isang lalaki na malapit sa barko, tumango ang lalaking leader nila at sumenyas muli.
"Ang permit na lang ang kulang, nasabihan mo na ba sila?" Tumango ang lalaking blonde ang buhok,may dumating na sasakyan sa gitna ng mga armadong kalalakihan.
"Ito na sya" bulong ng isang lalaki, tumayo ang leader nila at lumapit sa sasakyan. Binaba ng may ari ng sasakyan ang salamin ng kotse at binigay ang isang envelope laman ng kinakailangan na dokumento.
"Pwede na kayong umalis, nahanda ko na ang lahat. Bilisan nyo, masama ang kutob ko dito" kinuha ng leader nila ang envelope at sinenyasan ang mga tauhan na pumasok na sa loob ng barko.
"Magaling, umalis ka na at magtago. Sigurado akong alam na nila na nakuha mo na ang bagay na ito" mabilis niyang binuhay ang makina, at natatarantang nag maneho palabas ng piyer.
Nabulabog ang lahat dahil may narinig silang putok ng baril, tumingin ang lahat sa sasakyang aalis na sana ay biglang huminto, napalunok ang mga lalaking nasa harap ng gate.
"Shit! Patay na sya!" Mabilis na umalis ang mga lalaki sa gate at pumunta sa mga kasamahan, hinanda ang mga baril at sarili sa pwedeng sunod na mangyari sa bawat isa.
"Bilisan nyo! Nandito na sila" sigaw ng leader nila, tinutok nilang lahat ang mga baril sa entrance ng piyer. Kumakalabog ang tibok ng kanilang mga puso sa takot na nadarama, nanginginig ang mga kamay. Nakatuon ang lahat ng kanilang atensyon sa harap.
Bigla na lang silang nakarinig ng ilang putok ng baril at nagpanik ang lahat, napapamura na lang ang kanilang leader dahil wala silang makita at ang tanging nagbibigay liwanag ng kanilang madilim na mundo ay ang liwanag ng buwan."Bilis! Malapit na silang makalapit dito! Aalis na tayo!" Sigaw ng kanilang leader, tumakbo siya papasok ng barko kasama ang iilang mga tao.
"Boss, paano ang mga tao natin? Nasa labas pa sila!" Sigaw ng lalaking kulay blonde ang buhok, masama niyang ang lalaki at tinulak palabas ng barko.
"Kung hindi mo kanyang mag sakripisyo ng iilang buhay, bakit ka pa nandito? Mas mahalaga ang pera kaysa sa mga hampas lupang katulad niyo!" Sigaw niya at iniwan ang kasama, may pinihit siyang lever at sumara ang pasukan. Ngumiti siya bago binaba ang baril, nanlilisik ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang mga kargamento.
BINABASA MO ANG
Secretly Falling In love with You (Completed)
Novela JuvenilMaraming katanungan ang lalaking nagngangalan Prince Harold Ramos, he already had the fame, the looks, but the attitude? Nah. Erase that, pero may kulang sa puso niya. Na parang nay kulang sa pagkatao niya, while thinking that whole his life. Makiki...