Meet the Characters

383 56 17
                                    

Nissy Torrefranca– Recently suffering from a temporary amnesia. Paano kung sa panahong may pilit na itinatago ang isip ay makilala niya ang lalakeng magmamahal sa kanya higit sa inaasahan niya? Kaya niya kayang ibigay ang parehong pagmamahal sa panahong bumalik ang nawala niyang alaala?

Rocky Montenegro – Gwapo. Mayaman. Kayang ibigay ang lahat kapag nagmahal. Makikilala niya ang babaeng nanaisin niyang makasama ng panghabang-buhay. Ngunit papaano kung malalaman niyang ang babaeng minamahal ay may nakaraang pilit kinakalimutan? Paano niya tatanggapin ang katotohanang mayroong nagmamay-ari sa pag-ibig nito? Hanggang saan ang kaya niyang gawin para maipaglaban ang pagmamahal na pinaniniwalaan niyang para sa kanya?

Janith Asuncion – Pinsan ni Rocky at matalik na kaibigan ni Nissy. Makulit at kalog ngunit nagiging seryoso pag ang pinag-uusapan ay pag-ibig, lalo na kapag maykinalaman si Nissy. Gagawin niya ang lahat makita lang na masaya ang kaibigan.

Arnold Montalban – Nasa kanya na sana ang lahat, anak-mayaman, gwapo, matalino, may magandang trabaho at may mabait na nobya na mahal na mahal siya. Ngunit sa kahibangan sa ibang babae ay nagawa niyang lokohin ang nobya. Sa kanyang pagbabalik, makukuha pa kaya niya ulit ang pagmamahal na dati ay sa kanya lang ipinapakita at ipinararamdam ni Nissy?


My Last Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon