"Don't let somebody be your priority when you're just their option."
******************************
ROCKY'S POV
"Are you okay?" hinawakan ko ang kanan niyang kamay para pigilan siya sa ginagawang pagsalin ng mainit na kape sa tasang nasa harapan ko. Kung hindi ko siya pipigilan ay baka umapaw na sa tasa 'yong isinasalin niya.
"What?" napamulagat naman ang mga matang napatingin siya sa akin saka sa hawak niyang thermos. Bahagya pang namula ang kaniyang pisngi nang ilapag niya 'yon sa mesa.
"Maupo ka nga," naiiling na utos ko sa kaniya.
"I'm sorry, Rocky," nahihiya namang anas niya. I'm not usually like this. I'm sorry kung medyo nag space out ako."
"It's okay, maupo ka na nga muna doon sa couch. Okay na ako dito , kaya ko na 'to. Kakainin ko lang itong mga inihanda mo para makaalis ka na."
Tipid lang siyang napangiti saka nagtungo na nga sa may couch at naupo. Sinundan ko lang siya ng tingin. I know there is something off in her aura. Sana lang nagkakamali ako kung si Arnold na naman ang may dahilan ng sakit ng kalooban niya. I would surely punch the guy of the face.
Ilang minuto siyang napasandal sa couch pagkuwa'y napatingin sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ka seryoso ang mga titig niya sa akin. Wari'y pinag-aaralan niya ang buo kong mukha. Pagkuwa'y napatikhim ako.
"Baka ma in-love ka sa akin diyan sa mga titig mo na 'yan."
Para namang napahiya siya sa narinig kaya nag-iwas nalang siya ng tingin at ibinaling nalang sa ibang bagay ang atensiyon niya.
Mayamaya'y siya naman itong napatikhim, "Are you done with your food? Because if you are, I will go now," aniyang napatayo na.
Alanganin man ay napatango ako. "Alright, you can go now. I can manage myself here."
"Okay," tipid na sagot niya saka humakbang na palapit sa pinto.
"Ah, Nissy!"
"Hmm?" saglit siyang lumingon.
"Kung may anomang bumabagabag sa'yo. Anything. Just letting you know, you can talk to me anytime. Magsabi ka lang."
Nagsalubong ang mga kilay niya. Nag-aalangan kung tatango ba o hindi.
"Of course," alanganing sagot niya saka tuluyang umalis.
Naiwan akong nakapamulsa. Napapaisip rin kung tama ba ang mga nasabi ko.
*****
Paulit-ulit akong binabagabag ng malungkot na mukha ni Nissy kaninang umaga. Natapos ang buong araw na siya ang laman ng isipan ko. Gusto ko siyang puntahan para alamin ang kalagayan niya. I want to know what's bothering her and if there's anything I can do for her.
Kaya naman nang matapos na ako sa mga dapat kong gawin at dapat tapusin sa opisina ay umalis na agad ako para puntahan siya sa restaurant.
I just want to know if she's okay. If she is, aalis din ako.
Pero iba ang naabutan ko.
Sa may pinto palang ay sinalubong na agad ako ng isa niyang staff. "Naku sir, buti at dumating kayo," puno ng pag-alala ang boses nito. Bigla naman ang pagbangon ng kaba sa dibdib ko.
"Why?"
"Naku sir, puntahan niyo nalang po si maam sa storage room. Wala po siyang pinapakinggan sa amin. Baka sa inyo po makinig 'yon. Hindi po namin alam kung bakit siya naglasing. Ngayon lang po niya 'yon ginawa..."
![](https://img.wattpad.com/cover/122123584-288-k138898.jpg)
BINABASA MO ANG
My Last Romance (completed)
RomanceNagmahal, nasaktan, naaksidente, nagkaroon ng amnesia. Sa mga panahong nakalimutan ang unang kabiguan ay nakatagpo ng bagong pag-ibig at pag-asa. Parang napaka-imposible kung iisipin. Ganunpaman, sadyang may mga bagay na hindi natin kayang letrahan...