Chapter 27

30 3 0
                                    

Rocky's POV


Weekend nun kaya magkasama kaming namili ng mga groceries sa mall. Naupo ako sa isang bakanteng bench habang hinihintay siyang makapamili ng cake na bibilhin niya. Ewan ko sa kaniya, bigla niya kasing naisip na mag dinner date daw kami with candle. Excited pa siya nang sabihin sakin na ipaghahanda niya ako ng first class na mga pagkain.

Gusto kong pagsisihan kung bakit naupo pa ako sa bench na 'yon. Dahil pag-uwi namin ng bahay ay wala na sa sarili si Nissy.

Tila nanginginig ang buo niyang katawan sa hindi ko malaman na dahilan.

Ang tanging naalala ko lang naman ay kausap ko ng ilang minuto ang dati kong kaklase sa kolehiyo.

Nakarating na kami't lahat lahat ay hindi pa rin umiimik si Nissy.

"Hey, are you okay?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naman ay nilapitan ko na siya matapos maipalag lahat ng mga pinamili namin sa ibabaw ng mesa.

Napaatras ako nang parang nagulat pa siya nang hawakan ko ang isa niyang braso. Mabilis siyang napaatras palayo sa akin.

"Hey, Hey..." pilit kong hinuhuli ang mga tingin niya. Hinawakan ko ang magkabila niyang braso para hindi na siya makakalas pa sa akin. "May problema ba? Tell me."

"I need to go," aniyang umiiwas na mapatingin sa akin.

"Akala ko ba okay tayo. Ano 'to? Ano bang nangyayari sa'yo? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Tell me?" Saka naalala ko ang nangyari kanina sa mall.

Nakaupo lang ako nu'n sa bench nang lapitan ako ni Irene. Kaklase ko 'yon nung college. Oo at alam kong may gusto sa akin kaklase kong 'yon pero hindi ko naman 'yon gusto.

"Are you jealous of Irene?" Hindi ko mapigilang tanong.

Mas lalo yata siyang nanginig nang marinig 'yon. Tama nga ako. Dahil sa babaeng 'yon kaya siya nagkakaganito ngayon.

"I'm telling you. Matagal ko ng kakilala 'yon. Hindi ko rin naman 'yon masyadong close. Oo at may gusto sa akin 'yon pero noon pa 'yon. Wala ka namang dapat na ipag-alala."

Kinabig ko siya palapit sa akin para yakapin para alisin ang lahat ng agam-agam sa dibdib niya. I can't stand it whenever she feels down.

"Natatakot ako na baka akitin ka ng babaeng 'yon. Hindi mo ba nakikita ang mga titig niya sa'yo? Para niyang sinasabi na "I'm available anytime anywhere, just say it,"

Gusto kong matawa dahil sa pagkakasabi niya nu'n. She really sounds jealous.

"So, you are jealous."

"No, I'm not jealous, it's more on fear. Natatakot ako na baka sa isang iglap ay mabaling na sa iba ang atensiyon mo. So, please tell me. Hindi ako magagalit sa'yo, I'll promise that. Napapagod na akong pumagitna. Hindi ko na rin kayang paniwalaan ang mga nakikita at ang mga nararamdaman ko."

"Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi mo. Isang simpleng pag-uusap lang naman 'yong nangyari kanina. Hindi mo naman kailangan na palakihin pa 'yong isyu. Sasabihin ko sa'yo kahit na maghubad pa sa harapan ko ang babaeng 'yon ay hindi ko 'yon papansinin. Alam mo ba kung bakit? Dahil walang ibang nakikita ang mga mata ko kundi ikaw lang."

Saka tiningnan ko siya sa mga mata. Wala akong ibang nakikita doon kundi kalungkutan at takot.

"Maupo ka na nga muna."

Napailing lang siya. "Tulungan mo nalang ako na ihanda ang mga 'to," aniya saka inilabas ang mga pinamili namin.

Nakakapanibago pa rin ang mga kilos niya.

Naubos na ang lahat ng nakahanda sa mesa pero hindi ko pa rin nakikita ang ngiti sa mga labi niya. Halos maubos na rin niya ang isang bote ng alak.

Nanginginig ang mga kamay na inilapag niya sa mesa ang wala ng lamang bote.

"Ang dali-dali lang para sa'yo na sabihin na okay ang lahat. Pero hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko. Natatakot ako at nasasaktan kasi mahal na kita. Mahal na mahal na kita. Natatakot ako na ipagpatuloy ang nararamdaman ko sa'yo kasi baka sa dulo ay bibitaw kalang din gaya ng ginawa sa akin ni Arnold," aniyang nagsimula ng maglandas ang luha sa mga mata.

Akmang tatayo ako para lapitan siya pero pinigilan niya ako agad.

"Please, don't. Just stay there."

Ako itong mas nasasaktan sa mga sinasabi niya. Paano niya nasasabing bibitawan ko siya? Hindi ba niya alam at nararamdaman kung gaano ko siya kamahal? Hindi ba niya nararamdaman 'yon? Manhid ba siya?

At nagsimula na siyang magkwento. Dala na rin siguro ng kalasingan at sama ng loob kaya nagawa niyang ikwento lahat ng nangyari noong nagdaang gabi.

At habang nakikinig ako sa mga kwento niya ay parang hinihiwa ng pinong pino ang puso ko. Hindi ko alam na all this time ay ganoon ang nasa puso't isip niya.

Kaya gusto ko tuloy pagsisihan kung bakit nagkita pa kami ni Irene sa mall. Hindi ko alam na may ganitong insecurities si Nissy sa sarili niya. Hindi na nakikita na napaka-swerte ng lalakeng mamahalin niya. Hindi rin niya nakikita na kung hindi siya mahal ni Arnold ay hindi siya mapupunta sa mga bisig ko. Dapat ko pa ngang ipagpasalamat 'yon dahil magkakaroon na ako ng sapat na dahilan para hawakan siya at huwag ng pakawalan.

Bahagya pa siyang napaigtad nang madaiti ang kamay ko sa balikat niya.

"Kung 'yan ang bumabagabag sa isip mo ngayon ay wala kang dapat na ipag-alala dahil noon pa man ay ikaw na ang mahal ko. At wala na akong ibang babaeng mamahalin kundi ikaw lang. Tell me, ano ang pwede kong gawin para maalis ang lahat ng mga negatibong bagay sa isip mo?"

Napatitig lang siya sa mga mata ko.

My entire being pushes mo to kiss her.

*******

End Part!

My Last Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon