Chapter 29

29 4 0
                                    

Rocky's POV

"Ngayon mo sabihin sa akin na wala akong gusto sa'yo. You have no idea I'm head over heels inlove with you ever since we met. Ngayon na may nangyari na sa ating dalawa. Hindi ba dapat mong ipagpasalamat 'yon dahil may sapat ka ng dahilan para habulin ako," panunudyo ko sa kaniya isang umaga matapos ang isa na namang mainit na pagniniig.

Walang tigil na kinintalan ko ng pinong halik ang bawat sulok ng mukha niya.

"At wala akong pakialam kung pikutin mo man ako dahil 'yon naman talaga ang gusto kong mangyari. Kahit na bukas na bukas ay pakakasalan na kita kung 'yon lang ang maging paraan para hindi ka na makaramdam ng alinlangan sa puso mo. I will do everything in my power to prove to you how much I love you."

Napapatango lang siya saka napapangiti. "Whatever you say," aniya.

Isang linggo ang nagdaan na puno ng kaligayahan at kasiyahan ang puso ko. Ngayong kapiling ko na sa mga bisig ko ang taong mahal ko, wala na akong ibang mahihiling pa.

Nakakasama ko siya sa bawat araw. Gumigising ako na siya ang una kong nakikita at nahahawakan. Ang makita ang nakangiti niyang mga labi, ang hagkan ang kaniyang mga labi sa tuwing ako ay nagigising- mga bagay na hindi ko ipagpapalit sa anopaman.

Ramdam kong masaya din siya sa piling ko. Walang araw na hindi ko nakikita ang ngiti sa mga labi niya. Masigla siyang gumigising sa bawat umaga. Masayang naghahanda ng pagkain sa hapag.

This time alam kong unti-unti ng nawawala sa isip niya ang imahe ng pangit niyang nakaraan.

*******

Magkaharap na sila n'un sa mesa at kasalukuyang nag-aagahan.

"Tumawag na ako sa opisina at iniwan ko na sa secretary ko ang mga dapat na gawin doon. Ipapadala ko nalang by the end of the day kung may mga kailangang pirmahang dokumento. I want to stay with you the entire day," pahayag nito saka napahinto sa pagsubo nang mapansing napatitig ang babae sa kanya at may kung anong ngiti na gumuhit sa mga gilid ng labi nito. "What?" Hindi niya napigilang tanong.

"Nothing," napapailing na sagot ng babae. "I just find it amusing how you made things into a plan."

"What?" natatawa namang sabi nito na nag-angat pa ng balikat. "I just want to spend my days with you. Is there anything wrong with that?"

Muli ay napapailing nalang ang dalaga.

Napaisip siyang bigla kung bakit hindi niya agad napansin at naramdaman ang pagpapahalagang ipinapakita ng lalake sa kaniya?

Ganito ba ang pakiramdam kapag muling nabubuhay ang apoy sa puso mo na magmahal ng iba? All she wanted in her life is to feel love and be loved.

*****

Isang mapusok at mapag-angking mga haplos at halik ang muling namagitan sa pagitan nilang dalawa sa ilalim ng malamig na lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower. Sabay na pumasok sa shower ang dalawa matapos ang isang masarap na agahan.

Hangga't may pagkakataon ay gustong iparamdam ng lalake dito na kaya niyang ibigay ang anomang bagay na pwedeng makapagpaligaya dito. Na walang ibang lalake ang pwedeng magparamdam sa kaniya kung gaano siya ka special kundi siya lang. He wanted to make her feel that there is something more that he can offer.

Lalong naging mapusok ang mga haplos at ang mga halik ng lalake nang maramdamang maging ang babae ay handang tanggapin at salubungin ang kapusukan niya.

Napaungol ito nang mag-umpisa na namang maglakbay ang mga kamay niya sa likod nito pababa sa may puson nito. Ramdam niya ang saglit na panginginig ng katawan nito. Saka iniangat niya ang katawan nito at kinanlong palabas ng banyo at dinala sa naghihintay na kama.

My Last Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon