Sometimes when I say "I'm okay" I need someone to look me in the eyes, hug me tight and say "I know you are not."
*****************************
Nissy's POV
Palabas na ako ng mall nang salubungin ako ng malakas na ulan. Yeah, right! November na pala ngayon kaya madalas na ang pag-ulan. Wala pa naman akong dalang payong, wala din akong dalang kotse kasi nga umaasa ako na magdi-date kaming dalawa ni Arnold at umaasa ako na siya ang maghahatid sa akin.
Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa mga hindi ko inaasahan na pangyayari ngayon. I have no choice but to find a taxi.
"Hop in," hindi paman ako natapos sa pag-iisip nang may isang sasakyan ang huminto sa harapan ko. Agad na umibis ang sakay nito at pinagbuksan ako ng pinto.
Napatingin ako sa paligid, ang daming tao. Wrong timing naman ang lalakeng ito o nananadya lang talaga siya para ma corner ako.
"Oh, ano?"
"Magta-taxi naman ako. Just go."
Nag-iwas ako ng tingin para hindi na niya ako kulitin pa pero nagkamali ako dahil lumapit naman siya sa akin at pilit akong pinapasok sa loob ng kotse niya.
Napabuntong-hininga nalang ako bilang pagsuko saka napasunod nalang sa inuutos niya.
He's so bossy. Lagi ba siyang ganito?
"Saan ba ang tungo mo? Uuwi ka na ba sa inyo o may pupuntahan ka pang iba?" tanong niya matapos maikabit ang seatbelt niya.
"Just reminding you na hindi kita ginagawang driver, ha. Baka marinig ko nalang isang araw mula kay Janith na sinisira mo na ang imahe ko," pagbabanta ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin. "Baka isipin mo na nagpapakimi lang ako kanina. Hindi ko 'yon ugali at mas lalong hindi ko ugali ang mag take advantage sa isang tao. Ayoko rin na-,"
"Ganito ba talaga ang tunay mong ugali?" putol niya sa mga sinasabi ko. "Napaka-defensive mo, hindi ko naman hinihiling ang paliwanag mo. Isa pa, nagmagandang loob lang naman ako at wala naman akong nakikitang masama doon. At sa tingin mo ba ikatutuwa rin ng pinsan ko kapag nalaman niya na nagkita tayo sa mall at hindi man lang kita sinamahan gayong wala ka namang kasama. Baka ako pa ang pagalitan niya kung malaman niyang hindi ako nagpaka-gentleman sa'yo," paliwanag naman niya.
Natameme naman ako du'n sa sinabi niya. Laging may sagot.
"You really know how to negotiate, ha." Talo na naman ulit ako sa usapan namin.
"So, where are you going right now?"
"Pupuntahan ko si Janith."
"Yon naman pala, mas lalong dapat lang kitang samahan dahil dun din naman ang punta ko kaya wala ka ng dapat na alalahanin at huwag mong isipin na pasanin 'to para sa akin dahil pareho naman pala tayo ng pupuntahan." Iyon lang at pinaandar na niya ang sasakyan.
At hindi na kami muling nag-usap pa habang lulan ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa dress shop ni Janith.
"Hala, bakit magkasama kayong dalawa?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Janith nang makitang sabay pa kaming lumabas ng sasakyan nitong pinsan niya. Sa tono ng pananalita niya ay parang bawal na magkita at magkasama kaming dalawa. Napakaraming tanong ang mababakas sa mukha niya na hindi ko maintindihan kung bakit.
Nakita kong hinila pa niya ang pinsan niya sa isang tabi at may kung anong pinag-usapan sila. Nakita ko pang minsan ay napapasulyap sa akin si Rocky. Hindi ko alam pero iba ang aura ng mukha niya ngayon kumpara nung magkausap at magkasama kami sa mall. Ngayon ay parang may bahid ng kalungkutan ang mukha niya. Hindi ko maintindihan pero parang nakakaramdam ako ng lungkot dahil sa nakikitang ekspresiyon sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
My Last Romance (completed)
RomantizmNagmahal, nasaktan, naaksidente, nagkaroon ng amnesia. Sa mga panahong nakalimutan ang unang kabiguan ay nakatagpo ng bagong pag-ibig at pag-asa. Parang napaka-imposible kung iisipin. Ganunpaman, sadyang may mga bagay na hindi natin kayang letrahan...