"When someone else's happiness is your happiness, that is love."
****************************Rocky's POV
Nasa kalagitnaan pa kami ng paglalakbay nun nang tumunog ang cellphone niya.
"Yes," noong una ay nag-aalangan pa siyang sagutin ang tawag. Pagkuwa'y napasulyap siya sa akin bago ipinasiyang sagutin ang tawag.
"Yeah, I'm already in bed," kagat-labing sabi niya saka muling sumulyap sa akin. Pinagsisinungalingan niya ang boyfriend niya. Ayaw niyang malaman ng lalakeng iyon na kasama niya ako. Masyado naman siyang maingat na hawakan ang relasyon nilang dalawa.
"Thanks for checking on me. Okay, I love you too. Bye."
Nagtangis ang mga bagang ko nang marinig ang mga katagang iyon. Mga katagang minsan ay sa akin niya sinasabi. Iniiwas ko nalang ang mukha kong mapaharap sa kanya at ibinaling sa labas ng bintana. Napakasakit lang kasing marinig na ang sinasabihan niya ngayon ng katagang "I love you" ay hindi na ako kundi ibang lalake.
Kung pwede ko lang buksan ang puso niya para halughugin sa loob nito ang minsang pagtingin niya na nakaukol lang sa akin ay gagawin ko.
Ang sakit na nararamdaman ko sa balikat ko dulot ng pagkakasaksak sa akin nung lalakeng may masamang tangka sa kanya ay walang panama sa sakit na nararamdaman ko dahil sa nakikita kong tuwa sa mukha niya, tuwa na alam ko ay hindi para sa akin.
Ang masakit pa ay hindi ko naman siya pwedeng sumbatan. Hindi ko siya pwedeng sumbatan sa bagay na hindi naman niya alam. Hindi man kapani-paniwala ang explanation ng doctor tungkol sa kalagayan niya, kailangan ko pa ring tanggapin sa sarili ko na 'yon nga ang nangyari.
Wala sa loob na naikuyom ko ang dalawa kong palad dahil sa galit na muli kong nararamdaman para sa sarili ko. Kung hindin ko siya pinilit ng gabing iyon sa isang date na inihanda ko para sa kanya, hindi kami hahantong sa ganitong sitwasiyon. Hindi magiging estranghero ang pakikitungo niya sa akin ngayon.
"Mas gusto kong paniwalaan na may dahilan ang lahat kung bakit nangyari. Kung talagang mahal mo siya, ipaglaban mo sa paraang alam mo ay tama. Ramdam ko naman ang pangungulila mo sa kanya pero wala na tayong magagawa sa nangyari. Oo, may kasalanan din naman ako dahil hindi ko nabanggit sa'yo ang tungkol sa kalagayan niya. Pero insan, tandaan mo na walang pader ang hindi nagigiba ng tunay na pag-ibig. 'Yon ang ipakita mo sa kanya. Ipakita mo na kahit nawala ka man sa memorya niya ay mananatili ang pag-ibig na nagtatago sa loob niya." Naalala ko pang sabi sa akin ni Janith nang minsang maabutan niya akong naglalasing sa condo ko.
Mula kasi nung aksidente ni Nissy ay hindi na ako umuuwi ng bahay at sa condo nalang nagpi-pirme. Siguro, gusto kong mapag-isa, gusto kong maghinagpis na mag-isa.
"Are you okay?"
Napapitlag ako nang maramdaman ko ang kamay niya na nasa ibabaw ng palad ko. Kaya tuloy ay napatingin ako sa nag-aalala niyang mukha.
I don't need your sorry. What I need is your love.
"Okay ka lang ba? Kanina ko pa napapansing tahimik ka, ah."
"I'm fine. Don't bother yourself," mahina kong sabi saka muling nag-iwas ng tingin sa kanya. Ayokong nakikita ang nag-aalala niyang mukha, baka hindi mapigilan ang sarili kong sunggaban siya para yakapin at halikan.
Niyaya ko siyang pumasok sa loob ng condo ko nang makarating na kami.
"Dito ka na magpalipas ng gabi," agad kong sabi nang tuluyan na kaming makapasok sa loob. "I know what you are thinking. Don't worry, wala naman akong gagawing masama sa'yo. Hindi ako mapapanatag kung malaman kong nasa labas ka pa at walang kasama. Oras rin ang lalakbayin kung uuwi ka pa sa inyo. Kung gusto mo ay pwede mo namang tawagan ang tita mo para malaman niyang nandito ka. I'm sure, mapapanatag ang loob nun," patuloy ko nang makitang aakto na siyang tatanggi.
Kahit naman may bahagi ng utak natin ang nakakalimot, ang pag-uugali at ibang senses natin ay mananatili kaya alam kong hindi nawawala sa kanya ang pagiging maingat.
"Parang napakasigurado mong papayag ang tita ko sa sinasabi mo ah," nakakunot ang noong sabi niya saka nakapa-maywang pa.
Saglit akong natameme sa kinatatayuan. Ngayon ko lang din kasi napansin na may ugali siyang ganito na napaka-segurista. Gustong mapailing ng loob-loob ko.
Bakit hindi natin sakyan ang attitude niya na ganito.
Kinapa ko sa loob ng bulsa ko ang cellphone at idinial ang number ni tita Susan.
"Yes, tita. Pasensiya na kung napatawag ako ng ganitong oras." Napapatingin ako kay Nissy habang kinakausap si tita sa kabilang linya para tingnan ang reaksiyon ng mukha niya. At tama ako na makita ang gulat sa mukha niya. Akala niya siguro na nagbibiro ako. "Yes tita, kasama ko po si Nissy ngayon. Gusto niyo po siyang makausap. Sige po," saka nag-angat ng balikat na iniabot ko kay Nissy ang cellphone.
Para pa siyang nagdadalawang-isip na abutin 'yon.
"Yes, tita," aniya saka napatalikod sa akin. "Opo. Sige po. Bye."
Nakakunot pa rin ang noong iniabot niya sa akin ang cellphone. Then, she twisted her lips. Pagkatapos ay napapailing siya.
Ayaw pa rin niya talagang maniwala.
Napangisi ako nang muli siyang humarap sa akin.
"So, naniniwala ka na?"
"Hmp! Hindi ko alam kung bakit naging close ka sa tita ko para maging ganoon siya kakampante na magkasama tayo sa iisang bubong."
"Mahirap bang paniwalaan? Isipin mo nalang na may mga bagay na nagtatago diyan sa memory mo." Nakita kong mas lalong napakunot ang noo niya. "I knew your condition, your aunt told me so. About your amnesia to be specific," sagot ko sa nagtatanong niyang mukha. "Marahil ay hindi mo na maalala pero naging magkaibigan tayo nung mga panahong nasa ilalim ka ng kondisyon mo. At dahil nabalik na ang nawala mong memory kaya ang halos isang taong span na kasama ako sa memory mo ay hindi mo na maalala."
Hindi ko napigilan ang sarili kong saglit na malungkot dahil sa ibinahagi sa kanya. At bago pa maging madrama ang eksena sa pagitan naming dalawa ay pilit kong pinasigla ang boses ko nang muling ibuka ang bibig ko, "Kaya, magpahinga ka na dahil maaga ka pa bukas." Nilapitan ko siya saka pumwesto sa likuran niya at hinawakan ang magkabila niyang balikat para igiya siya sa kwarto na tutuluyan niya. Kailangan kong maging casual sa harap niya kung gusto kong mapalapit ang loob niya sa akin. Kahit na masakit, kailangan kong gawin 'yon.
Lilingon pa sana siya pero hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na gawin 'yon at mabilis na siyang itinulak papasok. "May mga damit diyan na pwede mong pamalit. Sa tingin ko ay babagay naman 'yan sa taste mo. Just feel at home," hirit ko pa bago isinara ang pinto.
Napahugot ako ng malalim na paghinga matapos isandal ang likod sa pintuan.
Ang sakit ng dibdib ko. Napapikit nalang ako habang iniinda ang sakit na nadarama ko sa pagkakataong iyon. Bakit kailangan kong maramdaman ang ganitong klase mg sakit? Hindi ko alam ma masakit palang magkunwari sa harap ng taong mahal mo.
---------
Hindi ko magawang makatulog ng gabing iyon kaya naman nandoon lang ako sa dining room at tumutungga ng alak. Wala akong ibang maisip kundi ang uminom. Alam ko namang wala namang maidudulot sa akin 'to kundi dagdag na sakit ng ulo, pero ano ang magagawa ko kung ito lang ang nagiging karamay ko sa mga panahon na tinatalo ako ng sakit ng kalooban.
Naalala ko pa kung anong panggigigil ang naramdaman ko kanina nung masaksihan ko kung paano pagtangkaan ng masama ng mga lalakeng iyon si Nissy. Nandoon lang naman ako sa may di kalayuan kaya nasaksihan ko ang lahat. Noon paman ay lihim ko ng sinusundan su Nissy hanggang sa makauwi siyang ligtas sa kanila. Sa ganoong paraan lang mapapanatag ang loob ko.
At hindi ko mapapalampas ang sinomang manakit sa kanya. Sapat na ang minsang muntik na siyang mawala sa akin. Di bale ng hindi na muna niya ako maalala, ang mahalaga ay alam kong ligtas ang kalagayan niya. Kung kailangang maging dakila niya akong stalker masundan ko lang ang lahat ng mga kilos niya ay gagawin ko.
Mas hindi ko makakayanan kung hindi ko masisilayan ang mukha niya. I can't stand that!
*********
End Part!
BINABASA MO ANG
My Last Romance (completed)
RomanceNagmahal, nasaktan, naaksidente, nagkaroon ng amnesia. Sa mga panahong nakalimutan ang unang kabiguan ay nakatagpo ng bagong pag-ibig at pag-asa. Parang napaka-imposible kung iisipin. Ganunpaman, sadyang may mga bagay na hindi natin kayang letrahan...