Chapter 23

18 3 0
                                    

Nissy's POV


Hindi sinagot ni Arnold ang tawag ko. Busy na naman ba siya sa trabaho niya?

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagpalakad lakad ng paroo't parito matapos ang ilang attempt na tawagan si Arnold. Halos maubos na ang kuko sa daliri ko dahil sa kakangangat ko.

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko, minsan ay napapaupo ako, minsan ay napapatingin sa cellphone ko sakaling ibalik niya ang tawag ko. Pero wala pa rin.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko saka naupo sa couch. Napahawak ako sa magkabilang sentido dahil sa pagsigid ng kirot. Siguro dahil sa kakaisip kaya sumakit ang ulo ko.

Isang araw pa. Isang araw pa ang papalagpasin ko kung hindi sasagutin ni Arnold ang tawag ko ay ako na mismo ang pupunta sa condo niya para kausapin siya.

I need to talk to him.

I need to clarify things with him.

Kailangan kong malaman ang totoo.

Nasa labas na ako ng condo niya pero hindi ko magawa-gawang kumatok o mag doorbell.

Napapaurong-sulong ang kalooban ko hanggang sa napagpasiyahan ko nalang na pumasok ng lihim. Alam ko naman ang combination lock ng condo niya, iyon ay kung hindi pa niya pinapalitan.

Voila! Tama nga ako.

Napahugot ako ng malalim na paghinga nang marinig ko ang pag click niyon nang buksan ko.

Pigil ang paghinga nang ipasiya kong pumasok sa loob. Alam kong hindi niya ikakatuwa ang pagbisita kong ito lalo pa at hindi ko naman ipinaalam sa kaniya. At kung sakaling tanungin niya ako kung bakit ako naroon, sasabihin ko nalang na gusto ko siyang surpresahin.

Maingat akong pumasok sa loob.

Bukas ang lahat ng ilaw sa loob kaya alam kong nakauwi na siya. Nakapagtataka lang na ang aga naman niya. Kadalasan kasi ay inaabot na siya ng alas otso ng gabi, eh alas sais palang ng gabi.

Napapakagat-labing nagtungo ako ng kusina.

Wala siya, ni anino niya ay hindi ko makita.

Maingat pa rin ang mga hakbang na nagtungo ako sa silid niya. Bahagyang bukas iyon. Pigil ang paghingang iniangat ko ang kanan kong kamay para katukin siya pero natigil ako dahil sa mga nauulinigan ko mula sa loob. Kaya naman imbes na kumatok ay mataman kung inilapit ang tenga ko sa bukana ng pinto.

Impit at ungol ang mga naririnig ko. Malalalim na mga paghinga kasabay ng mga matatamis na mga salita.

Nanginginig ang mga kamay na itinulak ko ang pinto. Nakayuko ang mga ulo at nakapikit ang mga matang nakatayo lang ako doon.

Napapalunok ako ng maraming beses saka inipon ang buong lakas para buksan ang mga mata para tunghayan kung anoman ang posible kong masaksihan sa loob ng kwartong iyon.

Na-estatwa ako saglit sa kinatatayuan nang masaksihan ng dalawa kong mata ang nagaganap sa loob.

Kapwa hubo't hubad na naglalampungan ang mga ito sa ibabaw ng kama.

"Arnold!" Hindi ko napigilang sigaw sa pangalan niya. Nanginginig ang buo kong kalamnan dahil sa nasaksihan ko. Pakiramdam ko ay sasabog ang buo kong pagkatao.

Napabalikwas naman ng bangon ang mga 'to dahil sa lakas ng boses ko. Halatang kapwa nagulat sa pagdating ko.

"Ni- Nissy? Anong gigagawa mo rito?" Mulagat ang mga matang tanong ni Arnold na nagmamadaling kinuha ang shorts niya sa sahig at mabilis na isinuot.

"Talagang 'yan ang itatanong mo sa akin? Kahapon pa ako tawag ng tawag sa cellphone mo, hindi mo naman sinasagot kaya pumunta nalang ako dito. Tapos ito ang mararatnan ko?!" Naghi-hysterical na ang buo kong katawan. Nararamdaman ko na ang lalong panginginig ko.

Maging ang babaeng kasama nito ay napansin ko ring parang natataranta sa pagbangon at dali daling nagbihis.

"Kaya ko namang ibigay sa'yo lahat ng kailangan mo maghintay kalang," nanlulumong sabi ko saka lumapit sa kanya. "Eto ba, eto ba ang kailangan mo?" Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob na tanggalin ang pagkakabutones ng suot kong damit. Nanginginig man ang mga kamay ay nagawa ko pa ring tanggalin ang mga 'yon. Napapikit nalang ang mga mata ko nang ihagis ko iyon sa ibabaw ng kama at tuluyang lumapit sa kanya.

Nanginginig pa rin ang mga kamay na kinuha ko ang mga palad niya at inilagay sa magkabila kong dibdib. Alam kong kababawan na itong ginagawa ko pero nahihila na akong ng galit at inis ko.

"No!" matigas ang anyong pigil ni Arnold saka kinuha ang damit ko sa ibabaw ng kama at muling isinuot sa akin.

"Akala ko ba ito ang gusto mo?!"

Napapailing lang siya.

"You don't understand," mahinang sabi niya.

Nakakapagtaka pero bakit nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Iba sa Arnold na nakilala ko na napaka-bossy kapag kaharap ako. Tinalikuran niya ako para pulutin ang nagkalat niyang damit para isuot ang mga iyon.

"We need to talk. It's about time para malaman mo ang totoo. Napapagod na rin ako. Wala na rin namang patutunguhan ang mga pagpapanggap ko lalo na ngayon na nasaksihan mo na ang pagtataksil ko sa'yo. Mabuti narin 'to para matahimik na tayo pareho."

"Wha- What?"

Wait, what? Bakit parang baliktad naman yata ang sitwasyon? Bakit parang pakiramdam ko ay parang ako pa yata ang may atraso sa lagay ng pag-uusap na ito? Yeah, you have lots of explaining to do.

*********


End Part!

My Last Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon