Chapter 5

122 36 8
                                    

"Sometimes, all you can do is lie in bed, and hope to fall asleep before you fall apart." Anonymous

*************************************

Rocky's POV


It's been a month since I've been in her room. Walang araw na hindi ako nagpupunta ng hospital. Walang araw na hindi ko kinakausap ang natutulog niyang diwa. Umaasa na marinig niya ang bawat pagsamo ko. Umaasa na sa paggising niya ako ang una niyang makita.

"Nissy, please wake up," mahinang usal ko habang hawak-hawak ang mga kamay niya. "Nandito lang ako kapag nagising ka. I love you as always. So please, wake up. Gusto ko ng makita ulit ang mga ngiti sa mga labi mo," hindi ko napigilan ang mapasigok nang maramdaman ko ang paggaralgal ng boses ko. Saka marahan kong pinaraanan ng daliri ang mga labi niya.

"Rocky, umuwi ka na muna para makapagpahinga," puno ng pag-aalalang anas ni tita Susan. Palagi siyang nandirito sa hospital, salitan silang dalawa ni Joanne Jean. "Don't worry, tatawagan kita sa anumang progress na mangyayari sa kalagayan ni Nissy."

"I'll stay here, tita," pamimilit ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Wala ka pang masyadong tulog at may pasok ka pa bukas. Baka ikaw naman ang magkasakit diyan sa ginagawa mo. Nag-aalala lang naman ako sa'yo."

"Alam ko po 'yon tita. Just let me stay for a little longer."

Wala na ring nagawa si tita kundi ang hayaan ako na manatili sa loob.

Nang sumunod na mga araw ay sa hospital agad ang tungo ko pagkagaling sa opisina. Bitbit sa isang kamay ang isang basket ng sari-saring bulaklak para ipampalit sa nalalanta ng bulaklak na nakapatong sa maliit na mesa.

"How is she?" agad kong tanong kay tita pagkalapag ko sa bulaklak. Nandoon din si Jean at si Janith.

"Kahit papaano ay may progress ng nangyari, Rocky," masiglang tugon ni tita. "Kanina lang ay nagkaroon na ng reflexes ang mga kamay niya at ang mga mata niya ay nag-umpisa na ring gumalaw," dagdag pa niya.

"Talaga po," hindi matawaran ang pagbangon ng tuwa sa puso ko dahil sa narinig. Naupo ako sa bakanteng upuan sa kanang bahagi ng kinahihigaan ni Nissy at agad na ginagap ang mga kamay niya. "Oh God! Nissy, please wake up, my love." Iniangat ko ang mga kamay niya at paulit-ulit na ginawaran ng halik.

Totoo nga ang sabi ni tita Susan, nagkakaroon na ng reflexes ang mga kamay niya. Kahit ako ay naranasan ko ang paggalaw ng mga kamay niya. Kaya naman mas lalo akong nabuhayan ng loob na sooner or later ay magigising narin siya.

Mas lalo akong hindi umalis sa tabi niya ng gabing iyon. Gustong kong ako ang unang mamulatan ng mga mata niya kapag nagising na siya.

Maghahating-gabi nu'ng marinig namin ang mahinang ungol niya.

"Nissy?"

Nagsilapit rin sila Janith sa gilid ng kama malapit kay Nissy.

"Nissy, andito lang kami," ani tita Susan.

"Friend, andito lang ako. Hindi ako umaalis sa tabi mo," masaya namang sabi ni Janith.

"Pinsan, gising ka na. Miss na kita," si Jean na parang maiiyak pa dahil sa tuwa.

Halos hindi kami kumukurap sa pag-asam na makikita na namin ang paggising niya. False alarm. Pero sige lang, ang mahalaga ay meron ng pag-asa.

Nang sumunod na araw ay maaga akong umalis ng opisina, iniwan ko nalang sa sekretarya ko ang iba pang gagawin at agad na nagtungo ng hospital nang malaman kong gising na si Nissy. Naririnig ko pa ang excitement sa boses ng pinsan ko nang tawagan niya ako sa phone para ipaalam ang nangyari.

Halos maistatwa ako sa bukana ng pinto nang makita ko ang nakangiti niyang mukha na nakikipag-usap sa tita niya. Nakaupo na siya ngayon sa kama na kinahihigaan niya. Na miss ko ang malutong niyang tawa.

Napangiti ako. Ang saya ng pakiramdam ko.

"Nissy?"

Nahinto sila sa pag-uusap at sabay na napatingin sa akin.

"Rocky!" masiglang wika ni tita Susan. "I'm glad you're here!"

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Nissy nang tumingin sa direksiyon ko saka nag-iwas ng tingin. 'Yong klase ng tingin na parang hindi siya natutuwa na makita ako.

Malalaki ang mga hakbang na lumapit ako sa kama.

Saglit na nakipagtitigan sa blangko niyang mukha. Gusto kong kabahan, bakit parang hindi siya masaya na makita ako? Bakit parang hindi niya ako kilala sa uri ng ekspresiyon ng mukha na meron siya ngayon?

"Nissy. Oh God! Lord knows how happy I am to see you awake right now!" saka hindi ko na pinigilan ang sarili ko na yakapin siya. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kanya. Pero nakapagtatakang hindi man lang niya ginanti ang yakap ko. Galit ba siya sa akin dahil ako ang dahilan at matagal siyang walang malay at nakahiga lang sa ibabaw ng kama? Kung sakaling galit man siya ay tatanggapin ko. Alam kong mapapatawad rin naman niya ako kapag naghilom na ang galit niya.

"Wait," ang tanging tugon niya. Ramdam ko ang pag-aalangan sa reaksiyon ng katawan niya nang inilalayo niya ang katawan niya sa akin. "Tita, help me with this."

Naguguluhan man ay inilayo ko nalang ang katawan ko sa kanya. Lukot ang noong napatingin ako sa kaniya.

"Who are you at bakit mo ako niyayakap?" kunot-noong bungad na tanong niya. Lagpas ang tingin na para bang wala ako sa harapan niya. "Tita akala ko ba darating dito ang mahal ko. Nasaan na si Arnold?" saka binalingan niya si tita Susan.

Napasunod naman ang tingin ko sa kinatatayuan ni tita Susan. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagkabigla sa mga mata niya dahil sa narinig mula kay Nissy. Maging sina Jean at Janith ay ganundin ang ekspresiyon ng mga mukha. Hindi ko man lubos na maunawaan ang mga nangyayari pero ramdam ko ang tensiyon sa paligid.

"Janith, ilabas mo muna si Rocky. Kakausapin ko lang muna si Nissy," halos mabibilaukang utos ni tita Susan. Bigla ay ngaging aligaga ang reaksiyon nito.

Tila pinagpapawisan at wala sa loob na napatango naman si Janith saka walang sabi-sabing hinila ako palabas ng kwarto. Hindi ko sana ibig na sumama pero wala rin akong nagawa dahil sa higpit ng kapit ng mga kamay ni Janith sa braso ko.

"What is happening here, Janith?" tanong ko agad sa pinsan ko pagkalabas namin ng pinto. My mind is in misery right now.

"Oh God! This is not happening!" tila hindi naririnig ni Janith ang tanong ko at parang naguguluhan ang isip na nagpapalakad ng paroo't parito. "This is not happening," ulit pa niya.

"Sino si Arnold? Janith!" hindi ko napigilan ang mapasigaw na siyang nagpatigil sa ginagawa niya paroo't parito.

"Rocky," aligagang hinarap niya ako. "This is bad news."

"What do you mean bad news? Alam mo bang kinakabahan ako dahil sa mga nangyayari. Is this a joke? Ano bang napag-usapan niyo kanina? Galit ba siya sa akin kaya iba ang pakikitungo niya nang magkita kami? Janith naman, just tell me kung prank lang ang lahat ng ito."

Gusto ng manginig ng kalamnan ko dahil sa magkahalong galit at pag-alala.

"Oh God!" Hindi ko alam kung bakit pero malungkot ang mukhang lumapit sa akin ang pinsan ko at niyakap ako ng mahigpit. Nanginginig din ang katawan niya na para bang meron siyang kinakatakutan. "Rocky, my dear cousin. Ano ang gagawin ko? Hindi ko alam kung saan ko uumpisahan ang pagpapaliwanag sa'yo sa nangyayari ngayon. God knows how happy I am na makita ka, kayo ni Nissy na masaya."

"What do you mean by that? Bakit parang iba ang pinatutunugan ng mga sinasabi mo?" kinakabahang kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin at matiim na tinitigan siya sa mga mata.

Ilang beses siyang napapalunok saka umiwas ng tingin sa akin. "I guess we have to go home first. Kailangan mong maging handa sa kung anoman ang ipagtatapat ko sa'yo."

******************

End Part!

My Last Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon