Chapter 6

67 8 0
                                    

"There are no secrets that time does not reveal." Jean Racine

********************************

Janith's POV

Kalahating oras na rin ang nakalipas mula ng dumating kami sa bahay. At sa loob ng minutong iyon din ako ginugulo nitong si Rocky na ipagtapat na sa kaniya ang gusto niyang marinig.

Pero paano ko ba sasabihin sa kanya? Paano ko ipagtatapat sa kanya ang bagay na dalawang taon na naming ibinaon sa limot sa pag-aakalang hindi na iyon magbabalik.

Nakakatakot.

Nakakapanghinayang.

Nakakapanlumo.

Habang tinitingnan ko ang mukha ni Rocky na balisa at hindi mapakali, natatakot ako para sa kanya. Natatakot akong ipagtapat dahil sa nararamdaman kong awa sa pinsan ko.

Gusto kong umiyak ngayon para sa pinsan ko. Alam ko kung gaano niya kamahal si Nissy. Alam ko kung anong kasiyahan ang nararamdaman niya kapag

"Janith, please stop your pacing. Ako ang nahihilo sa ginagawa mo. Just tell me kung ano ang gusto mong sabihin. Malalaman ko rin naman. Please, maawa ka sa akin, Janith. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari!"

Napakagat-labi ako. Hanggang ngayon, urong-sulong pa rin ang dila ko kung saan ako mag-uumpisa ng pagtatapat ko sa kanya.

"Rocky," umpisa ko na hindi man lang naikubli ang pangangatal sa boses ko. Napasigok ako bago nagpatuloy. "Two years ago, Nissy got into an accident – " napapikit ako, parang hindi ko kayang bigkasin ang susunod kong sasabihin kahit na alam kong wala naman talaga akong choice kundi ang sabihin sa kanya ang totoo, "that took part of her memory," sa wakas ay nasabi ko 'yon. Muli kong iminulat ang mga mata ko at tumingin sa kanya. "Nagkaroon siya ng selected amnesia. Sounds impossible, pero 'yon ang nangyari. Ang sabi ng doctor, anytime ay pwedeng mabalik ang nawala niyang memorya lalo na kapag naghilom ang naging sanhi nito."

"What are you trying to say? Hindi ko maintindihan," napasabunot sa sariling buhok na sabi niya. Nagtatangis rin ang mga bagang niya nang tumingin sa akin. Nanlumong naupo siya sa couch.

"Hear me out first para maintindihan mo kung ano ang nangyayari dito." Naupo ako sa katapat na upuan saka muling napabuntong-hininga. "I want to tell you a story para maintindihan mo kung bakit at ano ang nangyayari ngayon kay Nissy. Please, don't interrupt me for a while. Kailangan ko ang mahabang unawa galing sa'yo."

"Go on," aniyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

"College kami nu'n ni Nissy nang magsimula kaming maging magkaibigan. Maliban naman sa'yo ay wala na akong ibang naging tapat na kaibigan kundi si Nissy. Alam mo naman na napaka-caring ng babaeng 'yon di'ba. Alam ko rin na kaya agad na nahulog ang loob mo sa kanya dahil sa kabaitan niyang taglay at sa pagiging sweet niya," hindi ko napigilan ang mapangiti nang maalala ko ang mukha ni Nissy.

"Since first year college kami ay may boyfriend na 'yang si Nissy, 'yon naman si Arnold Montalban. Magkaibigan ang mga magulang nila kaya naman napag-isipan ng mga ito na ipagkasundo silang dalawa mula noong first year palang kami. They were college sweetheart but not your typical boy and girl relationship. Arnold had had a reputation being a playboy and he really was. Kahit naman mahal talaga siya ni Nissy ay hindi parin sapat sa kanya ang pagmamahal na 'yon. You know, once a jerk always a jerk, ganoon si Arnold.

Kahit anong sabihin ko dati kay Nissy tungkol sa panloloko ni Arnold sa kanya ay hindi naman niya pinapakinggan ang mga sinasabi ko. Lagi niyang sinasabi na lahat naman ng tao ay pwedeng magbago kaya patuloy niyang pinapatawad si Arnold everytime na humihingi ito ng tawad sa kanya. Kulang nalang ay sakalin ko ang nakakainis na mukha ni Arnold kapag nakikita ko siya.

My Last Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon