Nissy's POV
Buong araw ko ring tinititigan ang calling card na ibinigay sa akin ni Rocky. Buong araw kong pinag-isipan ang tungkol sa inaalok niya. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang inaalok niya o hindi. Kung tatanggapin ko kasi ang inaalok niya, mabibigyan ako 'nun ng chance na gawin ang gusto ko na makapag-experiment ng mga putahe gaya ng sabi niya.
Ang inaalala ko naman ay kaakibat 'nun ang katotohanang makikita ko siya palagi. Ayoko 'nun, ayoko kasi siyang nakikita kasi nga may kakaiba akong nararamdaman kapag nasa paligid siya. Hindi kasi ako mapakali sa hindi malaman na dahilan.
'Yong mga titig niya ayaw ko mang bigyang kahulugan pero hindi ko mapigilan na hindi mag-isip na parang may nagtatagong lihim sa likod nung mga titig niya.
Hindi ko ugali ang magbigay ng atensiyon sa ibang lalake lalo pa at wala naman akong dahilan na gawin iyon. Ni minsan man ay hindi ako nakakaramdam ng uneasiness sa kaninomang lalake dahil sarado na ang puso't isip ko sa ideyang meron na akong lalakeng minamahal. Kaya nga natatakot ako ngayon dahil iba ang epekto ng presensiya ni Rocky sa puso ko.
Hindi ko rin alam kung bakit kailangan kong maramdaman ito sa kanya.
At hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman kong ito. It's not normal. It's not just.
Naipilig ko ang ulo ko para iwaksi sa isip ko ang mga pangambang nararamdaman ko.
I want to be faithful to the man I promised to give my love with. And that's Arnold.
Kailangan kong ialis maging ang imahe man ni Rocky sa isip ko. Ayokong magkasala kahit sa isip ko.
Sa isiping 'yon ay mabilis kong inihagis sa basurahan ang calling card na ibinigay niya. I won't accept his proposal. Why should I? Hindi naman ako naghihikahos na parang mamamatay na sa gutom para tanggapin ang inaalok niya, ah.
"Naku, alas-diyes na pala ng gabi," hindi ko maiwasang bulalas nang masulyapan ang pabilog na wall clock na nakasabit sa dingding ng opisina ko.
Sa kakaisip ay hindi ko man lang namalayan ang pagtakbo ng oras. Kanina lang din umalis ang mga tauhan ko kaya batid kong ako nalang mag-isa ang nasa loob ng opisina.
Matapos masigurong sarado na lahat ng pinto at nakapatay na lahat ng ilaw ay lumabas na nga ako ng restaurant.
"Oy, miss beautiful! Nag-iisa ka yata!"
Bigla ang paglakbay ng kaba sa buo kong kalamnan dahil sa isang grupo ng lalake na papalapit sa kinatatayuan ko. Halfway palang ang pagkakabukas ng pinto ng kotse ko nun nang lumapit sila.
Muli kong isinara ang kotse ko at nanginginig na isinilid muli sa shoulder bag ang susi.
Napalunok ako. Wala akong alam sa ganitong klase ng sitwasyon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung tatakbo ba ako o hindi? Kung lalabanan ko ba sila o hindi? I really have no idea.
"Mag-isa ka yata!" nakangising anas nung lalakeng may bigote. Mukha palang niya ay hindi na kapani-paniwala. Lumapit siya at hinawakan ako sa braso.
"Huwag mo akong hawakan," mabilis kong inalis ang mga kamay niya na nakahawak sa braso ko. My reflexes just told me so. Napaatras pa ako ng kunti.
"Aba, pare matapang ang isang 'to," baling niya sa mga kasama niya.
"Please, just leave me alone. Kung gusto niyo, sa inyo nalang ang kotse ko," nag-umpisa na yata akong manginig lalo pa at papalapit na rin ang mga kasama niya. Agad kong kinuha sa loob ng shoulder bag ko ang susi ng kotse at nanginginig pa ang mga kamay na iniabot sa lalake.
BINABASA MO ANG
My Last Romance (completed)
RomanceNagmahal, nasaktan, naaksidente, nagkaroon ng amnesia. Sa mga panahong nakalimutan ang unang kabiguan ay nakatagpo ng bagong pag-ibig at pag-asa. Parang napaka-imposible kung iisipin. Ganunpaman, sadyang may mga bagay na hindi natin kayang letrahan...