"A year ago, everything was different. And now that I look back. I realized that a year can do a lot to a person." Anonymous
*******************************
Nissy's POV
Ilang araw na rin mula noong makauwi ako sa bahay. Gusto kong lumabas ng bahay pero hindi ako pinapayagan ni tita.
Hay!
Nakakabagot na kaya dito sa loob ng bahay. Halos naubos ko naring basahin ang mga novels na collections ko. Gusto ko na ring bisitahin ang restaurant. Gusto kong kamustahin ang mga tauhan ko at ang sales. At higit sa lahat gusto ko ng makita si Arnold. Hindi ko naman magawang kontakin ang phone niya. Nag change na yata siya ng number. Nakapagtatakang hindi niya ako in-inform kung sakali mang ganoon nga.
Napapabuntong-hininga nalang ako habang napapabangon-higa sa kama. Saka nagpasiya akong lumabas ng kwarto at magtungo ng kusina. Bahala na, bahala na kung magalit man sa akin si tita basta pupuntahan ko sa opisina niya si Arnold para dalhan ng pagkain niya. Peace offering ko dahil sa ilang buwan na hindi namin pagkikita.
Matapos maisilid sa iilang lunch boxes ang pagkaing inihanda ko ay agad na akong lumabas ng bahay. Wala naman sila tita kasi nag-grocery kaya nag-iwan nalang ako ng message sa fridge na aalis ako.
Kilala naman ako ng mga tauhan ni Arnold kaya tuloy-tuloy ang pagpasok ko sa loob ng opisina niya. Nakapagtataka lang na parang hindi nila inaasahan ang pagdating ko.
Mahihinang katok sa pinto ng opisina niya bago ako pumasok. Gulat at kunot ang noong nag-angat siya ng mukha nang makita ako sa harap ng pinto.
"What are you doing here?" parang nagulat pa siya nang makita ako. Hindi ba niya inaasahan nag pagdating ko?
"Galit ka pa rin ba sa akin?" umpisa ko habang papalapit sa mesa niya. "May dala akong pagkain para sa'yo dahil alam kong hindi ka pa kumakain. Gusto kong magtampo sa'yo, hindi mo man lang ako nagawang bisitahin sa hospital." Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap ng mesa niya nang tuluyan na akong makalapit saka inilapag sa ibabaw ng mesa ang dala kong pagkain.
"Anong ibig mong sabihin? Bakit ano ba ang nangyari sa'yo? At bakit ka nasa hospital?" Sunud-sunod na tanong niya matapos isara ang binabasa niyang folder.
"Hindi ba naipaalam sa'yo ni tita na naaksidente ako kaya ako na confine sa hospital?" Hindi ako makapaniwala na hindi man lang nabanggit ni tita sa kanya 'yon.
"Wala namang nababanggit ang tita mo. Pero mukhang okay ka na naman ah," tila hindi interesado na sabi niya.
"Well," pilit kong pinapasigla ang boses ko. "I'm totally fine. Kumain ka na ba?"
"Yeah, I'm done eating," aniya saka napatingin sa lunch boxes na nasa gilid ng isa pa niyang mesa.
"Who brought your lunch?" nalukot ang mga noo ko dahil sa nakikita.
"Ipinahanda ko 'yan sa secretary ko," aniyang napapatikhim. Napatitig ako sa kanya. "Okay, para hindi ka na magtampo o magalit, just leave that here at kakainin ko mamaya kapag nakaramdam ako ng gutom," napangiti niyang sabi kaya napangiti na rin ako.
"Come here," saka malumanay na sabi niya. Umalis siya sa pagkakaupo at lumapit sa akin para halikan ako sa mga labi.
Napangiti nalang din ako.
Umupo siya sa ibabaw ng mesa niya habang iniyayakap ang dalawang braso sa beywang ko at marahang inilalapit sa kanya. Ugali na niya 'yon kapag gusto niyang maglambing.
"Tiyak na matutuwa si mama nito kapag nalaman na magkasama tayo. I will call her later. Punta ka sa bahay ha," malambing na sabi niya habang nilalaro ang ilang hibla ng buhok ko.
BINABASA MO ANG
My Last Romance (completed)
RomanceNagmahal, nasaktan, naaksidente, nagkaroon ng amnesia. Sa mga panahong nakalimutan ang unang kabiguan ay nakatagpo ng bagong pag-ibig at pag-asa. Parang napaka-imposible kung iisipin. Ganunpaman, sadyang may mga bagay na hindi natin kayang letrahan...